SVT WOOZI IMAGINE 02 (5)

516 16 1
                                    

#1

"Bibilang ako ng sampu pag hindi ka bumaba dyan aakyatin na talaga kita!" Banta sakin ni Jihoon ang Step brother ko

"Bababa na! Bakit ba nagsusungit ka na naman?" Lumabas na nga ako ng kwarto at bumaba...

"Ang bagal bagal mo kasing kumilos male late na tayo" Hinila nya ako papuntang parking lot nitong mansion at tinulak ako papasok ng kotse nya... Napaka bully hnng~

Pumasok na din sya at nagsuot ng seat belt..

"Yung seatbelt mo ikabit mo na" Sus dati ikaw laging nagkakabit ng seat belt sakin

"Oo na.. Bakit ba ang sungit sungit mo ngayon? Meron ka na naman ba?" Tumawa pa ako ng mahina sa biro ko sa kanya.. Pero sya tinitigan nya lang ako ng masama

"Hindi ka pa din nagbabago" Inirapan nya ako at nag simula na syang mag drive

"Oo ako pa din toh yung Y/N na nakilala mo yung Y/N na naging girlfriend mo" Nakita kong kinagat nya ang pang ibaba nyang labi at nakatingin lang ng diretso sa daan...

Bago namin malaman na magiging magkapatid kami naging boyfriend ko sya.. Oo.. My Step brother is my Ex boyfriend before.. Funny right? Bakit ba ganito ang tadhana?

"Ikinasal na ang parents natin.. Kalimutan mo ng naging tayo"

"Bakit ganyan kadali sayong sabihin yan?"

"Y/N please.."

"Ikaw ba kinalimutan mo na ba yung naging relasyon natin?" Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya.. Nanahimik sya ng ilang minuto bago sya magsalita

"Listen Y/N.. I love my mom okay?... Ayokong makita syang malungkot.. Kaya please kalimutan mo na ang lahat ng namagitan satin"

"So ayos lang sayo na ako yung malungkot? Sana ganun lang kadali ang makalimot..." Hindi ko alam pero nagbabadya na namang tumulo ang luha ko.. Isang buwan na ang nakakalipas nang ikasal ang parents namin at dalawang buwan na din ang nakakalipas ng maghiwalay kami pero... Masakit pa din..

"Minahal mo naman ako diba?" Tanong ko sa kanya...

"PLEASE STOP Y/N!"

"Kasi ako minahal kita... At hanggang ngayon mahal pa din kita"


-----------------------------


Kanan kaliwa.. Pagulong gulong ako sa kama ko habang hinihintay ang pinadeliver kong pagkain.. Wahhhh.. Gutom na ko!!

"Mam Y/N yung pinadeliver mong pagkain nandyan na po sa baba" Tawag ng maid sakin..

"Sa wakas!" Excited kong sabi... Agad akong tumayo at kinuha ang wallet ko.. Mabilis akong bumaba dahil pakiramdam ko mamamatay na ako sa gutom.. Pagbaba ko ay agad kong kinuha ang inorder kong Chicken at binayaran saka pumunta sa kusina para kumain

"Bakit hindi ka na lang nagpaluto.. Gumastos ka pa" Bigla naman tumabi sakin ang masungit na toh

"Pera mo? Pera mo?" Agad akong kumain ng inorder kong fried chicken wings

"Kahit kailan napaka gastos mo"

"Mr.Lee Jihoon hindi mo pera ang ginamit ko para bilhin toh"

"Ewan ko sayo.. Hindi ka na naman matinong kausap"

"Kesa sa magsungit ka samahan mo na lang akong kumain" Bigla kong isinubo sa kanya ang isang chicken wings..

"Yah!"

"Samahan mo na lang akong kumain" Hindi na sya kumibo at kinain na ang chicken wings na isinubo ko sa kanya

Bigla naman akong napangiti...

"Anong nginingiti ngiti mo?" Pagsusungit nya

"May naalala lang ako"

"Anong naalala mo?"

"Gusto mong malaman?" Hindi ko syang narinig sumagot.. Ibig sabihin nakikinig na sya.. Huminga muna ako ng malalim bago ko syang sinagot

"Naalala mo yung first date natin? Wala tayong ma order nun kasi hindi tayo magkasundo.. And we ended up eating at the fastfood chain instead of eating on Classy Restaurant" Nakita ko syang ngumiti pero agad din naman nyang binawi

"Hindi ka pa din ba nakaka move on?" Tanong nya... Natigilan ako saglit bago ko sya hinarap at sagutin ang tanong nya

"Alam mo kung madali lang matagal na akong naka move on" Huminga sya ng malalim at saka ako tinitigan sa mata

"Ikaw ba nakamove on ka na ba sakin?" Balik kong tanong sa kanya... Narinig ko syang huminga ng malalim

"Katulad ng sinabi mo.. kung madali lang matagal na akong naka move on" Natigilan naman ako sa sinabi nya.. Ibig bang sabihin ay gusto nya pa rin ako?

"Ibig mo bang sabihin gusto mo pa din ako?" Tanong ko sa kanya..

"Magtatagal ba tayo ng ilang taon kung hindi kita mahal?" Napatigil ako sa sinabi nya.. Tinitigan ko sya sa mata pababa sa labi nya...

"Pero katulad ng sinabi ko nung nakaraan.. Kalimutan mo na an---" Pinutol ko ang sasabihin nya ng idampi ko ang labi ko sa labi nya.. Alam kong mali pero hindi ko mapigilan... Para akong nahihipnotismo sa bawat galaw ng labi nya..

Inaasahan kong itutulak nya ako at sisigawan pero nagulat ako ng bigla syang tumugon sa halik ko.. Agad nyang hinapit ang bewang ko at mas pinalalim ang halik... I miss this.. I miss his hug...I miss his lips.. I miss everything about him..

"WHAT IS THE MEANING OF THIS!?" agad kaming naghiwalay ni Jihoon at kapwang hingal na hingal... Patay!

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 😘

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now