Eleven

469 14 4
                                    

Sumapit ang araw ng pagdating ni Yvette at sinundo ito ni Ben sa Airport dala na nito noon ang ilang gamit dahil kailangan nitong manatili sa Batangas kasama ang asawa. Mistula akong di mapakali dahil sa naiisip kong pagkikita nila.

Alam ko wala akong karapatang magselos dahil isa lang naman akong kabit, takbuhan sa panahong nangungulila siya sa asawa niya. Nakikisawsaw at lahat ng pwedeng itawag sa tulad kong other woman.

Pero ganito talaga eh, hindi ko gustong makapanakit ng damdamin ng kapwa ko, nagmahal lang ako pero sa maling tao. Kung magkakabalikan man sila siguro maiintindihan ko kasi alam ko namang hindi ko pagmamay -ari si Ben.

"Tatawagan kita Emma pag nakarating na kami sa Batangas." Saad ni Ben,na tinanguan ko naman at pinagmasdan ko na lamang siya habang palabas ng pinto ng apartment nito.

Naging hungkag ang pakiramdam ko sa buong panahong wala sa piling ko si Ben mas lalo pang nagpapabalisa sa akin ay isiping magkasama sila ng asawa nitong si Yvette.

Ano na kaya ang ginagawa ng mga ito? Tanong ko sa aking isipan tsaka wala sa loob na bumuntong hininga at nagpatuloy sa gawain ko.

Nang sumapit ang ikadalawang araw ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Ben. Excited kong kinuha ang cellphone ko mula sa aking bag at agad agad ko itong sinagot.

"Hello Ben?" Bungad ko, subalit walang sumasagot sa kabilang linya at nanatiling tahimik.

"H-Hello?--Bakit hindi ka nagsasalita? Kumusta ka na diyan?" Ulit kong tanong, subalit halos ay tumalon ang puso ko sa matinding gulat ng boses babae ang nagsalita.

"Ikaw ba si Emma?" Tanong ng isang babae sa kabilang linya. Malamig ang tinig nito at halatang nagpipigil. At may ideya na siya kung sino ang tumatawag malamang si Yvette at nagkaayos na ang mga ito. Siguro ay inamin na ni Ben ang tungkol sa kanila at malamang ay sinabihan ito ng babaeng yun na wag na akong balikan.

Lumunok ako at nag-ipon ng sapat na lakas ng loob bago sumagot dito.

"A-Ako nga. I-ikaw ba si Yvette?" Balik tanong ko, sobrang lakas ng tibok ng puso ko at dumadagundong sa matinding kaba.

"Magkita tayo,---gusto kitang maka-usap ng personal." Malamig pa ding tugon nito at sinabing hintayin ito sa apartment ni Ben dahil pupunta raw ito doon.

At habang hinihintay ko si Yvette ay panay pa din ang kabog ng dibdib ko sa matinding kaba. Sasabunutan ba ako ni Yvette o mas masahol pa doon ang gagawin niya sa akin?, Samot saring bagay na tumatakbo sa isip ko habang hinihintay ito.

Maya maya pa paglipas ng halos isang oras ay may kumatok na sa pinto at malamang ay narito na si Yvette.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa harap ko ang isang maganda at maputing babae, nakasuot ito ng shades kaya hindi ko maaninag ang mga mata nito pero sa malamang ay galit itong nakatingin sa akin.

Diretso siyang pumasok sa loob pagkatapos akong hagudin ng tingin mula ulo hanggang paa.

Sumunod ako sa kanya sa sala.

"Kelan ka pa dito? Tanong nitong walang mababakas na emosyon ang tinig kaya mas lalo akong kinabahan.

"H-Halos dalawang buwan na." Tipid kong sagot at pinipilit kong mag relax pero ang hirap.

"Alam mo bang may asawa na ang lalaking sinasamahan at sinisipingan mo?" Madiin at punong puno ng hinanakit na saad nito na siyang halos dumurog sa puso ko sa labis na guilt feelings.

Tumango ako at nahihiyang yumuko. Tinanggal ni Yvette ang salaming suot at nakita ko ang mugto niyang mga mata tanda ng matinding pag iyak.

