SVT JUN IMAGINE 02 (2)

273 44 0
                                    

#3

Nagising akong nakayakap pa rin sa kanya... Magandang bungad sa umaga ang napaka gwapo nyang mukha 

"Ang bigat..." Rinig kong reklamo nya kaya agad akong napabangon...

"Kanina ka pa ba Gising?"

"Hmmm...Oo.. Kaya nakita ko ang mukha mo habang tulog hahahah.. Nakakatawa" Napatakip naman ako ng mukha

"Tsk... Bakit di ka pa umaalis?"

"Bakit ba pinapaalis mo ko agad...Ayaw mo na ba ako makita" at ngumuso sya sa harap ko

"Hindi naman sa ganun...Pero...Baka hanapin ka na ng ama mo sa palasyo.. Siguradong galit na naman ang Mahal na Hari sayo"

"Pag ba...Umalis ako sa palasyo handa ka bang patirahin ako dito?" Tumingin sya sakin ng seryoso.. Panandalian akong natulala dahil sa ekspresyon ng kanyang mukha

"Tigilan mo na nga yan Mahal na Prinsipe.. Maghahanda lang ako ng umagahan para makakain ka na" Tumayo na ako ngunit laking gulat ko ng bigla nya akong hilain at mapaupo ulit

"Hmm? B-Bakit?" Nagulat na lang ako ng bigla nya akong yakapin

"Ayoko na bumalik...Pakiusap" Narinig ko ang paghikbi nya at naramdaman ko ang patak ng luha nya sa aking balikat

"Mahal na prinsipe..." yun na lang ang nasambit ko...

"Ayoko ng makulong... Gusto kong maging malaya..." Niyakap ko na lang sya pabalik.. Hindi ko alam kung anong pwede kong sabihin para gumaan ang loob nya...

Nagulat ako ng may biglang mag bukas ng pinto at makita ang kawal na galing sa palasyo

"Mahal na Prinsipe..." Mahina kong tawag sa kanya... Naramdaman ko ang pag iling nya... Mas lalo nyang hinigpitan ang yakap sa akin...

"Ayoko... Ayokong sumama!" Sigaw nya...

"Kuya!" Napatingin naman ako sa tumawag... S-Si Prinsipe Dokyeom... Agad akong napatayo at yumuko

"Mahal na Prinsipe..."

"Salamat sa pagpapatuloy sa kanya at pasensya na sa pang gagambala nya"

"Hindi ako sasama..." Narinig kong sabi ni Prinsipe Junhui...

"Kuya bakit ba ayaw mong sumama? Gusto mo bang maparusahan ni Ama?"

"Hindi ako sasama tapos!"

"Kuya naman...Bakit ba ayaw mong sumama?"

"Dahil...Hindi ko pwedeng iwan ang kasintahan ko...Dahil...B-Buntis sya..." Naramdaman ko ang kamay ni Prinsipe Junhui sa aking kamay... S-Sandali anong sabi nya? Kasintahan? Buntis? Tumingin ako kay Prinsipe Junhui na kasalukyang seryosong nakatingin kay Prinsipe Dokyeom... Ako ba ang tinutukoy nyang kasintahan? Ano bang nangyayari? Ano ba itong sinasabi ni Prinsipe Junhui? Mukang may hindi magandang mangyayari...

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 😘

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now