Seven

602 18 3
                                    

Nasa sasakyan na kami ni Ben at papunta na sa Benguet.

Kanina ay maaga kaming nagkita sa mall at nakapag leave na ako ng isang linggo. Panay pa ang usisa ng nanay ko kung saan ako pupunta ang sabi ko na lang ay may dadaluhan akong kasal ng kaibigan at sa probinsya iyon gaganapin at natural hindi na naman ito tumigil sa pagbubunga-nga kaya iniwan ko na lamang siya dahil narindi na ang tenga ko.

"Nagpaalam ka ba sa magulang mo Emma?" Tanong ni Ben. Tinignan ko siya.

"Sinabi kong a-attend ako ng kasal ng kaibigan, malamang magtatahi ako ng kasinungalingan.Ang dami kasing tanong ni mama." Sagot kong natatawa pa at bumaling ang paningin ko sa bintana sa labas ng sasakyan.

"Natuto ka tuloy magsinungaling ng dahil sa akin Emma." Malungkot na turan ni Ben.

Binalingan ko siya.

"Ano ka ba, okay lang yun. Paminsan minsan kailangan ko ding magsinungaling." Saad ko at nginitian ko siya ng matamis.

Nasa Baguio na kami ng  magyaya itong kumain dahil mag aalas dose na noon ng tanghali.

Napakasariwa ng hangin sa Baguio at ang daming mga puno na madadaanan.; idagdag pa ang nakakaliyong daan dahil sa napakataas na lugar at bulubundukin pa.

Huminto kami sa isang maliit na restaurant along the highway at nakita kong kambing ang special delicacy niyon,.

"Masarap ang kalderetang kambing nila dito Emma. Madalas dito ako kumakain kapag nagagawi ako dito sa Baguio." Tugon ni Ben na iginiya na ako papasok.

"Madalas ka ba dito?" Tanong ko kay Ben ng maka upo na kami,.

"Hmmnn dito kasi ako nag aral Emma, sa PMA." Sagot naman nitong umorder na ng pagkain namin.

" Ah kaya pala kabisado mo na ang lugar na to." Bulalas ko at iginala ang tingin sa paligid.

"Maganda din dito sa Baguio, kaso nga lamang ay masyado nang over crowded." Saad pa  nito at naghintay kami sa aming order.

Nang mai-serve ang pagkain ay nag umpisa na kaming kumain habang nagkukwentuhan.

"Hmmnn masarap nga ang pagkakaluto." Di ko napigilang bulalas pagkatikim ng kalderetang kambimg.

"Sabi ko sayo eh, Gusto mo ba ng dessert.?" Tanong pa nito.

"Naku wag na busog na ako." Tanggi ko dahil talagang napadami din ako ng kain.

Nakita kong tumawa ng mahina si Ben and I find him cute.

Nang matapos kaming kumain ay nagpatuloy na kami sa aming byahe.

"Saan pala tayo tutuloy?" Bigla ay naisip kong itanong sa kanya.

"May mga nagpaparenta ng cabin doon sa malapit sa mga flower farm, doon tayo." Sagot nito na bumaling pa sa gawi ko at inapuhap ang palad kong nakadantay sa hita ko,.

Hinawakan nito iyon at hinalikan. Napapatingin ako sa kanya. Bumaling din naman siya sa akin at nginitian ako.

"I will make our stay here memorable for the both of us Emma." Tugon pa nito and the next thing he did is to put his hand sa hita ko at hinimas himas nito iyon.

Nakaramdam ako ng ibayong init ng katawan sa ginagawa nito. Napapalunok pa nga ako,.

"I-ikaw talaga, mag concentrate ka sa pagmamaneho baka mabangga tayo." Saad kong nakakaramdam na ng ibayong tensyon at kakaibang init.

"Hindi kasi ako nakakapagpigil sa tuwing kasama kita." Pilyong turan pa nito bago inalis ang kamay at nag focus sa pagmamaneho.

Nang makarating kami sa Bayan ng Benguet ay agad itong nagtanong sa isang residente kung may alam itong paupahan at itinuro kami sa isang baranggay malapit sa mga Flower farms.

Escape(completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora