Twelve

440 13 3
                                    

Nalaman ko na nabangga ng isang rumaragasang truck ang sasakyan ni Ben, pabalik na di umano ito sa Cavite at nagkasagutan ito at si Yvette bago ito bumiyahe. At nalaman ko pang nakipaghiwalay ang lalaki kay Yvette.

Nang dahil sa akin kaya nag-aagaw buhay ngayon si Ben. Paninisi ko sa sarili ko.

Gumawa ako ng paraan para mapuntahan ito sa hospital upang kahit paano ay masilayan man lang siya subalit hinarangan ako ni Yvette nasa may bungad pa lamang ako noon ng hospital.

"Anong ginagawa mo dito? Malanding babae ha?!!!!---- umalis ka dito hayop ka!! Mang-aagaw!!!" Nakakatulig na sigaw ni Yvette sa akin.

Halos ay pinagtitinginan na ako ng mga tao sa paligid, subalit wala na akong pakialam dahil kay Ben. Tinanggal ko muna ang hiya at kinapalan ang mukha.

"P-please naman Yvette, gusto ko siyang makita. Maawa ka naman oh---- k-kahit sandali lang please." Pagsusumamo ko habang halos ay nakaluhod na sa harap nito.

"Tumayo ka diyan Emma!!! Wag mo akong daanin sa kaartehan mo dahil kahit gumapang ka pa sa pagmamakaawa ay hindi kita mapapatawad!!! Ang kapal ng mukha mong magpakita pa dito, wala ka talagang delikadesa ano? Umalis ka na!!!" Madiing saad pa nito habang nanlilisik ang matang nakatunghay sa akin.

"Alam kong kasalanan na mahalin ko ang asawa pero masisi mo ba ako kung bakit? Napakabait ni Ben, siya ang tanging lalaking nagparamdam sa akin ng halaga.----

"Ikaw Yvette tanungin mo yang sarili mo kung bakit naghanap ng ibang kalinga ang asawa mo? Nung panahong kailangan ka niya nasaan ka? di ba mas pinili mo siyang balewalain-- kasi busy ka.

Nung anniversary niyo naghanda siya noon, nag-effort siya para i-surprise ka, nag check in pa nga siya sa isang mamahaling hotel para sa surprise nya sana sayo pero anong ginawa mo? Sinabi mo sa kanyang busy ka at inaway mo pa siya.----
Alam kong mali ang mahalin ang asawa mo dahil may masasaktan ako, pero tao lang ako Yvette at ang asawa mo he deserve to be loved,----
Yung hindi mo maibigay sa kanya dahil wala ka, ako ang nagpuno!.." Puno ng emosyon kong turan dito tsaka nagpatuloy habang nakatunghay lang sa akin si Yvette matigas pa rin ang mukha nito.

"S-sorry---- Sorry k-kung minahal ko ang asawa mo." Saad ko habang nakaluhod pa rin sa harap nito at humahagulhol.

"Ah Ganun?, dapat pala pasalamatan kita Emma.---
Dahil ikaw ang nagpuno ng pagkukulang ko sa asawa ko.

"Oo inaamin ko na may pagkukulang ako kay Ben. Naging busy ako kasi nga magkaiba kami ng oras, akala ko kasi naiintindihan niya ako, akala ko hindi siya titingin sa iba.--- Pero mali pala ako dahil may iba na palang nagpupuno sa mga pagkukulang ko sa kanya bilang asawa!! Ano Emma masarap ba ang asawa ko,? kaya nawili ka?!!!" Marahas na hiyaw ni Yvette sa mukha ko.

Natahimik ako at walang maapuhap na maisagot,.
Nasa amin na lahat ang atensyon ng mga tao at mistulang gumagawa na kami ng palabas dahil tutok na tutok ang mga mata ng mga miron sa amin.

Kinalma ko ang sarili ko at tumayo sa pagkakaluhod. I tried to pretend na okay ako pero ang totoo ay wasak na wasak ang puso ko.

