CHAPTER TWENTY FOUR(Remember The Callious Plan?)

48 2 0
                                    

NANG MAKITA kong tumayo si Armina sa kinauupuan niya ay siyang tanda naman ng pagtayo ko. Napansin ko ang paglipad ng tingin ni Xander mula sa aking kinauupuan. Hinayaan ko lang siya at nagtuloy na sa libriary.
"Saan ka naman pupunta, huh, Bobby?!" maangas niyang tanong sa akin ni Xander Luis.

Tinapunan ko lamang siya ng "Saan ka naman pupunta, huh, Bobby?!"nang-uuyam na tingin at saka nginisian siya nang nakakaloko.

"Puwede ba, Xander, umalis ka sa daraanan ko? Hinihintay ako nina Armina sa loob ng libriary."
Bigla ay nahalinhinan ng pagtataka ang mukha niya. Hanggang sa unti-unting nagsalubong ang makakapal niyang kilay.

"What do you mean na hinihintay ka sa loob nina. . ."
Ngunit 'di ko na siya pinatapos dahil agad na akong naglakad. Sinadya kong sagirin ang braso niya na siyang naging dahilan para mapaatras ito.

"Bakit? Hindi ba sinabi sa 'yo ni Favio at ni Armina ang magiging usapan sa libriary?"
Nang hindi siya umimik ay nagpatuloy na ako sa pag-akyat sa mataas at engrandeng hagdan na matatagpuan lamang sa mayayaman at kilalang tao sa panahon namin. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng libriary nang malakas akong itinulak ni Xander na siyang naging dahilan para mapasandig ako sa pader.

"Ano na naman bang kalokohan ang pinaplano mo ngayon, huh, Bobby? Puwede, bumalik ka na lang sa impyernong pinanggalingan mo?" halos labasan ng apoy ang mga mata ni Xander matapos sabihin iyon.
Kinuwelyuhan pa niya ako. Halos nakikita ko na ang mga ugat niya sa leeg.

"Puwede ba? Tanggalin mo ang mga kamay mo sa kuwelyo ko!" malakas kong bulyaw rito.
Mabilis ko siyang itinulak para mapahandusay siya sa sahig.

"Diyan ka nababagay!"
Gulat at pagkamangha ang nakalarawan sa kaniyang mukha habang nakatanghod siya sa akin.

"Hintayin mo ang paglabas ni Armina mamaya dahil siya ang kusang magsasabi sa iyo ng katotohanan."
Magsasalita pa sana siya nang dahan-dahang nagbukas ang pinto ng libriary. Iniluwa niyon si Armina. Agad siyang nilapitan ni Xander Luis. Nang akmang hahawakan na sana siya ni Xander Luis ay mariin lang siyang pumiksi. Pagtataka at may bahid ng pagdaramdam ang tinig ni Xander nang magsalita.

"What's wrong, Dear?"
Napailing lang siya. Ang mga sumunod na binitiwang salita ni Armina ang siyang ikinagalak ko.

"Huwag mo na sana akong tatawagin ulit nang ganiyan, Xander. Magmula sa araw na ito ay tinatapos ko na ang lahat ng ugnayan nating dalawa."

Dali-dali siyang umalis sa harap ni Xander. Naiwang tulala ang huli. Agad siyang nilapitan ni Vanessa. Maiksi kaming nagtinginan. Mga tinging may ibig pakahulugan sa bawat isa sa amin. Hakbang para sa makamundong layunin namin.

✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETEDWhere stories live. Discover now