SVT SEUNGKWAN IMAGINE 02 (6)

275 13 0
                                    

#2

Last week ng sinabi ni Seungkwan sa parents ko na nililigawan nya ako... Sobrang nakakatawa yung confession nya at hindi ko din makalimutan.. Hanggang ngayon hindi pa din maalis sa isip ko ang nangyari

~FLASHBACK~

Sabado ng umaga at Day off ko ngayon sa trabaho.. Sa wakas pwede akong matulog ng buong maghapon..

"Anak yung kaibigan mong gwapong bading nandito!" Tawag ni mama mula sa labas ng kwarto ko... Napatingin ako sa Wall clock ko.. Ang aga naman nyang pumunta dito.. 8 am palang ah.. Tsaka ano namang gagawin nya dito?

Huminga ako ng malalim... Kesa sa mag monologue ako mag isa ay bumaba na ako ng kwarto.. Gulo gulo pa ang buhok ko dahil nga sa bagong gising pa ako

"Kahit kailan talaga di ka marunong mag ayos" Salubong ni Seungkwan sakin.. Napatitig naman ako sa kanya mula ulo hanggang paa.. Nakaayos sya.. Ang gwapo nya.. At ang suot nya ang manly nya tignan.. At.. Ang bango bango nya pa.. Anong meron?

"Hoy gaga ka baka matunaw ako" Hinila nya ako at ini upo sa sofa.. Inayos nya naman ang buhok ko gamit ang suklay na dala nya.. Mas kumpleto pa nga gamit nya sakin na pambabae

"Bakit ka naparito Seungkwan? At nakapagtataka bakit naka panlalaki ka ata ngayon... Straight ka na ba?" Natatawang tanong ni Mama at nilagay ang hinanda nyang kape para sakin at kay Seungkwan... Matagal na kaming magkaibigan ni Seungkwan kaya kilala na sya ng parents ko pareho

"Tita naman.. Bawal na ba akong pumorma ng panlalaking damit?" At ngumuso naman si Seungkwan

"Nako Seungkwan kung ikaw magpapakalalaki ka at liligawan ang anak namin... papayag ako" Sabi ni papa na kakarating lang galing sa pag gagarden sa likod ng bahay

"Talaga Tito? Di nga?" Parang nagningning ang mata ni Seungkwan..

"Oo.. Mabait ka at---"

"Nililigawan ko po si Y/N dalawang linggo na po ang nakakalipas" nasamid naman ako sa kape na iniinom ko dahil sa sinabi ni Seungkwan

"H-Ho--" Pero nagulat na lang ako ng biglang tumawa sila mama at papa sa sinabi nya.. For sure hindi sila naniniwala.. Pero di nila alam na seryoso tong baklang toh

"Hay nako Seungkwan.. Ikaw bata ka kahit kailan hindi ka pumalyang patawanin kami" Sabi ni Mama habang tawa ng tawa...

"Tita naman hindi ako nagbibiro" At ngumuso pa sya sa harap ni mama

"Sige nga patunayan mo nga.. Halikan mo nga ang anak namin" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Papa.. Tatay ko ba talaga toh?.. Napatingin ako kay Seungkwan na nakatingin din sakin at namumula..

"Oh.. Sabi ng papa mo toh ah" at bigla na lang nyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at idinampi ang labi nya sa labi ko.. Eto ang pangalawang pagkakataon na idinampi nya ang labi nya sa labi ko... Nang humiwalay sya sakin ay hindi ko mapigilang matulala at mapahawak sa labi... Napatingin ako sa direksyon nila mama na pareho pang nakanganga dahil sa nasaksihan

"Tito! Tita! Ayan na napatunayan ko na ah!" At nagpacute pa sya sa harap nila mama..

"Ikaw!" Bigla na lang inirolyo ni papa ang dyaryong nasa harap nya at hinampas kay Seungkwan

"Teka tito sandali.. Sabi nyo kasi eh halikan ko sya para patunayan"

"Teka Seungkwan kelan ka pa naging lalaki?" Tanong ni Mama

"Tita naman.. I'm still pretty and Fabulous! Ewan ko po dito sa anak nyo.. Ginayuma yata ako" At ngumuso pa sya

"Aba! Kailan kita ginayuma" protesta ko sa sinabi nya

"Sigurado ka ba Seungkwan sa sinasabi mo?" Umupo ulit si papa sa sofa at biglang naging seryoso

"Opo Tito.. Mahal ko po itong anak nyo kahit na mas maganda ako sa kanya"

"Ayokong saktan mo ang anak ko... Nasa tamang edad na kayo pareho.. Kapag nalaman ko na mambabae k--"

"Papa Correction po.. Manlalaki po" pagtatama ko sa sinabi ni Papa

"Ahemm.. Manlalaki.. Humanda ka sakin"

"Promise po hindi ko po sasaktan ang anak nyo..." Ngumiti naman pareho ang parents ko

"Pumapayag kami na ligawan mo sya.. Basta ang pinag usapan natin" Tumango naman si Seungkwan ng ilang ulit saka ngumiti..

~END OF FLASHBACK~

"Hoy!! Kanina ka pa ba naghihintay?" Ngumuso naman sya..

"Hmm.. Hindi naman"

"Hehe.. Eto nga pala" Bigla nya akong inabutan ng bouquet of flowers.. Ang sweet..

"Wow.. Kailan ka pa natuto magbigay ng bulaklak"

"Natutunan ko sa mga naging Ex kong Jowa" Nag flip hair pa sya sa imaginary hair nya

"Bakit mo nga pala ako pinapunta dito sa park?"

"Hmm.. Di ako mapakali eh... Hindi kita nakita maghapon"

"Magkasama tayo kahapon maghapon"

"Kahapon yun hindi ngayon"

"Hay.. Kahit kailan.." Napailing na lang ako sa sinabi nya...

Halos naikot na namin ng pabalik balik ang park... Kahit kailan ang daldal nya..

"Hoy 9pm na oh Uuwi na ako"

"Hatid na po kita" Hinawakan nya naman ang kamay ko... Napangiti naman ako.. Ang bilis ng tibok ng puso ko.. Nagsimula na kaming maglakad pauwi..

"Seungkwan... Sigurado ka ba na gusto mo ako?" Out of nowhere kong tanong sa kanya

"Duda ka pa din ba? Gusto mo ulit patunayan ko?"

"Wag na oo na naniniwala na ako..." Napangiti at napailing ako sa kanya..

"Nandito na po tayo...Mami miss po kita... Pakisabi kila tita hinatid kita ah" Ngumuso pa sya kaya natawa ako ng konti..

"Oo na! Oo na!" Bigla naman nya akong hinila at hinalikan sa noo

"Goodnight na po" Malambing nyang sabi

"Oo na Oo na! Umuwi ka na nga.. Goodnight din po" He chuckled

"Sige na uuwi na ako.. Baka pagalitan na din ako ng aking father.. bye bye na po!" Naglakad na nga sya palayo.. Sinundan ko sya ng tingin.. Ang baklang yun.. Bumalik na talaga tong nararamdaman ko sa kanya..

"Y/N..." Napalingon naman ako sa tumawag sa pangalan ko..

"Hi.." He smiled... After 2 years.. He's back..

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 😘

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now