Fourteen

832 28 17
                                    

Nakita kong biglang nagdilim ang mukha ni Ben nang marinig ang sinabi ko.

Napatiim bagang pa siya at marahas na bumuga ng hangin then he looked at me very intently.

"Anong ba yang sinasabi mo Emma?----- Ngayon pa na buo na ang loob kong hiwalayan si Yvette." Mapait ang tinig na turan niya habang matamang nakatingin sa akin.

"Dahil ito yung tama!---- A-ayoko nang saktan ang damdamin ng asawa mo, Ben.

K-kaya mas mabuting tigilan na natin to--- h-habang kaya pa natin a-at hindi pa huli ang lahat para itama ang maling nagawa natin." Garalgal ang tinig na saad ko habang isa isa nang tumutulo ang luha sa mga mata ko, simbolo ng labis na sakit sa damdamin dahil sa isiping pakakawalan ko na ang lalaking natutunan ko nang mahalin at nagpadama sa akin ng pagpapahalaga na ni minsan ay hindi ko naramdaman kay Arthur.

"Hindi ako papayag Emma--- Ayoko nang balikan si Yvette, ikaw na ang gusto ko!" Matigas ang tinig na sagot niya habang pilit na iginagalaw ang katawan.

Nakita ko siyang ngumiwi because of pain, malamang ay masakit pa ang katawan niya dahil sa aksidente.

I stop myself para lapitan siya at nanatili akong nakatayo sa paanan ng bed niya.

"Im sorry---- Aalis na ako, m-mag-iingat ka a-at sana maayos niyo ang pagsasama niyo ng asawa mo.

G-Goodbye Ben." Malungkot kong turan bago dali daling tumalikod sa kanya at bukas ng pinto para lumabas. Narinig ko pa siyang tumawag pero hindi ko na siya nilingon pa.

Sa labas namataan ko si Yvette na naka-upo sa naroong bench, Nilapitan ko siya at umupo ako sa kanyang tabi.

"C-Can we talk?" Tanong ko.

Nilingon niya ako at nakita kong tumaas ang kilay niya, then she smirked.

"Bakit? Anong sasabihin mo?" Patuyang tanong din niya.

"I-Ibabalik ko na sayo si Ben." Mahinang tugon ko habang nakayuko.

"Huh! ano Emma?--bagay lang ang asawa ko na hiniram mo at ngayon gusto mo ng ibalik?" Patuyang tugon ni Yvette habang nakatayo na sa harap ko na nakapa maywang pa.

Tumingin ako sa kanya na may pagsusumamo at pagpapakumbaba.

"Alam kong galit na galit ka sa akin Yvette a-at hindi kita masisi p-pero sana dumating yung araw na mapatawad mo din ako--- H-hindi ko ginustong wasakin ang pamilya nyo---- minahal ko lang ang asawa mo a-at ngayon nakahanda na akong pakawalan siya at ibalik sayo.

I-Im really sorry." Halos ay lumuhod ako sa harap niya habang nagmamakaawa at hinihingi ang kapatawaran niya.

Katahimikan....

"Umalis ka na Emma at tigilan mo na si Ben---- Kung may natitira ka pang konsensya sa katawan, layuan mo na ang asawa ko!." Matigas ang tinig na saad ni Yvette habang nakamata lang sa akin matigas ang mukha at halatang nagpipigil ng galit.

Dahan dahan akong tumayo at bago umalis ay nilingon ko muna ang silid na kinaroroonan ni Ben.

At habang naglalakad ako sa pasilyo ng hospital ay sumisinghot singhot pa ako tanda ng pagtangis ko sa ginawa kong desisyon na pagsuko kay Ben.

Masakit, pero yun ang dapat at tamang gawin.

Alam kong mahirap ang lumimot lalo pa at talagang ibinuhos ko ang pagmamahal ko sa kanya subalit wala na akong magagawa dahil pagba-baliktarin man ang mundo ay kabit lang ako at walang karapatan sa kanya.

Kung kelan naramdaman kong maging masaya sa piling ng isang lalaki na nagmahal din sa akin ay tsaka naman mali ang pagkakataon.

Masakit magbiro ng tadhana dahil nagmahal ako ng maling tao but I have to gave up on him para wala na akong masaktan pa kahit masakit, kahit mahirap.

Agad na din akong bumiyahe pabalik ng Baguio at habang nasa bus ay panay pa din ang iyak ko.

Hindi ko alam kung hanggang kelan mananatili sa puso ko ang sakit pero pipilitin ko siyang kalimutan.

I wiped my tears and closed my eyes to sleep baka sakali pag gising ko wala na ang sakit.

*****

1 month after that insident my life seems to be like no direction, I work at night as a call center agent and sleep in the morning. Yun ang naging routine ko for a month at ang pakiramdam ko para akong lutang. At times when I remember about him I was crying like hell and the pain parang hindi nawawala.

Lumipas pa ang mga araw at buwan at wala na akong narinig na balita tungkol kay Ben at sa asawa niyang si Yvette. I just assumed na siguro ay pumunta na sila sa Canada at inayos ang pagsasama nila.

Kaya kahit na masakit pa rin on my part I told myself to forget about him and moved on.

Sa una sobrang hirap at palagi pa din akong umiiyak but eventually after 5 months I already get used to that heartache and now unti unti ko ng natatanggap that Ben is not really belonged to me and never will dahil siya ay para lamang sa babaeng pinili ng diyos para sa kanya at ang pagdating ko sa buhay niya ay isa lamang pagsubok para mas patatagin ang pagsasama nila.

I always prayed and asked God for forgiveness sa nagawa kong kasalanan kay Yvette and I hope that they were happy now.

At ako susubukan kong ayusin ulit ang buhay ko at iiwasan ko nang makapanakit ng iba para lamang lumigaya dahil sa huli alam kong ako pa din ang uuwing luhaan.

And to all the women na nasa kagaya ko ang sitwasyon, think about it 100 times bago kayo pumasok sa ganitong sitwasyon. Think that you also don't want to be fooled around kaya kung kaya pang umiwas do it before you harm others.

Sana may natutunan kayo sa kwento ng buhay pag- ibig ko.

I once loved but fooled, then loved again but to the wrong man. If only I choose to stay away----
but I know this experience taught me a lesson that I wont forget.

Until the day I fall in love again sana sa tamang pagkakataon at sa tamang tao na.



Your's truly,

Emma.



❤End❤

Escape(completed)Where stories live. Discover now