Five

642 19 1
                                    

Pagkaraan ng isang linggo hindi na nagpakita sa akin si Ben, ni hindi din tumatawag the fact na kinuha nito noon ang mobile number ko.

Naging hungkag ang pakiramdam ko sa sumunod na mga araw, parang laging hinahanap ko ang presensya ni Ben.

Nang gabing iyon pag uwi ko ng  bahay nadatnan kong naghihiyawan na naman sila nanay at mga kapatid kong may mga asawa na at nakapisan pa rin sa amin,. Yung kuya kong tatlo ang anak na iniiaasa pa rin kina nanay at tatay ang buhay. May trabaho din naman si kuya Nato kaso nga lamang ay hindi talaga sapat ang kita nito kaya hanggang ngayon sa bahay pa rin ito nakatira.

Minsan nauumay na ako sa ganung eksena at para bang gusto ko nang umalis doon.

Pagpasok ko sa loob nakita ako ni nanay.

"Oh ikaw Emma. Ano na hanggang ngayon ba ay hindi ka pa niyayang magpakasal ng boyfriend mong si Arthur? Jusko nakakasawa na ang pasanin ko pa kayong lahat dito.!" Saad ni nanay na halatang imbyerna na naman.

Pakiramdam ko ay ayaw na nitong nandoon ako dahil siguro nagiging pabigat na rin ako sa mga ito.

Itinirik ko ang mga mata at piniling wag na itong sagutin dahil mag aaway lang kami nito.

"Wag kang mag alala nay malapit na akong umalis sa bahay na ito." Saad kong masama ang loob.

"Gusto kong manahimik ka na sa lalaking yun tutal doon din naman ang punta ninyo." Biglang kambyo ni nanay.

"Opo nay, sige at matutulog na po ako." Paalam ko na lang para hindi na ito ngumawa pa.

Pagdating ko sa loob ng aking silid ay doon ko pinakawalan ang luhang kanina ko pa pinipigil.

Pakiramdam ko kasi wala akong kwenta, mula pa noong bata ako ay ganun na ang ipinapakita sa akin ni nanay mistulang ayaw niya sa akin.

Masakit yun sa parte ko dahil mahal ko silang dalawa ni tatay pero ano pa bang magagawa ko.

Laging ganun ang nararamdaman ko para akong hindi nag e-exist sa mundo.

Naalala ko bigla si Ben at ang sandaling kasama ko siya.

Ipinaramdam kasi niya sa akin na kahit paano ay mahalaga din ako, nakikinig siya ng buong tiyaga sa mga kwento ko kahit wala naman iyong kabuluhan. Isang gabi lamang kaming nagkasama ngunit parang matagal na kaming magkakilala. Alam kong mali ang mahumaling ako sa isang lalaking may asawa na pero shit!! Gusto ko si Ben.

Ipinikit ko ang mga mata ko at naghanda na para matulog ngunit mukha pa rin ni Ben ang nakikita ko sa aking balintataw hanggang sa ako'y dalawin na ng antok.

Nang sumunod na araw ay naging abala ako sa aking trabaho at bandang tanghali ng tawagan ako ni Arthur.

"Bakit ka napatawag?" Malamig kong tugon dito.

"Na miss kita Emma, punta ka dito sa apartment ko mamayang paglabas mo hihintayin kita." Saad ni Arthur, napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Busy ako wala akong oras pumunta diyan." Sagot kong agad nang nagpaalam dito at ibinaba ang aking cellphone.

Hindi na ako nasasabik makipagkita kay Arthur, nawala na ang nararamdaman ko para sa kanya.

Papalabas na ako sa mall nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Emma!" Tawag ng kung sino, hinanap ko ito at shit!! Parang lumundag ang puso ko pagkakita kay Ben.

Papalapit siya sa akin. Di ko alam kung ano ang gagawin ko basta nakatingin lang ako sa kanya.

Ikinurap ko ang aking mga mata ng tuluyan na siyang makalapit.

"B-Ben anong ginagawa mo dito?" Tanong kong kunot noo na tumingin sa kanya.

Escape(completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें