21;

1 1 0
                                    

Kabanata 21


Gusto ko mang umurong sa pagsabi ng totoo pero eto nalang ang pagkakataon na masabi ko sa kanilang lahat. Kung patatagalin ko pa ito ay baka mas lalo lang akong mahirapan. Aalis si Arren next week, alam ko ring magba-bakasyon ang iba sa amin next week kaya kukunin ko na ang pagkakataong ito para sabihin sa kanila hanggat kumpleto kami.

"A-aware naman kayo kung anong work ni Daddy, 'diba?" Sinubukan kong magtinig normal pero hindi ako nagtagumpay.

"Tapos na yung project niyang mall 'diba?" Tanong ni Ferdinand. I just nodded.

"Bakit 'yon, Frenny?" Tanya asked with curiosity.

Hindi ko alam kung paano sisimulan. Kinakabahan ako sa mga tingin nila. Bumuntong-hininga ako sa kabang nararamdaman. Sandali akong sumulyap sa labas kung nasaan si Kaizer na patuloy na nakikipag-usap sa kanyang phone.

"Every time na natatapos ang project ni Daddy sa isang lugar, nagkakaroon siya ng project sa ibang lugar. He needs to settle down to that place until he finish his work then leave again." Paliwanag ko na puno ng pag-asang makukuha nila ang ibig kong sabihin.

"Aalis ang Daddy mo?" Napairap ako sa kawalan sa tanong ni Terrence.

"Dad needs to settle down to that place with us." I said and it was almost a whisper.

"What? What do you mean? Aalis kayo? Iiwan mo kami?" Sunod-sunod na tanong ni Tanya.

Bigla akong napalingon sa kung nasaan si Kaizer, good thing ay nasa labas parin siya't may kausap. Sinong kausap no'n?

"Oh, Jiewel." Terrence chuckled, hindi makapaniwala.

"Prank lang 'to, sure ako." Tumawa si Ferdinand.

"Are you serious, Pretoot? This is not funny, you know!" Natatawa ngunit may kabang sambit ni Arren.

"Frenny, you're not funny. Waley na waley 'yang joke mo!" Nakisabay rin sa pagtawa si Tanya. Tawang hilaw.

Napapikit ako sa mga naririnig sa kanila. Seriously? Hindi ako tumawa o nakisabay sa kanila. Nanatiling seryoso ang aking mukhang pinagmamasdan silang tumatawa. Nang mapansin nila iyon ay unti-unting nawala ang kanilang ngisi sa labi at mata. Sa mga tingin nila ay halatang kinabahan sa katotohanan.

"Seryoso?" Laking matang tanong ni Terrence. Tumango ako. "Shit!" Umiwas siya ng tingin.

"Wait! Linawin mo nga, Jiewel," naguguluhang sambit ni Tanya

I looked at my best friend with my weary and sad eyes. I looked at them one by one and I feel like I'm slowly weakened as they stared at me. My gaze told them that I'm serious and I'm just saying the truth.

"Dad told me, we're going to leave. Last week of this month ay pupunta na kami ng Manila. Doon ang bagong project ni Daddy kaya—"

"Pumayag ka? Iiwan mo kami?" Tanya asked madly.

"Hindi ako pumayag—"

"Bakit parang nagpapaalam ka?" Tanya cut me off. Nanatili namang tahimik ang tatlong lalaki na nakikinig sa amin.

"Hindi ako pumayag pero I can't do anything. Hindi ko kayang iwan kayo, napamahal na ako dito, sa inyo. Mahirap ang mag-adjust." I said lazily. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang dahil ayaw kong mag-mukhang mahina.

"Stay here, please?" Nagsusumamong singit ni Arren sa usapan namin ni Tanya.

I smiled at him wearing. His eyes was bloodshot and sad when I looked at him. Nawawasak ang puso kong makita silang malungkot dahil sa akin. It's all my fault.

STANDARD UTOPIADove le storie prendono vita. Scoprilo ora