CHAPTER NINETEEN(The Last J&S Promenade Night - This Is Love)

52 1 0
                                    


February 18, 1970.

ANDITO AKO ngayon sa Francine's Salon kung saan suki si Mama. Andami-andami nilang nilalagay sa mukha at buhok ko. Wala rin namang magbabago dahil matagal na akong guwapo. Matapos spray-an ng baklang hair stylist ang pinakamamahal kong buhok ay pinayagan na niya akong magbihis. Pumasok ako sa fitting room nila at isinuot na ang Americana na binili ng Mama ko bago ako nagpasyang lumabas na.

Muli kong pinasadahan sa malaking salamin ang aking porma. Isang simpatikong ngiti lang ang pumaskil sa aking mga mamula-mulang labi. Ibig sabihin niyon ay ganap kong nagustuhan ang repleksiyong nakita ko sa salamin. Paglabas ko sa fitting room ay nalabasan ko si Mama na kinakausap si Bruno, ang baklang nag-aasikaso sa akin at may-ari rin ng Francine Salon. Agad ko ring nakitang naghihintay si Daddy Armando at si Armina na suot na rin ang gown niya. Itim ang kulay ng suot nito.

Nagkatinginan kami at sa pamamagitan ng aming mga tingin ay tila nag-uusap na rin kami. Wow, she's so beautiful. Iyon lang ang rumehistro sa utak ko nang mga oras na iyon.
Nang ngumiti nga si Armina ay tila biglang tumigil at lumiwanag ang lahat sa aking paligid.
Biglang nag-fast forward at sa huling eksena ay nasa harap na raw kami ng altar ni Armina. Ikinakasal na raw kami.
Naputol iyon nang tinapik nga niya ang pisngi ko.

"Hey, Xander, wake up!"

"Huh?"

"I said wake up, bro. Alam kong napakaganda ko. Hindi ko naman ine-expect na ganyan ang magiging reaction mo sa kagandahan ko. Aminin mo nang natulala ka."

Agad kong inayos ang itsura ko.

"Hitsura mo! Hindi, ah!"
Mabilis na gumana ang isip ko para mapagtakpan ang tunay kong reaction.

"Anong. . . Ah. . . Aminin mo na ang ganda ko ngayon!"

"Hmp! Iniisip ko si Vanessa, kung nandoon na kaya siya sa auditorium."
Dahil sa bigla kong isinagot ay hindi na siya nakapagsalita. Nawala rin ang ngiti niya.

"A-Armina?"
Pero nanatili siyang tahimik at agad nang lumapit kay Mama at Daddy Armando. Nang muli siyang tumingin sa akin ay may lambong na ng lungkot ang mata niya. Damn, maling move na naman! Nataranta kasi ako!

ANDITO NA nga kami sa venue. Dapat nagsasaya ako ngayon dahil huling promenade na namin ito.

Pero hindi ko mahagilap sa damdamin ko ang sayang iyon. Kasi naman!

Si Xander Luis na stepbrother ko ay wala talagang konsiderasyon! Nagpaganda pa naman ako nang husto pero parang wala lang dito ang ginawa ko! Ang gusto ko lang sana ay marinig na sabihin niya na . . .

Tila tutulo anumang sandali ang pinipigil kong luha. Ang gusto ko lang ay marinig sa kaniyang bibig na maganda ako. Iyon lang sana. Kaso si Vanessa pa rin pala talaga ang iniisip nito!

"Tang-ina ka talaga!"
Hindi ko na namalayan na napamura na ako.

"Hey what's wrong, Armina?"
Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Hinanap ko ang pinagmulan at 'di nga ako nagkamali.

"Oh, hi, Bobby! Mabuti at nakarating ka."
Napangiti lang ito. Sinuklian ko naman ng ngiti ang mga ngiti niya. Ewan ko ba kung bakit kay Xander Luis pa ako nagkagusto. Eh, guwapo rin naman si Bobby at maganda rin ang pakikitungo nito sa akin. Mapaglaro talaga si kupido. Bakit kasi siya pa! Hays!

"Hey, Armina, do not let yourself to be sad. Last promenaide n'yo na ito. So let yourself enjoy this evening."
Pinilit ko na lang ngumiti. He handed me a wine glass.

"Here, drink this. Surely it will make your mind clear, honey."
At dahil masama ang loob ko ay ininom ko ang nasa wine glass. Isang beses lang naman, hindi naman siguro ako malalasing.
Tinikman ko ito. Sa una ay nanibago ako pero paglaon ay nagustuhan ko na rin ang lasa. Nagsalita na ang Principal mayamaya na hudyat sa pag-umpisa ng program.

Umupo na kami nina Bobby at Luisahabang katabi naman ng dalawa kong bestfriends ang mga escort nila for tonight. Hinanap ko si Xander. Nasaan na ba siya? Sabay naman kaming dumating dito sa auditorium. Bakit ngayon hindi ko ito makita? Siya kasi ang escort ko tonight.

