22;

2 1 0
                                    

Kabanata 22


Kanina pa ako paikot-ikot dito sa higaan ko. Hindi ako mapakali at hindi ako mapirmi sa iisang pwesto. Hindi parin ako madalaw-dalaw nang antok, naiiyak na ako dahil ayaw ko nang mag-isip ng ika-luluha ko na naman.

Bukas na pinaka-kinatatakutan kong araw kung saan lilisanin ko na ang lugar na 'to. Handang-handa na ang malaking maletang puno ng mga mahahalagang gamit ko. Bawat lagay ko sa maleta ay hindi matigil ang pagpatak ng aking mga luhang hindi nauubos. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang umalis. Ganito ba talaga ang palagi kong role tuwing aalis kami. Iiyak nalang. Iiyak lang nang iiyak tapos pag nasanay na naman ako sa bagong lugar, liligaya na naman at kapag lumipas ang ilang taon iiyak na naman dahil lilisanin ulit namin ang lugar na 'yon. Nakakasawa.

Nakakasawa din palang maging isang pansamantala lang sa isang lugar.

"Argh!" Inis akong napa-upo sa kama.

Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko nang magsimulang tumulo ang nagbabadya kong mga luha kanina. Bahagya kong hinawi ang kurtina sa bintana ko para masilayan ang bintana ni Kaizer, ganoon nalang ang pagtigil ko dahil nakabukas pa ang bintana niya. Maliwanag pa ang buong silid niya. I slumped my shoulders.

Simula noong sinabi ko sa kanyang aalis kami ay hindi na kami nagkaroon ng matagal at matinong usapan sa mga nagdaang araw. Hindi na rin niya ako masyadong kinakausap o pinupuntahan dito sa bahay. Kung magkakasalubong naman kami ay kukumustahin niya lang ako saglit saka aalis na kapag sumagot na ako. Alam kong iniiwasan niya ako, alam ko at ramdam ko ang galit niya sa akin. Hindi ko siya masisisi kung ganoon siya sa akin matapos kong sabihin na iiwan ko siya.

Ang sakit sa parte kong ganoon niya ako iwasan. Naninikip ang dibdib ko tuwing hindi niya ako matignan. Para akong isang sumpa na hindi niya kayang tignan ng matagal. Pero mas nasasaktan pala ako kapag nasasalubong ko ang mga mata niyang walang emosyon na parang manginginig ka dahil sa lamig.

Nagsisisi akong nangako pa ako sa kanya kung hindi naman pala ako sigurado.

Patuloy ang paghagulgol ko nang tahimik dito sa madilim kong kwarto. Wala na akong masandalan simula noong iniwasan na ako ni Kaizer. Sila Ferdinand, Arren, Terrence at Tanya ay nasa kani-kanilang bakasyon, ayaw ko namang sirain ang summer nila kung tatawag ako para lang magbahagi ng problema. Bukas ay narito sila para sa huling paalam ko, sinadya talaga nilang umuwi kanina para lang sa akin bukas. Hindi ko alam kung alam ba ni Kaizer na bukas na ang alis ko pero nawawasak at nadudurog ang puso kong baka wala na naman siya sa bahay nila bukas sa oras nang alis ko. Palagi kasi siyang wala tuwing pinupuntahan ko siya, nakahahalata na rin si Tita Eumenia pero hindi lang siya umiimik at hinahayaan lang kami dahil siguro ay naiintindihan niya si Kaizer.

Sinubukan ko ulit na pumikit, baka sakaling madalaw na ako nang antok. Sa huling pagpatak ng luha ko patungo sa malambot kong unan, nawalan na akong diwa.

"Let me help you," nangibabaw ang boses ni Arren sa gilid ko.

"Please," iminwestra ko ang maleta.

Iyon na ang huling gamit ko na ibaba saka ilalagay sa compartment ng kotse. Pinanood ko siyang ilabas iyon bago sumilip sa bintana sa huling pagkakataon. Hindi na nakabukas iyon, natatakpan muli ng itim na kurtina na palagi kong nakikita sa mga dumaang araw. Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto, reminiscing all my memories here since I was in grade seven. I smiled bitterly when I remember everything. Nagbuga ako ng malalim na hininga saka nilock ang kwarto ko para makababa na.

"Frenny," sumalubong sa akin ang pulang-pula na mukha ni Tanya dala siguro ng pag-iyak.

Ngumiti ako nang malungkot saka siya niyakap ng mahigpit. Ang sakit sa dibdib; ang bigat sa kalooban. Ganito nalang palagi kahirap ang mang-iwan. Ganito nalang palagi ang dapat kong gawin, tiisin sila kahit sabrang hirap.

STANDARD UTOPIAWhere stories live. Discover now