Thirteen

469 18 2
                                    

Lumipas ang isang linggo wala na akong naging balita pa kay Ben, kahit kasi gusto kong puntahan siya ay pinigil ko ang sarili ko dahil alam kong ako lang ang labis na masasaktan. Kaya kahit mahirap pinilit kong magpatuloy ang buhay without him.

Umiiyak pa din ako sa tuwing maalala ko siya pero iniisip ko na lang na tama ang ginawa ko dahil yun naman talaga ang dapat ang pakawalan ko siya because He never belonged to me.

Naging abala ako sa mga sumunod pang mga araw sa trabaho at pinag iisipan kong umalis muna sa Cavite at pumunta sa malayong lugar para makalimot. Kaya naman nag-ipon ako para makapaghanap ng matutuluyan sa Baguio, doon ako pupunta. Doon sa lugar kung saan kami noon naging malaya.

Nagpaalam ako sa mga magulang ko at sinabing doon na ako magta-trabaho sa Baguio, nung una pinigilan pa ako ni tatay pero in-insist ko talagang umalis kaya wala na din silang nagawa kundi ang payagan ako.

Nagresign ako sa trabaho at nag-umpisang maghanap sa social media ng trabaho na naka base sa Baguio at karamihan ay call center kaya sinubukan kong mag-apply at mabilis naman akong tinawagan para sa interview.

******
Pagdating ko sa Baguio ay agad naman akong nakahanap ng mauupahan. Isang maliit na silid at kasya lamang ako. Okay na din dahil medyo mura ang upa.

Nakapasa ako sa interview sa call center at pinag uumpisa ako sa madaling panahon.

Kaya sinulit ko ang dalawang araw na pahinga bago sumabak sa trabaho.

Mag-uumpisa ulit ako ng panibagong buhay at pipilitin kong kalimutan si Ben at ang mga pinagsamahan namin.

Subalit ang procesong yun ang pinakamahirap gawin dahil kahit anong gawin kong limot ay hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ko sa kalagayan niya.

Kung gising na kaya ito o ang pinaka ayaw kong mangyari na tuluyan na niya akong iwan.

Kasi kapag nangyari yun ay hindi ko alam kung kakayanin kong patawarin ang aking sarili.

****
Naging maayos ang buhay at trabaho ko sa Baguio, unti unti ay medyo nakaka move forward na ako pero dumarating pa rin ang oras na bigla ay maalala ko si Ben at sobra ko siyang nami-miss.

Isang hapon pagdating ko galing sa trabaho ay nakatanggap ako ng tawag. Hindi ko kilala ang numero na nakarehistro doon kaya nagtataka ako kung sino ang tatawag sa akin

Sinagot ko ang cellphone ko.

"Hello!" Bungad ko.

"Hello Emma si Yvette to." Nagulat ako ng marinig ang tinig ng babaeng yun sa kabilang linya.

Bakit kaya siya tumawag,? Tanong ko sa aking sarili.

"N-napatawag ka?" Tanong ko.

"Gusto ko lang ipaalam sayo na gising na si Ben." Tugon ni Yvette sa malamig na tono.

Bigla akong nakaramdam ng saya dahil sa nalampasan nito si kamatayan.

"M-mabuti naman kung ganun." Maikli kong saad, sapat na kasing malaman ko na nakaligtas siya dahil wala na naman akong balak na makipagkita pa kay Ben.

"Hinahanap ka niya Emma. Kaya puntahan mo siya dito." Matigas na tugon ni Yvette na lubhang ikina gulo na naman ng isip ko

Bakit pa niya ako papaputahin doon? Di ba nga ito mismo ang humarang sa akin noong gusto kong makita si Ben?, Mga tanong sa aking isip.

"Bakit pa ako magpapakita sa kanya? Hindi ba nga ay ipinagtabuyan mo na ako nung pumunta ako diyan.?" Matapang kong turan kay Yvette.

"Hah! Kung ako lang ay ayaw na ayaw na kitang makita pa--pero ang asawa kong parang nabaliw sayo ay lagi kang bukam-bibig kaya pumunta ka ngayon dito sa hospital at magpakita ka sa kanya." Mataray na sambit pa nito.

