4;

2 1 0
                                    

Kabanata 4


Araw-araw may pinapabigay si Kuya na mga meryenda. Nagtataka nga ako kung bakit kailangan niya pang ipabigay sa mga kapwa naming 'studyante kung pwede naman niyang ibigay sa akin. Mas lalo tuloy akong nagkaka-interest sa kanya. Hindi ko mapigilang kiligin kapag ginagawa niya iyon sa akin. Natatawa pa ako minsan dahil ang mga pinapabigay niyang meryenda ay puro mamon at tubig pero kapag siya naman mismo nagbibigay ng meryenda sa akin ay hindi ganoon. Gusto ko din sanang sabihin sa kanya na 'wag na siyang magpadala palagi ng pagkain dahil nakakahiya at pati kaibigan ko ay pinagkakagastusan niya pero hindi ko na ginawa dahil nakikita kong nag-eenjoy naman ang kaibigan ko.

Alam ko din na hindi makikinig sa akin si Kuya. Hindi ko nga ba alam kung bakit niya ginagawa 'yon sa amin, sa akin. 'Di hamak na napulot lang naman niya ang ID ko pero hindi ko inaasahan na tatatak ako sa buhay niya. Na kailangan niya pa akong bigyan ng special treatment. Masaya akong napapansin ako ng crush ko pero sa kabilang-banda alam kong bata pa ako para dito.

"Hey," bumalik ako sa wisyo nang maramdaman kong tinapik ako ni Nica.

"Yung notebook ko." I said out of nowhere.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman sa mga oras na iyon. Nanatili ang paglaki ng aking mga mata habang ang tingin ay nasa loob ng bag ko. Wala akong ibang nilagay roon kundi ang notebook lang at ang damit na pagpapalitan ko at isang supot ng tissue.

Naroon ang mga damit at tissue dahil nakasiksik iyon sa pinaka-ilalim ng bag ko pero ang notebook na nasa ibabaw ng mga damit ko ay wala na.

Napalunok ako sa sobrang kaba at pag-aalala na baka mabasa ng simunang makapulot roon.

Gumsh! I'm dead!

"Nasira ang zipper ng bag mo," nabalik ako sa wisyo nang magsalita si Nica.

Sinusuri niya ang zipper ng bag kong nasira raw. Napabuntong-hininga ako dahil sa kaba. Hindi ako nag-aalala para sa zipper na nasira kundi sa notebook kong nawala.

Inagaw ko bigla kay Nica ang bag at hinalungkat ang buong loob ng bag ko. Halos mailabas ko na ang lahat ng damit kong naroon pero wala ang notebook.

"What's your problem, Jiewel? Wala naman atang nawala?" alanganin na tanong ni Nica.

Napahinto ako sa paghalungkat. Binalik ko ang mga gamit sa loob ng bag ko at nalulumo at mangiyak-ngiyak ko siyang sinulyapan.

"Don't tell me..." nagugulat niyang tanong na parang alam na niya kung anong bagay ang nawawala sa bag ko.

"I lost my notebook," naiiyak na ako.

"Halla!!!" Sa gulat ay napasigaw siya. "Hanapin natin! Tara!" Akma niya akong hihilain nang napagtantong masakit ang paa ko.

Pabagsak siyang naupo sa tabi ko at parang nawalan ng pag-asa.

"We can't find that notebook again. Sa dami ng tao rito ay baka may nakapulot na," nawawalan ng pag-asang sambit ko.

"I told you not to—" imbes na ituloy niya ang sasabihin ay bumuntong-hininga nalang siya at padabog na sumandal sa inuupuan niya.

"I'm sorry, Nica. Hindi ko alam na nasira ang zipper ng bag ko,"

"Subukan nating hanapin sa mga dinaanan natin baka wala pang nakakapulot." Tumayo siya sabay lahad ng kamay niya sa akin.

Dahan-dahan kong ipinatong ang kamay ko sa palad niya kasabay ng pagtayo ko. Kahit masakit ang paa ko—dahil sa pag-apak ng lalaking bwiset na palaging nakasumbrero na hindi ko manlang makita ang buong mukha— sinubukan kong maglakad. Paika-ika ang paglakad ko sa mga dinaanan namin kanina.

STANDARD UTOPIAWhere stories live. Discover now