CHAPTER SEVENTEEN(The Plan B)

45 2 0
                                    


MAG-UUMPISA na ulit ang game. Tiningnan ko ang oras. Halos nangangalahati pa lang ang first quarter nang biglang pumito ang referee, hudyat para mag-umpisa na naman ang laro. Takbuhan ulit ang mga player sa hinahabol na bolang tumatalbog.

Nangunguna pa rin sina Xander. Nang si George ulit ang may hawak ng bola ay mabilis niyang ipinasa kay Xander ang bola. Sa bilis pa naman ng pangyayari ay nag-three points si Xander.

Shoot!
Halos mayanig ang buong gymnasium sa sigawan ng mga babaeng students. Nang maipasok nga ni Xander ang bola ay nag-buzzer ang bell na hudyat na tapos na ang first quarter. Napalingon ako sa likuran ng sumigaw nang pagkalakas-lakas si Vanessa.

"I love you, Xander!"
Pagkatapos niyang isigaw ang mga salitang iyon ay ibinaling niya ang tingin sa akin at saka tinaasan ako ng kilay na parang ipinaparating niya sa akin na ang ginawang tira ni Xander ay para sa kaniya.

The nerve of that girl! Or must I say "bitch"? Feelingera!
Napangiti lang si Xander at kumaway kay Vanessa.
Mayamaya ay may marinig akong bulungan sa may gilid ko.

"Ang sweet naman ni Vanessa! Talagang tama ang bali-balita na magnobyo nga sila," sabi noong girl sa may tabi ko.

"Yeah, correct ka, girl! Alangan namang magpapakaabala pang manood si Ms. Vanessa Ramirez kung hindi niya nobyo si Xander. Ang mga katulad niyang singer ay busy at puno ang sched tapos. . ." Napatigil ang nagsasalita ng mapansing katabi ako ng kausap niya. "Tanungin natin kay Armina if sila nga. Tiyak alam niya dahil stepbrother niya si Xander Luis."
At ito nga, tinatanong na ako ng katabi ko. Mariin lang akong humindi dahil sa pagkakaalam ko ay wala talagang relasyon ang dalawa. Peksman, mamatay man. Matapos iyon ay hindi na ako muling tinanong ng kausap ko. Wala akong pakialam kung anong isipin nila. Nainis at naiirita talaga ako kapag sina Xander at Vanessa na ang pinag-uusapan. Nagseselos ako, sa totoo lang! At ito namang si Xander gustong-gusto naman. Urgh! I hate this feeling.

Nang tumunog na nang malakas ang buzzer ay nagpatuloy ang laro. Malalakas na hiyawan muli ang nanaig sa loob ng gym. Mabilis nang nauubos ang ilang minuto. Biglang napasalampak sa sahig ang isang kasama nina Xander. Naiinis itong tumayo at tila susugurin ang kalabang player na nakabantay dito.

"Hala! Anong nangyayari?" tanong ni Mikaela sa tabi ko.
Nagkagulo na at nagkatulakan na nga ang iba.

"Magsusuntakan na sila, girl!" ani Luisa.

Pumito ang referee at saglit na pinapatigil ang laro. Sinabihan ang ka-teammate ni Xander na tumigil. Binigyan ng referee ng first warning ang team nina George at Xander Luis. Pumito ulit ito, ngayon ay na kay Bobby ang bola. Pasahan at depensa ulit ng bola.

Lumipas ang ilang minuto, napakabilis ng mga pangyayari. Tila nasisira ang laro ng mga ka-team ni Xander nang lumamang na nga ang team nina Bobby. Nagsisigawan na at panay mga tili ang maririnig sa loob ng gym. Ako nga nakatayo na. Ewan ko ba pero kinakabahan ako. May pakiramdam akong may masamang mangyayari. At hindi nga ako nagkamali dahil sa huling segundo ng oras ay nakita kong hawak na ulit ni Xander ang bola. Mabilis na binakuran ng nagbabantay si Xander. Pati si Bobby ay dumepensa rin. Nag-lay up si Xander at sa 'di inaasahang pangyayari ay nasupalpal ito ni Bobby. Malalakas na singhap ang maririnig sa buong gym. Tumunog ang buzzer ng bell bilang hudyat na tapos na ang second quarter.

Naglakad na pabalik sa bench si Bobby at ang mga kasama nito, tila nasisiyahan sa mga nangyayari. Habang si Xander naman ay kinausap ang referee.

"Sir, 'di ba, foul iyon?"
"Hindi. Sige, you can go back to your designated area."
"No, sir, I know foul iyon!" pilit pa rin ni Xander.

Tila nakulitan naman kay Xander ang referee. "Mr. Montenegro, I'm warning you. Kapag nagpumilit ka pa rin, aalisin kita sa laro."
Napailing-iling na lang si Xander Luis.

43-50 na ang score. Lamang ang kabilang team . . . ang team nina Bobby.

Nakikita ko sa mga kilos at galaw ni Xander Luis ang tinitimpi niyang galit.

PITO na ang lamang ng kalaban. Konti lang iyon pero gigil na gigil ako.