Natigilan ako at tinitimbang sa aking sarili kung dapat pa ba akong magpakita kay Ben.

Subalit sa huli ay nanaig ang pagmamahal ko sa lalaki kaya pumayag ako.

Sinabi ko kay Yvette na sa weekend pa ako makakapunta dahil nasa ibang lugar na ako.

Pumayag naman ito at nagsabing sasabihan daw nito si Ben.

Pagdating ng sabado ay agad na akong nagbyahe pabalik ng Cavite at nagtungo sa hospital kung  nasaan si Ben.

Pagdating doon ay nasa isang pribadong kwarto siya.

Nakita ako ni Yvette sa bungad ng pinto at nilapitan ako nito, pormal ang mukha.

"Mabuti at nandito ka na Emma. Nasa loob siya, halika." At iginiya ako sa loob ng silid.

Pagpasok ko sa loob I saw Ben lying on the hospital Bed at awtomatikong napalingon siya sa akin ng ganap na akong makapasok sa loob ng silid.

"K-kamusta ka na?" Bungad na bati ko kay Ben at para bang nagkaroon ng bikig ang aking lalamunan kaya napalunok ako.

"Emma!---- Bakit ngayon ka lang pumunta rito?" Parang nanunumbat ang tinig nitong saad sa akin.

"Iiwan ko muna kayo para makapag-usap ng maayos." Malamig na turan ni Yvette at walang lingon likod na lumabas ng silid.

Nagtataka ako sa inaasal ni Yvette dahil hindi ito nagpakita ng kagaspangan sa akin ngayon hindi tulad ng mga naunang pagtatagpo namin na halos bugahan ako ng apoy sa matinding galit.

"A-ayoko na kasi ng gulo, Ben---- tsaka andito naman si Yvette para alagaan ka." Mahinang usal ko at nanatiling nakatayo sa paanan niya.

"Nag-usap na kami ni Yvette, a-at alam na niya ang tungkol sa atin---
Hinihiwalayan ko na siya Emma." Ben said at tumingin sa akin ng matiim.

"P-please Ben, wag mong gawin yan sa asawa mo--- Etong sa atin ang mali a-at nakahanda na akong bitawan ka---- ibinabalik na kita kay Yvette." Garalgal na turan ko sa kanya na ngayon ay nangingilid na ang luha ko sa labis na lungkot at sakit ng pakiramdam na nararamdaman ko sa ngayon dahil sa pagpapaubaya ko kay Ben sa asawa niya.

Bago ako lumuwas at nagdesisyong makipag-kita kay Ben ay talagang itinatak ko na sa isip kong pakakawalan ko na siya at gawin ang tama, kahit masakit at kahit alam kong sobrang madudurog ang puso ko.

Mahal ko si Ben, the kind of love na buo at may kasamang tiwala dahil kahit alam kong may nagmamay-ari na sakanya ay nagawa ko pa din siyang mahalin ng buong buo.

Siguro mali ang ibigin ko siya but I still took that risk kahit mali at kahit alam kong hindi ko naman siya dapat mahalin ay ginawa ko pa din.

"Mahal kita Emma, ikaw ang nandiyan noong mga panahong binabalewala ako ni Yvette--- Hindi mo ako iniwan." He whispered at inaabot ang aking kamay, indicating na gusto niyang lapitan ko siya.

I lost out of words I don't know what to say, gusto ko siyang lapitan but I was too scared dahil baka bumigay na naman ang aking puso.

But at the I slowly walked towards him and my emotions by that time is overflowing, gustong gusto ko siyang yakapin but stop myself from doing so because I was aware of his wife presence ayokong samantalahin ang pagbibigay niya ng chance sa akin to see Ben.

"I-Im sorry p-pero sa tingin ko hanggang dito na lang t-tayo----- I felt so guilty dahil nasaktan natin yung asawa mo." Saad ko habang panay na ang tulo ng luha sa mga mata ko.

Ngayon nararamdaman ko na ang labis na usig ng aking konsensya dahil sa nagawa kong kasalanan kay Yvette.

Alam kong mali ang magmahal ng lalaking pag-aari na ng iba subalit nagawa ko pa rin, I felt so low and I didn't know how to face the consequences that brought to my actions.

Escape(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon