SVT MINGYU IMAGINE 02 (10)

221 10 0
                                    

#2

10 PM natapos ang shift ko kaya ngayong araw at nagmamadali akong umuwi.. Baka kasi nagugutom na si Mingyu anong oras na din kasi.. Nag Overtime kasi ako sa trabaho at hindi din ako makatanggi dahil utos ng boss ko..

"Kamusta na kaya yun.." Paulit ulit kong tanong sa sarili ko hanggang sa makarating sa apartment ko.. Nang makapasok ako sa loob ng apartment ay sinalubong agad ako ni Mingyu na kinakawag pa ang buntot nya..

"Arf! Arf!"

"Pasensya na ngayon lang ako nakauwi ah.. Gutom ka na ba?"

"Arf! Arf!"

"Halata nga.. Halika.." Kinarga ko si Mingyu papunta sa kusina para bigyan sana sya ng pagkain pero napahinto ako dahil nakita ko na puno naman ang kainan nya. "Kumain ka ba kanina?"

"Arf! Arf!"

"Eh bakit walang bawas ang kainan mo?" Bigla naman syang naglikot kaya inilapag ko sya sa sahig. Bigla syang lumapit sa sako ng dogfood na binili ko sa kanya..

"Arf! Arf!"

"Ikaw nagsandok ng pagkain mo?"

"Arf! Arf!" Sagot nya at muling kinawag ang buntot nya.. Nagkibit balikat na lang ako at pumasok na sa kwarto para magpalit ng damit.

11 PM ng magpasya akong kumain ng hapunan ko habang nanonood ng TV..

"Sakto lang din pala Overtime ko ngayon.. Wala pala akong pasok bukas" Nangingiti kong kausap sa sarili. Nasaan kaya si Mingyu? Hmm.. Baka tulog na yun sa tulugan nya.. Pero infairness naman sa kanya matalino sya ah.. Alagain siguro sya.. Pero bakit wala man lang syang collar o kung ano na palatandaan kung sino ang may ari sa kanya?

Napagawi ang tingin ko sa orasan.. 12 AM na medyo nakakaramdam na din ako ng antok kaya pinatay ko na ang TV para makatulog na. Papasok na sana ako ng kwarto ng mapahinto ako at maagaw ang atensyon ko sa malaking anino na nanggagaling sa kusina.. Imposibleng kay Mingyu yun dahil hugis tao ang korte nung Anino..

Dinampot ko ang walis na nasa tabi at dahan dahang naglakad papuntang kusina..

"Kalma Y/N pagnakaharap mo na sya ihahampas mo lang sa kanya tong walis na hawak mo.. Kaya mo to" Pag cheer ko sa sarili ko.. Konting hakbang na lang ay makakaharap ko na kung sino ang nasa likod ng malaking anino na galing dito sa kusina.. Itinaas ko ang hawak kong walis at saka sinugod kung sino man ang malaking taong nandito sa kusina

"Aray! Sandali! Masakit!" Boses ng isang lalaki.. Napatigil ako at napahinto ng makita sya..

"AHHHHH!! BASTOS KA BAKIT WALA KANG SAPLOT!" Napatakip ako ng mata ko at napahinga ng malalim. Agad akong tumalikod. Sino ba ang lalaking to.. Paano sya nakapasok sa pamamahay ko..

"Sorry.. Pero meron ka bang damit na pwede kong isuot pansamantala para di ka mailang?" Napakurap ako ng ilang beses sa narinig ko sa kanya.. Para sa isang magnanakaw o baka naman ay rapist mabait sya at magalang ah.. Teka porket gwapo Y/N iniisip mong mabait sya?

"Dyan ka lang!" Tumakbo ako papasok ng kwarto.. Ang alam ko may iilan akong panglalaking damit dito sa kabinet. Madalas kasi akong magsuot ng ganun dahil sa mas komportable syang gawing pantulog.. Kumuha ako ng isang shirt at pajama sa kabinet saka bumalik sa kusina na nakatakip pa din ang mata "Eto! Isuot mo to bilisan mo bago kita ipadampot sa pulis" Naramdaman ko na kinuha nya na ang damit na nasa kamay ko..

Ilang minuto din ang lumipas ng muli syang magsalita..

"Tapos na pwede ka ng humarap.." Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanya.. Doon ko lang napansin ang gwapo nyang mukha Idagdag pa ang light brown nyang buhok kaya mas nagmukha syang gwapo.. Matangkad din sya.. Sa tingin ko mga nasa 6'0 pataas ang tangkad nya.. Kung titignan hindi sya mukhang magnanakaw.. Mas mukha syang.. Model..

"Sino ka? Paano ka nakapasok sa bahay ko?"

"Matapos kitang ipagluto at Linisan ang bahay mo ganyan mo ko ituturing?" Napakurap ako sa sinabi nya

"Ikaw ang naglinis ng bahay ko? At ikaw ang nagluto ng pagkain?" Ngumiti sya at tumango

"Ako nga.. Nakita ko ang reaksyon mo nasarapan ka nga eh"

"Paano ka nakapasok dito? Paano mo nakita ang reaksyon ko? Nag install ka ba ng Camera dito sa loob ng bahay? Alam mo bang tresspassing ang ginagawa mo? Pwede kitang ipadampot sa pulis anumang oras"

"Sandali hindi ako trespassing dahil una sa lahat ikaw ang nagdala sakin dito.."

"Huh? Wala akong maalala na dinala kita dito.. Ni hindi nga kita kilala" Bigla naman syang napakamot sa ulo nya dun ko lang napansin na parang may tenga ng aso sa ulo nya.. Teka.. Aso? Hinanap ko ng tingin si Mingyu.. Nasaan sya?

"Anong hinahanap mo?"

"Si Mingyu nasaan?"

"Ako si Mingyu!" Napatayo ako at napatingin sa lalaking kaharap ko

"Tanga asong Mingyu ang hinahanap ko hindi Tao.."

"Ako nga kasi yun.." Bigla nyang kinuha ang kamay ko at nilagay sa ulo nya.. Sandali.. Tenga nga talaga ng aso tong nasa ulo nya!

"Paanon--- Ikaw? Ikaw si Mingyu? Paano kang naging tao?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.. Hindi kaya werewolf sya? Pero bakit tuta sya kung werewolf? Naguguluhan na ako..

"Mahirap ipaliwanag eh.. Pero tuwing 12 AM nagiging tao ako pag nagkaroon na ng liwanag bumabalik ako sa pagiging tuta.." Napakurap ako sa biglaan nyang kwento..

Pinrocess ko sa utak ko ang mga sinabi nya.. Kung sya yung tuta ibig sabihin ba nun ay---

/Flashback/

Papasok na ako ng kwarto ng bigla akong madulas sa sahig mabuti na lang at paupo ang pagdulas ko.. Kaso biglang natanggal ang tapis na suot ko mabuti na lang talaga wala akong kasama dito sa bahay.. Bukod nga lang sa tuta na kasama ko..

"Nakita mo ang sexy na katawan ni Mommy wag kang maingay ah.." Kinindatan ko yung tuta na nasa harap ko na parang naestatwa din sa nakita.. Ang weird ng tutang toh..

/End of Flashback/

Kaya ba sya naestatwa ay dahil...

"NAKITA MO ANG HUBAD KONG KATAWAN!! AHHHH!!"

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now