CHAPTER SIXTEEN(The Practice Game)

50 2 0
                                    


January 5, 1970.

NARITO LANG naman kami sa mall. Kasama ko ang pinsan kong si Bobby. Pinage niya akong magkita kami rito. Kasama ko nga siya ngunit tila wala ito sa sarili. Tila may malalim itong iniisip. Lumapit ako sa kaniya nang wala akong mapiling damit.

"Bob, kanina pa tayo rito. Ano nang susunod nating plano?" naiinip kong sabi rito.
Maikli lang niya akong tinapunan ng tingin. Muli ay ibinalik niya sa pagtingin-tingin ng rubber shoes ang atensyon. Mayamaya, naagaw ang pansin ko sa sinabi niya.

"Vanessa, we're going to do the Plan B."

Napangiti lang ako at nai-imagine na ang mga susunod na mangyayari.

INIHINTO KO ang kotse sa harap ng school nina Armina. At the back seat ay naroon si Vanessa at kinakausap ang manager sa pager. Papalabas na kami ng kotse wearing my basketball outfit. Yes, andito kami ni Vanessa for the Plan B. Ang akala ba ni Armina ay gano'n-gano'n ko na lang siya igi-give up? Kinausap ko saglit ang nakabantay sa may gate at agad naman niya kaming pinapasok.
"Sir Fontanilla, nasa loob na po ang ibang ka-team ninyo."
Napatango lang ako. Naglalakad na kami sa mahabang sementadong daan.

Napapaligiran ng nagtataasang puno at namumulaklak na halaman ang paligid. Nang madaanan namin ang flag pole ay naghihintay na ang mga dating ka-teammate ko sa basketball. Andito kami para sa practice game ng basketball competition ng mga player ng school nina Armina. Malapit na kasi ang championship nila. As we enter the gymnasium of "Collegio La Trinidad University" ay kitang-kita ko ang mangilan-ngilang estudyante na nakakalat sa mga upuan. Isa na sa mga nakaupo ay si Armina. Natigil pa siya sa pakikipag-usap sa mga kaibigan nang magtagpo ang aming mga mata.

Kumaway ako bilang pagbati sa kaniya. Nagtataka itong lumapit sa amin, pati na rin sina Luisa at Mikaela.

"What are you doing here, Bob? A-at kasama mo pa si Vanessa?"
Tinapunan pa nito si Vanessa ng tingin na nag-umpisa nang lumapit kina Xander Luis.

"Hindi mo ba alam na inimbitahan kami ng coach nina Luis na maki-practice game sa kanila? Tutal next week na ang district championship."

Napatango-tango ito na tila naunawaan na ang nangyayari. Nang pumito na ang magiging referee namin ay palihim kaming nagkatinginan nito. Nag-assemble na kami habang sina Xander naman ay nagwa-warm-up na.

After five minutes, puno na ang gym at maririnig na rin ang mga cheer ng mangilan-ngilang estudyante. Nag-umpisa na kaming luminya sa gitna. Ako ang team captain sa grupo namin kaya ako ang makikipag-jump ball.

Habang sa team naman nina Luis ay ang bestfriend niyang si George ang team captain. Matiim akong tinitigan nito nang pumito ang referee at ibinato paitaas ang bola.

NAG-UMPISA na ang laro ng mga bestfriend kong sina Xander Luis at George. Kagagaling ko lang kasi sa field. Katatapos din ng practice game namin sa soccer. Basa pa nga ang buhok ko. Katatapos ko lang kasing mag-shower. Nakita ko ang stepsister ni Xander na matamang nanonood din habang katabi naman nito ang dalawa niyang bestfriend.

Habang sa ikalawang hanay ay nakaupo naman sina Bettina at Vanessa. Siyempre, mawawala ba si Alexandra? Siyempre naroon din siya.

Kakaumpisa pa lang ng laro pero maririnig na ang hiyawan ng mga manonood. Nagmadali na rin akong umupo sa tabi ni Alexandra.

"Hoy, bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?" malakas na tanong nito sa akin.

"Galing din ako sa practice game namin."
Agad kong tinakpan ang tainga ko nang marinig ko ang malakas na tili ni Alex.

"Jusko! Alex, nag-uumpisa pa lang ang laro."
Inis na napalingon si Alexandra sa akin.

"Ano ka ba, Nicko, mas may thrill kapag tumitili ka!"
Napailing-iling nalang ako.
Ang unang nakapuntos ay sina Xander. Lalong nagtitili ang mga nanonood. Ako rin ay nag-eenjoy na sa pinapanuod. Hanggang naka-points na rin ang kabilang team. Paubos na ang oras ng first quarter nang mag-time-out ang coach ng kabilang team. Nang mapansin kong isa sa mga naglalaro sa kabilang team ay ang pinsan ni Vanessa na si Bobby Fontanilla. Masama akong kinutuban kasi everytime na nariyan si Bobby ay nagkakaroon ng aberya. Nag-uumpisa na akong mag-alala sa team nina George, lalong-lalo na kay Xander Luis. Malakas ang kutob kong may mangyayaring hindi maganda.

✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETEDWhere stories live. Discover now