Alam kong may mali. Parati na lang kami ang tinatawag ng referee. May dalawa pa namang quarter ang natitira at dapat sa natitirang quarter ay lumamang na kami. Mula sa malayo ay kitang-kita ko si Bobby na preskong nakaupo at maganda ang pagkakangisi. Tila ako ang pinagtatawanan!

Muling tumunog ang buzzer.
"Guys, I know you can win this practice game. Just be positive and don't let your worries succed," huling bilin ng aming coach.

Muli ay naghari na naman ang ingay at sigawan. Tuloy ang pagpasa at pagdrible, ilang beses akong nakashoot. Ngunit hindi pa rin sapat dahil lamang pa din sina Bobby. Pumito ang referee dahil na-foul ako ng nagbabantay sa akin.

Chance ko na ito para makagawa ulit ng puntos. Nagdri-drible na ako nang maramdaman ko ulit ang pinong kirot na iyon. Sa maling hawak ng bola ay biglang namanhid ang aking kanang kamay. Bigla nawalan ng balanse ang talbog ng bola dahilan upang ibigay ulit sa akin ito. Actually, kaninang last minute ng second quarter ay ramdam ko na ito. Nag-concentrate ako at itinira ko ang unang bola. Shoot! Ang ikalawa, malalakas na sayang ang narinig ko kasi hindi pumasok. Pinag-igihan ko ang pangatlo. Muli ay itinira ko ang huling bola. Muli ay hindi na pumasok ang bola. Naghabulan na kami sa loob ng court. Sa hindi inaasahang pangyayari ay pinagtulungan ako ng aking bantay at ni Bobby. Mabilis na hinila nito ang bola habang ang kasama niya ay palihim na umapak sa sapatos ko.
Sa maling hakbang ay napasubsob ako. Pumito nang malakas ang referee. Napatayo si Vanessa at Armina. Pati sina Nicko ay nagulat sa nangyari. Nakayukyok ako sa sahig ng aming gym hawak-hawak ang nasaktan kong paa. Dali-dali akong inakay nina George. Ang coach namin ay humingi muna ng time-out. Tagaktak ang pawis sa noo ko.

"A-aray! Dahan-dahan, Vanz," ang sabi ko sa nurse ng school.

"Relax ka lang Xander," patuloy nito habang inaalis ang sapatos at medyas na suot ko sa kanang paa.

Naglagay ito ng warm bag sa may bukong-bukong ko. Habang nakaupo at patuloy na tinitingnan ni Ms. Vanz ang paa ko ay patuloy rin ang matinding agam-agam sa isip ko. Napatayo at napangiwi ako nang makita kong naka-shoot uli ang team nina Bobby.

"Ouch!"

"Umupo ka lang, Xander! Ang paa mo, kailangan mong ipahinga."
Napakagat-labi lang ako. Sampong puntos na ang lamang nina Bobby. Pinilit kong tumayo ngunit pinigilan ako ng nurse.

"I'm sorry, Xander, but you can't play for now."

"At bakit hindi?"
Malungkot lang akong tinitigan nito.

"I am sorry to tell you this. One of your veins have been seriously injured. Namamaga ito kaya kailangan mong ipahinga ito ng isang buwan."
Mabilis akong napalingon sa kaniya.

"Are you serious, Vanz? My teammates need me in this game and for the up coming district championship next week!" galit ko nang sabi.

"I'm sorry," pag-uulit niya lang.
Napatutok lang ako sa mga naglalarong ka-teammate ko. Nanghihina akong umupo sa bench at tahimik lang na nanood. Galit at panghihinayang ang lumukob sa aking puso. Natapos ang third at fourth quarter at pang higit na lumamang sina Bobby hanggang sa sila nga ang nanalo. Kahit practice game lang ito, pakiramdam ko ay totoong laban ang naganap dahil naroon ang karibal ko sa puso ni Armina. Si Bobby Fontanilla.
Napadako ang tingin niya sa akin. Tila nagagalak ito sa nangyari sa 'kin dahil 'di na nga ako nakapaglaro. Alam kong ikinatutuwa niya ang nangyari sa akin. Mariin kong kinuyom ang dalawa kong kamao na nakapatong sa aking kandungan. Nilapitan ako ng aking mga ka-teammate, mahigpit na yumakap ang bawat isa. Lumapit rin si Nicko, Betty, at Vanessa. Ngunit balewala iyon dahil ang gusto kong makisimpitya sa akin sa mga oras na iyon ay nanatiling nakatayo sa malayo. Malayo sa aking distansya. Nagkatitigan kami. Hindi ko mabasa kung ano man ang nasa isip niya.

Humakbang siya palapit sa akin. Napalingon ako kay Vanessa na puno ng pag-aalala sa nangyari sa akin. Nang muli kong balikan ang puwestong kinatatayuan ni Armina ay wala na siya. Ang mga kaibigan na lang niya ang tangi kong nakita. Nasa kabilang team na ito at masayang kinakausap si Bobby. Galit at paninibugho ang bumalot sa akin. Ang akala ko, ang paa ko ang makirot. Mas higit pala ang nararamdaman kong kirot sa aking dibdib.

✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETEDWhere stories live. Discover now