CHAPTER ONE (Pink Huh)

442 8 9
                                    

Xander Luis Pov.


"I HATE THIS! Bakit ganoon si Mama? Gumagawa na lang siya basta ng sariling desisyon," naiinis na sabi ko sa sarili. Lukot na lukot ang mukha ko habang pabalik-balik sa paglalakad.

"What's wrong, Xander Luis? Kanina pa kita hinihintay sa ibaba. Hindi ka pa rin nagpapalit?! You're still wearing that dirty uniform, huh?!" Mama said.

"So, bakit? Tutuloy ba tayo roon? No way, 'Ma!" galit kong piksi sa Mama ko.

"Here we go again! 'Di ba tapos na nating pag-usapan 'yan? Ba't nagkakaganyan ka na naman?!" mariing sigaw ni Mudra.

"Whatever!" Nanggagalaiti kong sabi.
Pero Lalong lumapit si Mama. Tumunghay pa siya at lalong nagalit sa akin.

"Hey, young man! Don't act like that again. I don't want to see you mimicking like that!" galit na galit na sigaw ni Mama.
"And one more thing, Xander Luis. . ."

Napalingon ako kay mama. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Don't spoil this night. Kung hindi. . ."

"What, 'Ma?"

"Iga-grounded kita. Hindi ka puwedeng lumabas! No horse back riding at rancho."

"No way!" I said.

"So be good, huh? Bihis ka na, sweety!"

Iyon lang at lumabas na siya.

Ugh! That ugly woman! Pero joke lang! Hindi ugly si mama, ah? Maganda nga siya at sexy, eh.
Artista siya sa panahon namin. Tama, year yata 'to ni Marcos. Dyahe, ba't mo naman kami nilagay dito, author? Nakakatakot kaya 'yong mga panahon ni Marcos.
But kidding aside . . .
Actually, kanina pa kami away nang away ni Mama. Mabuti at lumabas na siya at tumahimik na rin ang silid ko. Anong pinagtatalunan namin? Tungkol lang naman sa nalalapit niyang kasal.

I don't like the idea. Grabe talaga!
Five years pa lang patay si Papa pero heto si Mama at mag-aasawa ulit. Naman! Bakit?

Bakit?
Napabuntong-hininga na lang ako. Kailangan ko nang magpalit kagaya nga ng sabi ni Mama. Alas siyete ang usapan nila ng lalaking iyon na magkikita kami sa bayan.

Tingin ng damit. Tapon sa kama. Kuha ulit sa kabinet. Tapon sa kama.

Dyaraaan!

Ayan, sa wakas, nakapili na ako. Tinapuan ko na ulit ng tingin 'yong ibang mga damit ko sa kama. So, ano naman kung makalat? Andiyan ang mga yaya. Ligpitin na lang nila, tutal binabayaran sila ng Mama ko.
Ano raw? Bastos ko ba? Totoo naman, eh, malaki ang sahod nila.

Sa huling sandali ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. At, naman, ang guwapo ko! Anak mayaman talaga ako. Saan ba kasi ako nagmana? E 'di sa mga magulang ko. Artista ang mama ko at dating gobernador ang nasira kong ama.

Nakasuot lang naman ako ng polo shirt at khaki pants na tinernohan ko ng walang kamatayang leather shoes.
Uy! Huwag niyong small-in 'tong sapatos ko. Mahal kaya ito? Sa mga branded shoe store lang meron nito noon. Mga may pera lang talaga ang nagkakaroon ng leather shoes noon. Kahit tanungin n'yo pa ang mga lolo ninyo.

'Yan, after a million hours, de joke lang! Fifteen minutes lang naman. Lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si Mama at napailing ako. She's smoking again. Nag-umpisa lang naman siyang manigarilyo nang mawala si Papa.

As if naman hindi pa nakaka-move on.

"Mama. . ."

NAKITA KONG lumabas ang gwapo kong Unico Hijo. Napapailing siya na parang sanggol. Bago ako tumayo ay bumuga muna ako ng usok mula sa pipa ko. Sosyal ako, eh. Nag-umpisa akong mag-smoke nang mamatay ang asawa ko. Mga limang taon na rin ang nakalilipas.

✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETEDWhere stories live. Discover now