SVT DOKYEOM IMAGINE 02 (8)

184 9 0
                                    

#8

*LAST*

7 years later~

Your POV

"Y/N Sure ka na ba talaga?" Dahan dahan naman akong tumango sa sinabi ni Dokyeom..

"Basta Dokyeom kasama kita kakayanin ko lahat" Ngumiti ako sa kanya

"Wag kang mag alala hindi kita iiwan okay? Magche cheer ako lagi sayo.. Nandito lang ako sa tabi mo"

"Hoy kayong dalawa sasakay lang tayo ng Roller Coaster para kayong nagpapalitan ng vows sa kasal" Napatawa naman kami bigla ni Dokyeom sa sinabi ni Julian

"Dude panira ka.. Ang sweet na namin eh" Ngumuso naman si Dokyeom.

"Respeto naman kasi sa mga walang jowa dito oh" Sabi naman ni Kim na nakanguso din

"Alam nyo kayong dalawa ni Julian bakit hindi nyo i try mag date? Bagay naman kayo"

"Bagay? Tao ako dude aswang tong si Kim"

"Aswang pala ah" Bigla namang sinabunutan ni Kim si Julian

"Aray! Aray! Hindi ka na aswang." Bigla namang binitawan ni Kim si Julian..

"Magandang Aswang na lang" Bigla naman tumakbo si Julian palayo

"Hahabulin ko lang ang animal na yun ah.. Mauna na kayong sumakay ah.. HOY MAHABOL LANG KITA LAGOT KA SAKIN!" Bigla namang tumakbo si Kim pasunod kay Julian.. Naiwan naman kami ni Dokyeom na nakasunod ng tingin kila Julian.

"Tayo na susunod" Hinawakan bigla ni Dokyeom ang kamay ko hanggang sa makaupo kami sa upuan sa roller coaster. Naramdaman ko ang malamig nyang kamay halatang kinakabahan pero nagkukunwaring matapang..

"Mas kinakabahan ka pa yata kesa sakin" Natatawa kong sabi sa kanya

"Hindi ako natatakot noh.. Basta nandyan ka" Bigla naman akong kinilig sa sinabi nya. Maya maya ay umandar na ang Roller coaster. Hindi pa man nagsisimula ay marami ng nagtitilian at isa na ako dun

"Eomma!" Sigaw ko dahil ang taas na ng pwesto namin

"AHHHHH!! Y/N!!!!" Napatingin naman ako bigla kay Dokyeom na nakapikit habang hawak hawak ang kamay ko. Bigla naman akong natawa sa reaksyon nya

"Ayyuuu.. Ang cute mo matakot" Bigla naman syang dumilat at tumignin sa direksyon ko at ngumiti

"Lagi akong cute!" Muli na namang nasa mataas na loop ang roller coaster kaya agad akong pumikit

Ramdam ko na na malapit na kami sa mataas na loop ng biglang sumigaw si Dokyeom

"Y/N!! WILL YOU MARRY ME?" Napadilat naman ako bigla sa sinabi nya. T-Tama ba ako ng narinig?

"Dokyeom anong sabi mo?"

"Ey.. Dali Oo at Hindi lang!" Nasa pinakamataas na part na ang Roller Coaster.. Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko at nagdadalawang isip pa rin sa isasagot ko.. Pero ang nararamdaman ko ang sinunod ko.. Handa ng bumulusok pababa ang rollercoaster at hinanda ko na rin ang sarili sa pagsagot.. Eto na malapit na.. Ipinikit ko ang mata at sumigaw..

"Oo.. Papakasalan kita Dokyeom" Wala na akong ibang marinig kundi ang malakas na tibok ng puso ko.. Maya maya pa ay naramdaman ko ang pagbagal ng roller coaster hudyat na pahinto na ito.

Nang maramdaman ko ang paghinto nito ay saka ko na dinilat ang mga mata ko.. Nakita ko si Dokyeom na nakatingin lang sakin habang ngiting ngiti. Tumayo sya at ganun din ako.. Inalalayan nya akong umalis sa roller coaster.. Hinawakan nya ang kamay ko at inilagay ang singsing sa daliri ko..

"Salamat.. Salamat dahil tinanggap mo ang proposal ko.. Kinabahan ako akala ko mahuuhulog ko ang singsing na ibibigay ko" medyo natawa ako sa sinabi nya..

"Ako dapat ang magpasalamat.. Dahil nagtiwala ka sakin.. Nagtiwala ka sa totoo kong rason.. Salamat at naniwala ka sakin kesa sa iba.."

"Ey! Ey! Congratsss!" Biglang umakbay si Julian kay Dokyeom at si Kim naman ay sakin umakbay

"So kailan ang kasal? Wag nyo akong kakalimutan ah" Sabi naman ni Kim

"Ang ingay ng proposal nyo rinig na rinig dito sa baba" Natatawang kwento ni Julian..

Napatitig naman ako kay Dokyeom na ngiting ngiti.. Ang tibok ng puso ko ay walang tigil sa pagtibok ng malakas na parang lalabas na sya sa loob ng katawan ko.. Napatingin naman si Dokyeom sa direksyon ko at hinalikan ang noo ko..

"Mahal kita Y/N.." Sapat na ang mga salitang yun para ibigay sa kanya ang matamis kong halik sa labi nya.. Humiwalay agad ako at tumingin sa kanya na tulala

"Oy dude okay ka lang?" Bigla naman syang napayakap kay Julian..

"Pre hinalikan nya ako... Sya unang humalik sakin nakita mo yun?" Napatawa naman kami bigla sa sinabi ni Dokyeom..

Sya ang una at huling taong nagtiwala sakin at hindi nakinig sa sinabi ng iba.. Ang taong tinanggap ako sa kabila ng weird kong karamdaman.. Sa relasyong nakinig sa totoong nararamdaman at hindi sa maling akala ng sabi sabi lang ng iba...

~END~

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now