9;

1 1 0
                                    

Kabanata 9


Tinitigan ko siya ng ilang sandali—halata sa mukha niya ang pagkapahiya dahil siguro sa sinabi niyang gusto niyang makita ang writer ng kwentong iyon—bago siya sinagot.

"Exactly." I smiled a bit.

"No. I don't believe you." Umiling-iling siya.

"Yes. Believe me."

"No."

"Yes."

"Not you."

"It's me."

"How?"

Napabuntong-hininga ako dahil hindi siya naniniwala sa akin.

"So, kung ikaw nga ang nagsulat, anong palaging tinatawag ng lalaki sa bidang babae?" Nanghahamon niyang tanong.

Napatawa ako dahil sa tanong niya na sobrang dali.

"Cutie." Mayabang kong sagot.

"Shii! No!" Bulalas niya.

"Anong, no?"

"I mean, why do you know?"

"Told yah, ako ang nagsulat." Tinatamad kong paliwanag.

"Okay, last question. Maniniwala na ako sa'yo."

"Hmm?" Paghihintay ko sa tanong niya na handang-handa kong sagutin.

"Anong grade ng lalaki doon and," itinaas niya ang hintuturo sa tapat ng mukha ko, "Pang-ilang crush ng babae yung lalaki sa kwento?"

Lalo akong natawa sa mga tanong niya. Really? Ilang sandali pa akong tumawa bago siya sagutin pero naunahan niya ako.

"See? Hindi mo masagot. Hindi ikaw ang nagsulat." Paglalaban niya.

"Wait! Sasagutin ko 'yon!"

"Ano nga?" Siya na ang nagmamayabang ngayon.

"He's grade eight pero grade seven siya noong naging crush siya ng babaeng bida. The girl was grade five back then. And," ginaya ko ang ginawa niya. "First crush ng babae yung lalaki. The soccer player." Tumingin ako sa kawalan na inaalala kung paano nag-lalaro si Kuya Espencer sa grass field tuwing malapit na ang Intrams.

Nang hindi ko narinig ang kumento niya ay tumingin ako sa kanya. Nakaawang na ang kanyang labi na gulat na gulat ang itsura. Hindi makapaniwala sa nalalaman. Sa totoo lang ay ganoon rin ang reaksyon ko nang malaman ko na siya ang nakapulot sa kwentong ginawa ko.

"Naniniwala kana?" Tanong ko.

"I can't believe it!" Bulalas niya at napatingin sa kalsadang katapat namin.

"Mas lalo ako." Tumingin siya sa akin. "Hindi ako makapaniwala na ikaw pa talaga ang makapupulot nyan!" Turo ko sa hawak niyang notebook ko.

"Maybe, destiny?" May ngisi na sa kanyang labi.

"Corny!" Tinapok ko ang kanyang balikat. He just grinned.

"Dahil sa'yo pala 'tong notebook, ibabalik ko na." Hindi ako makapaniwala na sasabihin niya 'yon!

"Talaga!?"

"Bakit? Ayaw mong ituloy?" Winasiwas niya iyon.

Bumagsak ang dalawang balikat ko nang itanong niya iyon. Itutuloy ko pa ba? Hindi ko naman na nakikita si Kuya Espencer, e and I don't have any feelings for him na.

STANDARD UTOPIAWhere stories live. Discover now