CHAPTER FOURTEEN(That Unshowed Feelings)

49 2 0
                                    


IT'S been a long week. Since the night Xander Luis kissed me ay lagi na akong wala sa huwisyo. Paano ba naman kasi hindi lang simpleng kiss ang ginawa namin. It's a torrid kiss!

First kiss ko siya, sa totoo lang. Dapat nga'y magalit ako sa kaniya. Pero may karapatan ba akong magalit kung ginusto ko naman? Puwede ko naman siyang itulak palayo hindi naman ako lasing. Habang si Luis ay nasa espirito ng alak. Hay nako, pinangarap ko pa 'man din na ang makakakuha ng first ko ay ang magiging husband to be ko. Pero nangyari na ang nangyari, mahal ko naman siya.
Pero ang tanong, mahal niya ba ako?

Hindi ko alam. Sana? Hay, ewan!
Napakurap ako nang biglang may tumapik sa kamay ko.

"Hoy, girl, tulala ka riyan?" ani Mikaela na iwinagayway pa ang kamay sa harap ko.

Pilit akong ngumiti at umiling. "W-wala, iniisip ko lang kung ano kayang magandang iregalo sa isang especial someone. Uhm, kina Dad at Mama Ysabellita sana."

"Regalo? Ah, oo nga pala! Mamayang gabi na pala ang New Year's Day ano?! Buti pa si Luisa nasa America ngayon. Bakasyon grande kasama ang parents niya," salaysay ni Mikaela habang inilalapag sa harap ko ang tinimplang juice.

Napapatango ako habang sumisimsim ng juice. Pumunta kasi ako sa mansyon nila para naman makalayo at makapag-isip-isip. Alam n'yo na ang tinutukoy ko, iyong nangyaring halikan between me and my stepbrother.

By the way, mag-isa lang si Mikaela rito dahil parehas na nasa States ang mga parents niya. Nasa garden nila kami ngayon at kasalukuyang nagkukuwentuhan nang may binuksang topic si Mikaela.
"Alam mo, girl, noong last night ng birthday celebration sa isla ni Xander Luis, may nalaman akong sikreto," pabulong na sabi ni Mikaela habang nakatitig sa akin.

Agad akong napalingon sa kaniya. Nagkandasamid-samid pa ako! Nataranta ako, in short! Agad na napatayo si Mikaela at bahagyang tinapik-tapik pa ang likod ko.

"Ayos ka lang, girl?"
Napatango-tango na lang ako para iparating lang dito na ayos lang ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano kaya 'yong nalaman niyang sekreto noong last night namin sa Isla Jawar? Did she discover the secret kiss between me and my stepbrother? God! Nakakahiya!
Natigil ang pag-iisip ko nang magsalita si Mikaela sa tabi ko.

"Si Luisa pala, may lihim na pagtangi kay Bobby, girl!"

"What?!" agad kong sabi dahil pati ako ay hindi ko naiisip na may gusto ang isa sa mga bestfriends ko kay Bob. Kaya pala panay ang palihim na sulyap ni Luisa kay Bobby at panay ang tanong niya sa binata.

"Yes, Armina! Kahit lasing siya nang sinabi iyon ay alam kong nagsasabi siya ng totoo. Dahil may nakapagsabi sa akin noon na ang mga lasing daw ay mas nasasabi ang totoo nilang kalooban. O hindi kaya, nararamdaman nila. For example, kung hinalikan ka ng isang lalaki kapag lasing siya, one hundred percent sure na he wants to do that!"

Napalaki pa ang mga mata ko sa sinabi niya dahil tugmang-tugma ang pagkakasabi ng bestfriend ko sa nangyari nga sa amin ni Xander nang huling gabi namin sa isla.

"Maybe, tama ka, girl," maikli kong sabi habang ipinagpatuloy na lang ang pagbubuklat sa fashion magazine na binigay sa akin ni Mikaela. Ngunit wala sa mga pahina ng naturang magazine ang isip ko, kun'di sa eksena sa kung saan ay maalab akong hinahalikan ni Xander Luis.

Totoo kayang ginusto ni Luis ang halikang nangyari sa amin?

ANDITO ako ngayon sa place nina Nicko. Kasalukuyang bumabanat sa billiards table si Nicko, habang hinihintay ko ang turn ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa kong paghalik kay Armina. Halos apat na araw na ang nakalilipas nang mangyari iyon pero parang kahapon lang iyon naganap dahil ramdam ko pa rin sa buong sistema ko ang malambot niyang mga labi. Ang mabango niyang amoy at napakalambot na katawan habang nakakandong ito sa akin ay dama ko pa rin.

