20;

2 1 0
                                    

Kabanata 20


I felt the fresh crepuscule air in my open arms when we came here in Precious Utopia. Every trees are dancing slowly and the different colours of butterflies was very beautiful while they're flying around the flowers.

I missed this place. I missed coming here. I missed dancing here with Kaizer. Maayos pa rin ang pagkakatayo ng isang wood sa bungad ng lugar kung saan nakasulat doon ang "Kaizer and Jiewel's Property". Napangiti ako dahil sa apat na taon ang lumipas, hindi parin kumupas ang pintura niyon. Maybe, inaayos ni Kaizer?

It's been a month since the last time I came here. Sa dami ng ginagawa ay minsan nalang kami pumunta rito ni Kaizer. Hindi pa rin nagbago ang lugar. Malalago parin ang mga dahon ng mga puno. Lalong dumami ang bunga ng iba't-ibang bulaklak na mas lalong nagpaganda sa paligid.

"What's that?" Tanong ko kay Kaizer.

May inaayos siyang table sa gilid, sa tabi ng kubo. Ang telang puti ang ginamit niyang pan-takip roon. May dalawang upuang bakante na magkaharap. May malalagong bulaklak naman sa gitna ng lamesa. May nilagay siyang dalawang table napkin sa tapat ng bawat upuang bakante. Kumunot-noo ako sa ginagawa niya. Date?

"Have a seat, Lady." Inilahad niya ang upuang malapit sa akin.

Kumurap-kurap ang mata ko saka nagtataka akong umupo sa upuang hinawakan niya. Tumingala ako kay Kaizer na nagtatanong na tingin. Instead of talking, he just smiled at me.

"Wait for me here." Nagmadali siyang pumasok sa kubo.

Ngumiwi akong sinuri ang table. Sobrang plain at ang bungkos ng mga bulaklak lang ang disenyo. Napalabi tuloy ako nang wala man lang pwedeng gawin para hintayin si Kaizer. Napansin ko nalang na madilim na ang lugar pero nagulat ako nang may umilaw sa tapat ng table na inuupuan ko. Napatingala ako sa ilaw. Medyo mataas iyon, hindi ko rin alam na may ilaw na pala rito.

Ilang sandali akong naghintay bago dumating si Kaizer na may dalang isang tray na may lamang dalawang plato, kutsara't tinidor. Sumunod niyang nilapag ang platong may lamang beefsteak, iba't-ibang prutas na nahiwa na sa maliliit na piraso at isang medyo maliit na cake? Magtatanong na sana ako sa kanya kung anong meron ngunit mabilis siyang umalis sa harap ko saka bumalik muli sa kubo. Hindi naman siya nagtagal roon nang bumalik ulit siya sa table na may hawak na isang wine. What, wine? Nakaawang ang labi kong pinagmamasdan ang ginagawa niya. Bawat galaw ng kamay niya habang inaayos ang mga pagkain ay pinanood ko. Napabuntong-hininga siya bago umupo sa bakanteng upuan na katapat ko.

"A-anong meron?" Iyon agad ang lumabas sa bibig ko.

To be honest, I don't know what's for this. Wala naman akong alam na pwede namin i-celebrate ngayon dahil tapos na ang birthday ko, hindi naman niya birthday ngayon dahil sa mga susunod pang buwan iyon. So, anong meron? After shock celebration ng moving-up ko?

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Pinatong niya ang kanyang dalawang siko sa lamesang kaharap namin at tumingin siya ng diretso sa akin. Ayon na naman ang malalim niyang tingin na akala mo'y handa kang lamunin. Nilabanan ko ang tingin niyang iyon. Pero habang tumatagal ay naiilang ako kaya napatingin ako sa pagkaing kaharap namin. Gumsh. Jusme!

"It has been four years since the first time I brought you here. I just can't imagine that you're still here with me. Sana ay sa mga susunod na araw, buwan at taon ay magkasama parin tayo. Because no matter what happen, I will stay with you. Forever."

Unti-unting napaangat ang tingin ko sa kanya. I saw his handsome smile with his handsome deep dimple on his cheek. Hindi mairehistro sa utak ko ang mga sinabi niya. Parang gusto kong maiyak at makonsensya. Binibigyan niya ako ng dahilan para manatili rito dahil alam kong mananatili rin siya sa akin. Ang pagsusumamo sa kanyang mga mata ay ang dahilan kung bakit gustong-gusto kong sabihin sa kanyang hindi ko maipapangakong mananatili ako sa kanya.

STANDARD UTOPIAWhere stories live. Discover now