"Hindi ka man lang ba nakonsensya nung patulan mo ang kahinaan ng asawa ko ha?!" Galit na ang tono ni Yvette at halata na masama ang loob, makikita sa mata nito ang matinding poot dahil halos magliyab ito habang nakatingin sa akin.

"H-hindi ko naman siya aagawin sayo eh. S-Sorry." Yun lamang ang nasabi ko at bumalong na ang luha sa mga mata ko sa matinding usig ng konsensya dahil sa nagawa kong kasalanan.

"Ang landi mo! Babae ka rin alam mong masakit ang maloko, Yun bang habang nagpapakahirap ka sa pagta-trabaho sa ibang bansa ay nagpapakasasa naman sa ibang kandungan ang asawa mo! Masakit yun---- akala ko pagbalik ko sasama na sa akin ang asawa ko pero sinabi niya sa akin na maghiwalay nalang kami dahil hindi na daw niya ako mahal!--- Dahil may iba na siya at ikaw yun!!!!"
Halos matulig ang tenga ko sa sigaw nito sa akin galit na galit at nanlilisik ang mata habang nakakuyom ang kamao nitong nakatunghay sa akin.

"Yvette---- Patawarin mo ako, Kung gusto mo lalayuan ko na lang ang asawa mo---- H-Hindi ko sinasadya." Garalgal ang tinig na tugon ko sabay luhod sa harap niya at nanghihingi ng kapatawaran.

Marahas niya akong sinunggaban at malakas na sinampal. Tsaka nakaduro ang kamay na muli akong hinarap.

"Sorry? At sa tingin mo may mababago pa sa sitwasyon sa sorry mo ha?!! Ang sama sama mo!!---Alam mo ba nang dahil sa kalandian mo ay pinahamak mo ang asawa ko!! Dahil sayo kaya siya ngayon nag-aagaw buhay sa hospital, Nang dahil sa mga kapusukan nyo nangyayari ang lahat ng ito!!!!" Halos mabali ang litid ng babae sa pagsigaw.

Natigagal ako sa sinabi nitong nag-aagaw daw ng buhay si Ben,. Anong nangyari sa mahal ko? Bakit nasabi ni Yvette na nasa hospital ito at nag-aagaw buhay?, Samo't saring tanong ng isip ko sa sandaling yun.

"N-Nasaan si Ben? a-anong nangyari sa kanya?." Kinakabahang tanong ko sa kanya. At nagsisimula na akong makaramdam ng takot.

"Gusto mong malaman? Ayun nasa hospital ang asawa ko dahil naaksidente ang sasakyan nito habang papunta sayo!!" Galit pa ring saad nito na dahilan upang takasan ng kulay ang mukha ko. Hindi ako makagalaw at mistulang namanhid ang buo kong katawan sa sinabi ni Yvette.

Umiling iling ako.

"Hindi! Hindi totoo yang sinasabi mo,--- gusto mo lang na ilayo siya sa akin. Hindi ko naman ipipilit eh--- aalis naman ako dito. Sabihin mo hindi yan totoo!." Halos maglupasay ako sa labis na hapdi sa kaibuturan ng aking puso dahil sa nakakagimbal na ibinalita nito.

"Totoo Emma agaw buhay ngayon si Ben at kapag may masamang nangyari sa asawa ko hinding hindi kita mapapatawad!! Tandaan mo yan!!" Nanggagalaiting hiyaw nito tsaka nagmamadaling tinalikuran ako at naglakad patungong pinto at halos ay mabingi ako sa lakas ng pagkakabalibag nito doon.

Para akong nauupos na kandila na napa-upo sa sahig at humahagulhol sa pag-iyak.

Ben!!!!--- Hiyaw ko habang yumuyugyog ang balikat sa tindi ng pagtangis.

Hindi ko lubos maisip na mangyayari ang ganitong bagay nang dahil sa pagkakamali namin.,

Bakit kailangang mangyari ito kay Ben?' Tanong ko sa kawalan subalit wala akong makuhang sagot.

Bakit kailangang mangyari ito kay Ben?' Tanong ko sa kawalan subalit wala akong makuhang sagot

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Escape(completed)Where stories live. Discover now