CHAPTER TWENTY THREE(The Day After Tomorrow)

42 2 0
                                    


Dec. 20, 1973.

ISANG TAON ang matuling lumipas. Ngayon ang ika-unang taon ng kamatayan nina Dad, Mama and Baby Arhea.

Parang kahapon lang ang mga nakalipas. Andito kami ngayon sa puntod nila. Matapos mailagay ni Luis ang mga kandila ay kasunod kong ipinatong sa ibabaw ng mga puntod ang mga bulaklak. Nag-alay rin kami ng maikling panalangin. Mag-iisang oras na kaming nakatayo nang mapagpasiyahan naming umuwi na sa mansiyon. Tiyak naghihintay na ang mga bisita.
Habang pauwi kami ay manaka-naka kaming nag-uusap ni Xander.

Sa mga nakalipas na buwan, kami lang lagi ang magkasama. Kaya Lalong lumalim ang pagtitinginan namin. Naipaparamdam na rin namin nang malaya sa isa't isa ang aming mga kaniya-kaniyang damdamin. Naging extra sweet siya sa akin.

Pinagpaplanuhan na rin namin na kapag nakatapos na kami sa aming kaniya-kaniyang kurso ay uumpisahan na namin ang pagpaplano ng kasal naming dalawa.

Lahat ng sakit at pangungulila na dulot ng pagkawala nina Dad ay kusang naghilom sa pagdaan ng mga buwan. Salamat kay Xander Luis. Kahit maraming tumututol sa relasyon namin ay hindi ito naging hadlang para ikahiya ang relasyon namin.

Lalo pa nga kaming pinagtitibay nito. Hindi ko lang alam kung sino ba ang nagkakalat tungkol sa pakikipagrelasyon ko kay Xander Luis. Sina Mikaela at Luisa lang naman ang sinasabihan ko ng mga bagay tungkol sa relasyon namin ni Luis.

Hindi naman siguro nila magagawang traydurin ako. Higit pa sa magkakapatid ang turingan namin. Kaya imposibleng isa sa kanila.

Malaki ang tiwala ko sa kanila. Sa ngayon ay mas nakasentro ang puso at isip ko sa nag-iisang lalaking minamahal ko. Si Xander Luis.

Habang lumilipas ang mga araw ay nagiging unforgettable ang bawat sandali na magkapiling kami ng aking pinakamamahal. Sana wala nang maging hadlang sa pag-iibigan namin ni Luis. Hindi ko kakayanin kapag nawalan pa ako ng isang minamahal.

NANDITO kami ngayon ni Mikaela sa mansyon ng mga Deo Gracia. Ginugunita namin ang first death anniversary ng mga magulang ni Armina.

Narinig nga namin ang pagdating nila. Naka-abrisyete pa si Armina kay Xander.
Grabe na talaga ang ipinagbago ni Armina.

Noong una, lantaran pa niyang sinasabi sa aming never siyang magkakagusto kay Luis! Iyon pala. Hay nako. Napapailing na lang ako. Yes, ako nga ang nagkakalat sa alta-siyudad namin ng tungkol sa relasyon nila ni Xander Luis!

Ang hilaw nilang relasyon bilang magkapatid na ngayon ay nasa next level na raw. Kay Armina ko rin nakukuha ang mga mahahalagang impormasyong kinakalat ko dahil bestfriend niya ako at malaki ang tiwala sa akin ni Armina. Wala siyang kaalam-alam na ako pala ang nagkakalat! Willing akong maging back fighter at magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin.
Just to win the love of my dream man.

KUMAKAIN na kami nina Armina nang mapansin ko ang pagdating ng isang itim na kotse. Muntik pa akong mabilaukan nang umibis mula roon ang magpinsan na Bobby at Vanessa.
Pati si Armina na katabi ko'y natigilan din at hindi nakahuma. Nasa mga maamo niyang mga mata ang kakaibang kaba. Isa lang ang ibig sabihin niyon.

Maski man ito ay walang alam sa pagdating ng magpinsan.

Lumapit kay Armina ang family secretary at may ibinulong dito. Mabilis akong binalingan ni Armina matapos siyang kausapin ng family secretary.

"Xander, may pag-uusapan lang kami sa libriary and it concerns about the management of the DGC."

Unti-unting nagsalubong ang mga kilay ko. "Bakit ikaw lang ang kakausapin? Bakit hindi ako kasali? Sa pagkakaalam ko, kabilang na rin ako sa pamilya."
Mabilis namang sumabad ang antipatikong matandang hukluban.

In the first place na nakaharap ko ang family secretary nina Armina ay hindi ko na nagustuhan ito.
"Mr. Montenegro, pagkatapos naming kausapin si Ms. Deo Gracia ay sasabihin naman niya sa iyo ang lahat ng mapaguusapan namin."

Napatingin ako ulit kay Armina. Assurance filled her eyes. I don't know. But I have this huge feeling na may mangyayaring hindi ko inaasahan. And my instinct never failed me. Sana nga lang, mali ako ng inaakala.

✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon