17;

1 1 0
                                    

Kabanata 17


Lahat kaming narito sa gym ay napalingon sa gate ng James Ter Meer Gymnasium.

Nagtama ang mga mata namin ni Kaizer. He smiled at me, reason why my heart raced for unknown reason again. Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya. Kinunot ko ang noo para ipakitang hindi ako natutuwa sa presensya niya.

"What did you say, Mr. Arquero?" Cher Rema asked.

Lumapit si Kaizer kay Cher Rema. Nasa tapat ko lang si Cher Rema ngayon, hindi ko tuloy maiwasang malanghap ang pabango ni Kaizer na paulit-ulit kong inaalala dahil napaka-pamilyar no'n. Tila naamoy ko na iyon noong hindi ko pa siya nakilala.

"I can be her partner, Cher."

His words made me shiver again. His voice was so sleepy like he's ready to sleep. He's tired?

"Are you sure?" Naniniguradong tanong ni Cher.

Really? Matutuloy na ba ang isang pangarap ko? Because of him?

"Very sure, Cher." His voice was full of assurance.

I felt his eyes drifted on me. I want to run near to him and hug him tightly but I stopped myself immediately. I realized, I need to avoid him too.

"I can't believe that you're going to dance, again." Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Cher Rema dahil sa pag-iisip. "Ms. Vega, teach him." Tumaas bigla ang tingin ko kay Cher Rema.

"Po?"

"Siya na ang magiging partner mo. You have only one month to practice. Teach him, okay?" Nagugulat kong pinagmasdan si Cher Rema.

She's serious? And we have only one month? Gumsh!

Bago pa ako makapagsalita ay bumaling na si Cher Rema sa ibang dancers. Inanunsyo niyang mag-uumpisa na ang ensayo maliban sa amin ni Kaizer. What the gumsh!

"Teach me, please." Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa paglapit ni Kaizer.

"Are you sure about this?" Iyon ang naitanong ko.

"Yeah. I know you can teach me well. I'm not good at it but I'll try my best for you. I want you to perform with me." Nagtataka kong sinalubong ang mga mata niya.

Bigla akong nagsisi dahil tinignan ko pa siya. Napalunok ako sa lalim ng mga mata niya. Iyon na naman ang akala kong mysterious peg niya. Akala ko ay nagkukunwari lang siyang ganoon pero unti-unti kong nalalaman na ganoon na ang mga mata niya. Na ganoon na talaga siya makisama.

Pamilyar sa akin ang lalim ng mga mata niya. Hindi ko din alam kung saan ko nakita basta parang nakita ko na iyon ng ilang beses bago ko siya nakilala.

"I want to be your first in everything." He said those words while looking at me deeply. "Maybe, I'm not your first crush but I know that I'm your first boy bestfriend, first reader, first fan, first dance and I'll make sure that I will be your first lo—" pinutol niya ang sinabi.

Kunot-noo ko siyang tinitigan. Kahit naiilang ako ay kailangan ko iyong labanan.

"What?" I raised my right eyebrow.

"Teach me." Utos niya.

I want to punch him. I want to push him hard. Sa mga pinagsasabi niya ay parang walang nangyari sa akin na masama dahil sa kanya. Gusto niya pa atang madagdagan 'yon. Hindi ba niya naiintindihan kung bakit umiiwas na ako sa kanya, sa kanila?

Ang dali-dali niyang sabihin iyon sa akin. Hindi ba nila inisip kung anong mangyayari sa akin ulit kung ganitong lapit parin sila nang lapit sa akin.

"Just quit." I said coldly.

STANDARD UTOPIAWhere stories live. Discover now