SVT JUN IMAGINE 02 (2)

352 48 0
                                    

#2

"Hoy! Anong ginagawa mo jan?" Tinitigan ko sya na kasalukuyang nasa taas ng puno at nagpapahinga...

"Bakit? Bawal na ba akong magpahinga dito sa Taas ng puno?"

"Mamaya mahulog ka jan eh.. Tsaka bakit nandito ka sa gubat? At isa pang bakit ka na naman tumakas sa palasyo?"

"Nag aalala ka ba sakin?" Tumalon sya pababa ng puno kaya napapikit ako.. Baka nabalian sya o ano...  pero nakita kong ayos naman sya pagbaba...

"A-At bakit naman ako mag aalala sayo?"

"Hmmm..." Napahawak sya sa Baba nya at tumingin ng pilyo sa akin

"Siguro dahil gusto mo ako?" Tumawa naman sya ng malakas... Oo Gusto kita... yun ang sigaw ng puso ko pero...

"Minsan talaga Prinsipe Junhui ang kapal din talaga ng mukha mo noh?" Inirapan ko lang sya... Nakita ko naman na sumimangot ang gwapo nyang muka

"Hmmm..Oo nga pala.." May bigla syang nilabas mula sa lalagyanang dala nya... Isang bote ng alak?

"May dala akong alak galing pa ito sa ibang lugar at nalaman kong inimbak ito ng napakatagal...Siguradong masarap toh... Gusto mo bang tikman natin?"

"Paano mo nakuha yan?"

"Malamang sa Malamang...Kinuha ko sa lalagyanan ni ama" Ngumisi naman sya

"Hoy masamang magnakaw"

"Hiningi ko lang naman eh... Dali na inumin na natin" Walang sabi sabi ay bigla nya akong binuhat na parang sako at dinala sa bahay ko... Ang lalaking toh kahit kailan..

"Simulan na natin inumin toh hindi na ako makapaghintay" dali dali syang nagsalok ng alak sa baso na dala nya at inabot sakin ganun din ang ginawa nya sa isa pang baso at sabay kaming uminom

"Uwah... Ang sarap...Matamis sya" Manghang sabi ko... Ngayon lang ako nakatikim ng ganitong klase ng alak

"Hmmm... Gusto mo pa?"Tanong nya na ikina tango ko naman

Ilang oras din kaming nagsalitan ng inom hanggang sa maramdaman kong lasing na ako... Nakita ko rin na namumula na sya halatang lasing na din...

"Hmmm.. Prinsipe Junhui... Bakit ba laging sa lugar ko ikaw nagtatago?"

"Hmmm...Hindi ko alam... Siguro sa lugar mo lang ako komportable..." Napatingin naman ako sa kanya at nakitang pumupungay na ang kanyang mga mata.. Dala na rin siguro sa kalasingan ay inaantok na sya...

"Prinsipe Junhui Bumalik ka na kaya sa--- Oh?" Nagulat ako ng bigla syang humiga sa mga hita ko

"P-Prinsipe J-Junhui" Pero imbes na sagutin ako ay nakita kong nakatulog na sya...

Napatitig ako sa kanyang maamong mukha at napangiti... Unti Unting bumaba ang tingin ko hanggang sa mapako ang aking mata sa kanyang labi...

Parang may sariling isip ang katawan ko at unti unti akong lumapit sa kanya... Konti na lang ay lalapat na ang labi ko sa labi nya ng bigla syang magsalita

"Ayoko na... Gusto ko ng maging malaya..." Nakita kong tumulo ang kanyang mga luha mula sa kanyang mata...

"Prinsipe..."

"Ayoko na dito... Palayain nyo na lang ako..." Sa pagkakataong ito ay humahagulgol na sya... Hindi ko alam ang gagawin ko... Pero nakita ko na lang ang sarili ko na niyakap sya...

Ano bang totoong nangyayari sayo Mahal na prinsipe... Gusto kong malaman... Gusto kong matulungan ka...


----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 😘

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now