Three

694 22 0
                                    

"Bakit dito mo ako dinala, Ben.?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Dito tayo kakain." Saad nito na inabot pa ang aking kamay tsaka kami sabay pumasok sa loob ng hotel.

Napaka elegante naman ng lugar na ito, sa isip niya habang binabaybay namin ang hotel lobby.

"I have a hotel reservation, doon tayo." Pahayag nitong iginiya siya sa may elevator.

Sa sixth floor kami huminto at iginiya niya ako papasok sa isang hotel room.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at bumaling ang tingin ko sa kanya nagtatanong ang aking mata.

"Akala ko kakain tayo?" Tanong ko at hindi tuminag ng igiya niya ako papasok.

"Kakain tayo, dito iseserve yung food." Nakatawang saad ni Ben.

Napataas naman ang kilay ko,. Ang bongga naman kakain lang kumuha pa ng buong kwarto. Sa isip isip ko at nagpatinaod na akong pumasok.

Pagpasok namin sa loob ay may nakaset na doong lamesa para sa dalawa.

"Wow ha. Ang romantic. Bakit mo ako dinala dito?" Akward kong tanong kay Ben.

"Anniversary namin ng asawa ko ngayon, Emma at inaway lang naman niya ako kaninang nag usap kami. Naisip kong isurprise sana siya, sa pamamagitan nito, pero inunahan na niya ng galit kaya ayun nawalan na ako ng gana. Nang hinayang ako sa reservation at naisip kita. Kaya heto." Parang nahihiya pang tugon nito at nagkamot ng ulo.

So? Isa lang pala akong malaking shock absorber?. Hiyaw ng isip ko. Pero in fairness ang sweet ng lalaking ito sa pa-surprise sa asawa. Pero bakit naman inaway ito ng asawa niya? Tanong pa ng isip kong tsismosa.

"Ay grabe naman yang asawa mo, di man lang na-appriciate ang effort mo." Saad kong bahagyang nakaramdam ng awa para dito.

"Ganun naman talaga siya, madalas niya akong balewalain. Noon ngang bago siya mag abroad pinigilan ko siya dahil kaya ko namang ibigay ang pangangailangan niya kung tutuusin, pero mas pinili niyang makinig sa mga magulang niya kesa sa akin kaya kahit labag sa loob ko ang pag alis niya, wala din akong nagawa." Mapaklang saad ni Ben, nakita ko ang lungkot sa mga mata niya at bigla akong nakaramdam ng awa para dito.

Naalala ko tuloy ang sarili ko noong mga panahong nagpapakatanga ako para kay Arthur.

Minsan nahuli ko siyang nakikipag sex sa iba sa mismong apartment nito, masakit yun sobra at halos ikamatay ko pero dahil mahal ko nga ipinikit ko ang mata ko at pinatawad ko siya, paulit ulit akong ginagago ni Arthur at paulit ulit ko din siyang pinapatawad, hanggang dumating na ako sa sukdulan at wala na akong maramdaman pero hindi ko pa rin siya maiwan dahil umaasa akong isang araw ay matatauhan din siya at mare-realize niyang ako lang ang kailangan niya, pero mukhang malabo na ata.

Nagbalik sa kasalukuyan ang aking isip at tinignan ito. Napakalungkot ng itsura nito.

"Halika, kain na tayo baka lumamig yung pagkain sayang naman." Masigla kong turan para maibsan ang lungkot na nadarama nito.

"Sige, salamat Emma." Sagot nitong tumingin sa akin ng matiim.

Binuksan ko ang mga nandoong nakatakip na mga pagkain at may namataan pa akong isang bouquet of flowers sa mesa, Ang swerte ng misis nito sa isip isip niya.

Kinuha ko ang bulaklak at inamoy ko iyon.

Napansin kong nakatitig si Ben sa akin.

"Sorry ha. Ang ganda kasi." Nahihiyang saad ko at binitiwan ang bulaklak.

"Okay lang, sa iyo na yan Emma." Sagot nito at nangiti pa ng bongga.

"Talaga! Salamat ha, first time kong makatanggap ng bulaklak." Bigla kong nasambit at huli na ng marealize ko ang nasabi ko.

Escape(completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