SVT JEONGHAN IMAGINE 02 (12)

127 10 0
                                    

#4

Nasa loob ako ng kwarto ko at inaayos ang mga damit ko sa maleta.. Hindi ako nag aayos ng gamit dahil babalik ng Japan.. Kundi titira ako sa bahay ni Jeonghan.. Bakit ba wala akong choice na maisip sa ngayon..? Kaalanan talaga to ng katangahan at kasinungalingan ko..

"Oh? Y/N? Anong ginagawa mo?" Tanong ni Seungkwan na kakarating lang..

"Hindi ba obvious? Nagiimpake syempre.. Nakikita mo naman eh.. May mata ka di ba?"

"Bakit? Saan ka pupunta? Balik ka ng Japan? Hindi mo na ba kayang panindigan katangahan mo?" Pinaningkitan ko sya ng mata at inirapan

"Hindi ako babalik ng Japan.. Ewan ko sa Yoon Jeonghan na yun.." Irita kong sagot.. Wala pang nang blackmail sakin ng ganito sa buong buhay ko.. Pero Y/N derve mo naman tong nangyayari sayo masyado ka kasing sinungaling

"Saan ka nga pupunta..?" Huminga ako ng malalim at tumingin sa direksyon nya..

"Dun daw muna ako mag stay sa bahay nya.. Sa ganung paraan daw mas magiging convincing ang acting namin" Ilang segundo nya akong tinitigan bago sya muling sumagot

"Pumayag ka?"

"May choice ba ako?" Napahinga ako ng malalim..

"Mag iingat ka ah.. Kahit paborito ko pang actor si Jeonghan napaka misteryoso nya pa din para sakin.. Good luck at sana makabalik ka ng buhay dito.. Pero kung sakaling di ka na makabalik ng buhay bobonggahan ko ang lamay mo promise" Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa huling sinabi nya. Parang gusto akong patayin ng g*gong to ah

"Alam mo minsan gusto na lang kitang sakalin para mauna ka ng mawala.." Nilagay ko na ang huling damit sa maleta ko.. Narinig ko ang busina ng kotse galing sa labas ng bahay ni Seungkwan.. Nandito na yata yung tinutukoy ni Jeonghan na susundo sakin

"Tulungan na kita magdala dyan sa maleta mo para atleast sa huling pagkakataon matutulungan kita" Hinampas ko ang balikat nya at inirapan.. Nauna na akong maglakad sa kanya palabas ng kwarto

"Tang*na mo talaga Boo Seungkwan" Binuksan ko ang pinto at nakita sa harap ko ang isang lalaking naka black suit.. Gwapo sya actually hindi ko maiwasang mapatitig ng ilang segundo sa mukha nya

"Ms. Y/N.." Nag bow sya sa harap ko kaya naman nag bow din ako.. May katangkaran sya at ang cute din ng ngiti nya..

"Hello? Ikaw ay?" Malawak syang ngumiti

"Ah.. Ako ang personal driver ni Mr. Yoon.. Sabi nya ako na daw ang sumundo sayo at magdala sa bahay nya" Ang gwapong Grim Reaper naman nito.. I mean Driver..

"Ahhh.. Ikaw pala.. Nice to meet you.." muli akong nag bow sa harap nya

"Ako na po magdala sa Maleta nyo" Inabot naman ni Seungkwan ang maleta ko sa lalaking nagpakilalang driver ni Jeonghan..

"So ano.. Ito na ang ating huling pagkikita.. Goodluck at kitakits sa next life" Gusto ko sanang suntukin si Seungkwan pero inunahan na nya akong yakapin.. Wala na akong nagawa kundi yakapin din sya pabalik...

Ilang minuto lang kaming nagpaalam sa isa't isa saka sumunod sa Driver at pumasok sa loob ng sasakyan.. Tahimik akong nakatingin sa labas ng bintana.. Tanging ang ingay sa radyo lang ang pumapagitna sa katahimikan..

"Lee Seokmin nga pala ang pangalan ko.. Pwede mo kong tawagin na Seokmin.." napalingon naman ako bigla sa kanya ng bigla syang magsalita..

"Nice to meet you.. Y/N ang pangalan ko.." Huminga sya ng malalim at tumingin sakin gamit ang rear view mirror.. Ngumiti sya at muling tumingin sa harap..

"Nakakagulat malaman na magagawa ni Mr. Yoon ang ganitong plano para lang layuan sya ng babaeng iritang irita sya.. Parang lalabanan nya ng babae ang isa pang babae" Natatawa nyang kwento

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now