"Are you looking for your escort, Armina? Hindi ba siya iyong kasama ng pinsan ko?"
Dahil sa mga sinabi ni Bobby ay agad na hinanap ng aking mga mata ang tinutugma ng mga mata niya. And to my dismay ay tama ito. Kasama nga ni Vanessa si Xander Luis na nakatingin rin sa aming kinaroroonan ni Bobby. Magkasalubong ang makakapal nitong mga kilay at may bahid ng galit! Bakit? Dapat nga ako ang magalit dahil matapos akong mapapayag nitong maging partner niya ngayong gabi ay iba rin pala ang magiging kadate nito! Nakakainis! Gusto kong isigaw iyon ngunit naagaw ng pansin ko ang teacher namin na pinapalinya na kami sa gitna. Mag-uumpisa na kasi ang cotillion. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Sige, Bobby, maiwan ka na muna namin diyan."
"Okay, Armina, just smile. Masisira ang make-up mo. Lalong ikatutuwa ng pinsan kong nagngingit ka dahil sa presensiya niya."

"Huh?"
Napatigil ako. Halata ba ako masyado? Ikinuyom ko na lang ang aking mga palad at dali-dali nang tinalikuran si Bobby. Hindi ko na tuluyang napansin ang kakaibang ngiti na nakapagkit sa mga labi ni Bobby.
Naglinya na nga kami. Naramdaman kong nasa tabi ko na si Xander. Hindi ko siya lilingunin! Inis na inis ako sa kaniya. Nag-umpisa na ang sounds sa malaking stereo. Mag-uumpisa na ang cotillion ng huling taon ko sa highschool. Sa pagharap ko kay Xander ay biglang nagtagpo ang aming mga mata. Tila iisa ang aming katawan habang nagsasayaw. Hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay hindi namin namalayang tapos na ang cotillion. Isang masigabong palakpakan ang namayani sa buong auditorium.
Babalik na sana ako sa upuan namin nina Bobby nang mahigpit na hinawakan ni Xander ang mga palad ko. Napatigil tuloy ako sa paghakbang.

"Ano na naman bang problema mo, Xander Luis? Puwede bang bitiwan mo palad ko at. . ." Saglit kong itinikom ang mga labi ko. Nagpipigil na akong umiyak. Muli ay dahan-dahang akong nagsalita habang nakatitig pa rin siya sa akin. ". . .baka hinihintay ka na ni V-vanessa."
Pinilit kong maging kalmado lang sa pagsasalita ngunit gumagaralgal pa rin ang boses ko. Shocks, nakakahiya!
Mas naiinis na ako sa sarili ko ngayon! Lumuwag ang pagkakahawak ni Xander hanggang sa unti-unti siyang bumitiw. Tahimik na akong lumuluha ngayon. Mayamaya ay isang pares ng mga bisig ang mahigpit na yumakap sa akin. Kay Xander iyon. Mabuti na lang at madilim-dilim ang parteng kinaroronan namin. Tiyak kong may makakakita sa amin. Baka pagmulan pa iyon ng usapin.

"Bakit kasi hindi mo na lang aminin, Armina, na gusto mo na ako."
Nanatili lang akong tahimik.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Ako pa ba ang unang aamin Armina? Geez, mga babae talaga, pakipot pa rin. Halatang-halata na nga, pinagtatakpan pa rin."
Hindi pa rin ako umimik pero nag-umpisa na akong ngumiti. Tila malulusaw na rin ako sa pagkakayakap niya.

"Sige na nga, ako na ang unang aamin. Mahal na kita, Armina. Matagal na, and I would like to risk my feelings for you. Kahit alam kong mali ito ay susugal na ako. I love you, Armina."

Dahan-dahan ko siyang tinitigan. Gusto kong malaman kung nagsasabi nga siya ng totoo o pinagloloko na naman niya ako.
The sincerity of his eyes had the same intensity of the words he said a while ago. Tila may mga anghel na bumaba sa langit na umaawit sa amin sa mga tagpong iyon . . . as his lips slowly go down to my lips.
Kusa nang pumikit ang mga mata ko at hinayaan kong liparin ang lahat ng agam-agam sa aking isipan at puso. Bumalik na ako sa aking table ngunit kasama ko na si Xander Luis. Kahit hindi niya sinasabing kami na ay alam ko na ang nangyaring halikan kani-kanina ay ang patunay na parehas kaming in love talaga. Handa na rin akong sumugal.

NAKITA KONG dumating sa table namin sina Armina at Xander Luis.

"Hello, Luisa, nasaan na si Bobby?" tanong sa akin ni Armina.
Hindi ko siya sinagot dahil patuloy lang ako sa pag-inom ng wine. Si Mikaela ang sumagot dito.

Mayamaya ay nagsasayaw na sila sa gitna ng auditorium. Pati ang escort ko ay nawalan na yata ng amor sa akin. Paano ba naman kasi, magmula nang umuwi ako galing states kasama ang mga foster parents ko ay hindi na ako natahimik. Inamin ko na kasi kay Bobby Fontanilla ang feelings ko rito. Pero ni-reject niya lang ako dahil kay Armina lang daw nararapat ang pagmamahal nito at wala nang iba pa!

That hurts me badly! Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na balang araw, mapapasaakin din si Bobby Fontanilla. Kahit traydorin ko pa si Armina!

✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETEDWhere stories live. Discover now