Nakayuko akong umalis sa hospital na hindi man lang nasilayan si Ben. Pagdating sa apartment niya ay doon ko ibinuhos lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Gusto kong makita si Ben, gusto ko siyang alagaan subalit paano? wala akong karapatan dahil isa lamang akong kabit.

*******

Pagkalipas ng ilan pang mga araw na pabalik balik ako sa hospital at nagbabakasakaling makasilip man lang ay nagkaroon ako ng pagkakataon.

Wala noon si Yvette at ang kapatid ni Ben ang naroon. Nilapitan niya ako ng mapansing naroon ako sa gilid ng ICU kung saan naroon si Ben.

"Ikaw si Emma di ba?" Tanong ni Cynthia ang kapatid nito.

Tumango ako at nagmamakaawa ang mukhang tinitigan ito.

"P-pwede ko ba siyang makita. P-please." Pagsusumamo ko.

"Sige halika." Tipid nitong saad at tumalikod, sinundan ko ito. 

Pumasok ako sa loob ng ICU, Hindi ko alam kung paano ako nakalapit sa hospital bed na kinahihigaan ni Ben. 

Nakahiga ito at may nakakabit na tubo sa bibig nito. May nakakabit ding life support at marami pang aparato sa katawan nito.

Awang awa ako sa kalagayan niya habang umaagos ang luha ko sa matinding habag sa lalaki.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay nitong may nakakabit na swero.

"B-Ben Andito na ako---- Bungad ko.
"Ang daya mo sabi mo tatawagan mo agad ako pagkadating mo doon sa Batangas pero parang nakalimutan mo ata ako nang makita mo si Yvette.-- Pabiro kong tugon. At nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Ayos lang naman yun sa akin eh kasi alam ko naman na kahit anong gawin natin hindi tayo pwede.--" Pinunas ko ang luha ko at bahagyang kinalma ang sarili.

"Ahhmm-- Ben pagaling ka ha, Lumaban ka kasi kailangan ka ng asawa mo.---

"Papakawalan na kita at itatama natin lahat ng mali.--" Saad kong pilit nagpapakatatag.

"Mahal na mahal kita Ben at salamat dahil sa maikling panahong nagkasama tayo ay naramdaman kong minahal mo din ako k-kahit bawal,
Kahit palihim lang.
Salamat sa maikling sandali na pinasaya at ipinaramdam mo sa akin na may halaga din ako.. Ben please lumaban ka." Madamdaming saad ko habang panay ang tulo ng luha ko. Hinalikan ko ang mga kamay niya at tsaka pinagmasdan ang mukha nito na payapa pa ring natutulog. 

Paglipas ng ilang sandali ay tumayo na ako at naghanda nang umalis. Kinalma ko muna ang sarili ko bago lumabas and for one last time I stare at him lovingly and bid him goodbye.

Habang naglalakad ako palabas ng hospital ay panay tulo parin ng luha ko.

Ganito pala kasakit kapag talagang minahal mo nang sobra ang isang tao. Ganito pala ang pakiramdam na pakawalan ang lalaking lubos mong minahal kahit sa maling pagkakataon.

Kung sana dumating si Ben sa buhay ko sa panahong pareho kaming malaya.
Pero sadyang ganun kasakit minsan magbiro ang tadhana wala akong kalaban laban at wala akong magawa kundi umiyak at magkimkim.

Pagdating ko sa apartment ay agad na akong nag empake aalis na ako sa apartment ni Ben, Aalis na ako ng tuluyan sa buhay niya.

Habang nag-eempake ay panay pa rin ang tulo ng luha ko sa sobrang sakit nararamdaman ko.Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Uuwi ba ako sa amin o maghahanap ng tutuluyan.? Tanong ko sa sarili.

Mas pinili kong umuwi na muna sa bahay, alam kong galit si mama pero bahala na. Tatanggapin ko na lang ang kahit anong sabihin niya.

Sa mga sandaling iyon naramdaman ko na naman ang pag-iisa at wala akong mapuntahan.

Kung sana malaya lang tayo pareho Ben., Taimtim kong bulong sa kawalan.

, Taimtim kong bulong sa kawalan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Escape(completed)Where stories live. Discover now