Kahit halos bumagsak na ako ng gabing iyon dahil sa kalasingan ay parang gising na gising naman ang diwa ko. Siya ang una kong halik kaya hindi ko makakalimutan ang halik na iyon.

Bahagya akong binatukan ni Nicko kaya nagising ako sa pagda-daydreaming.
"Aray ko! Ano ba, Nicko?!"

"Ikaw kasi, Xander, kung saan saan lumilipad iyang utak mo. May hang-over ka pa yata!"

"Hindi ah, hindi pa nga ako umiinom since the last night of my birthday celebration, Nick," patuloy kong sabi.

"Ang sabihin mo, Nicko, may hang over pa 'yan sa nangyaring halikan nila ni Armina. . ." biglang sabi ni George na busy sa pagpe-page sa nobya niya.

Nagulat pa ako sa biglaang sinabi ni Geo. Dahil sa gulat ko ay nasobrahan ko ng palo ang mother ball kaya hindi pumasok ang bola sa butas.

"Oh, shit! Paano mo nalaman iyon Geo? Tulog kayo ni Nicko nang iwan ko kayo sa kuwarto, ah? Huwag mong sabihing sinundan mo ako?"

Itinago muna ni Geo ang pager at humarap sa akin.
"Hindi kita sinundan, Luis. Napadaan lang ako sa may mini bar. Pupunta kasi ako sa kusina para kumuha ng cold water. Then, boom! I saw it with my two eyes. . . you torridly kissed Armina's lips."
Hindi ako nakapag-react dahil huling-huli na ako.
Si Nicko naman ay masayang lumapit sa akin at inalog-alog ako habang sinasabing, "Congrats, dude, naka-first base ka rin."
Nanghihina akong naupo. Wala talaga akong maililihim sa dalawa kong bestfriend.

Magaan akong tinapik ni George. "Ayos lang iyan, Xander! But, I think, kailangan mong pag-isipan kong tama bang mahalin mo pa ang babaeng kapatid mo na sa papeles."

Napasulyap ako sa gawi niya dahil sa pagkakabanggit ni George sa mga salitang iyon. Tahimik lang na nakamasid si Nicko.
"Okay lang magmahal, pare, pero dapat sa tamang babae. Hindi ako against sa feelings mo pero dapat nasa tamang tao at panahon sana Luis. May mga masasaktan kayo at masasagasaan. Ang mga magulang niyo ang tiyak na unang masasaktan kapag nalaman nila ang nangyayaring ito sa inyo ni Armina."

Tikom ang bibig ko habang nakikinig lang sa sinasabi ni George. Dahan-dahan akong nagsalita. Sa pagitan ng nanginginig na boses ay nahagilap kong muli ang tinig ko.
"W-wala namang patutunguhan ang nararamdam ko kay Armina dahil hindi naman ako ang gusto niya, Geo. Si Bobby ang gusto niya at narinig ninyo naman noong nasa isla tayo. Kaya kahit hindi kami naging magkapatid ni Armina ay hindi siya magkakagusto sa akin."

Napailing-iling lang si Geo, bahagya pa akong tinapik.
"Pero base sa nakikita ko sa inyo ni Armina, pare, ikaw ang gusto niya."
Napalingon ako sa sinabing iyon ni George.

Biglang sumabad si Nicko. "At alam mo, dude, noong huling gabi natin sa isla. Narinig ko ang pag-uusap nina Armina at Bobby. Sinasabihan niyang wala nang pag-asa si Bobby. Na wala itong mahihintay sa kaniya. Kung maghihintay ito kung sakali, hindi maipapangako ni Armina na masasagot niya ito."
Dahil sa biglang in-open ni Nicko ay lumipad ang isip ko sa huling pangungusap na sinabi ni Bobby kay Armina nang gabing nag-uusap silang dalawa.
"Alam ko, Armina. Kaya ko pa namang maghintay."
Nagmadali akong tumayo at nagpaalam. May gusto akong makita sa mga oras na iyon.

Mabilis akong nagbyahe pauwi sa mansyon at dumiretso sa aking silid. Agad akong naupo sa study table ko at pinagmasdan ang regalo ni Armina na hanggang ngayon ay naka-gift wrap pa. Hindi ko pa ito binubuksan dahil may gusto pa akong patunayan. Sa mga narinig ko sa dalawa kong kaibigan ay may lakas na ako ng loob para buksan ang naturang regalo. Dahan-dahan kong pinilas ang nakabalot dito. Tumambad sa aking harap ang katamtamang laki na leather na journal. Napangiti ako at mahigpit na niyakap ang journal . . . na parang si Armina na rin ang aking niyayakap.

"Mahal na mahal kita at mamahalin kita sa bawat araw na magdaan, Armina."

✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETEDWhere stories live. Discover now