SVT SEUNGKWAN IMAGINE 02 (6)

262 16 0
                                    

#3

"Y/N ok ka lang ba? Bakit parang ang tamlay mo?" Tanong ni Seungkwan ng makarating sa kwarto ko...

"Seungkwan... Ano... Naalala mo pa ba si Seokmin?" Bigla na lang nya hinawakan ang balikat ko

"Bakit? May ginawa ba sya sayo? G*go yun ah!"

"Kumalma ka nga!" Huminga ako ng malalim at pinaupo sya sa tabi ko

"May ginawa ba sya sayo? Teka.. B-Bumalik ba sya? May sinabi ba sya sayo?" Sunod sunod nyang tanong.. Huminga ako ng malalim at dahan dahan na tumango

"Seungkwan.. Kagabi nagusap kami at--"

"Y/N paano na ako?" Bigla na lang syang umiyak at niyakap ako

"S-Seungkwan T-Teka.."

"Pag binalikan mo sya.. Paano na ako? Paano na akong gustong magmahal sayo"

"Teka linya yan sa pelikula ah?"

"Ahh.. Basta! Y/N... Mahal na Mahal na Mahal kita!" Bigla na lang nyang hinigpitan ang yakap sakin kaya hindi ako nakahinga

"T-Teka Seungkwan hindi ako makahing--" Bigla na lang naputol ang sasabihin ko ng bigla nya akong hinalikan.. Isang mabagal at mainit na halik...

"Please...Wag...Kang... Babalik...Sa.. Kanya.. Please" At patuloy lang sya sa paghalik... Kusa na lang akong tumugon sa mga halik na binibigay nya ng biglang--

"Anak naghand---" Bigla ko na lang natulak si Seungkwan

"M-Mama!"

"Hindi ko alam na may ginagawa pala kayong kababalaghan.. Sa susunod ilock nyo yung pinto ah" Tapos nilapag na ni Mama yung cookies at orange juice na hinanda nya.. At sinarado ang pinto..

Kapwa kaming namumula ni Seungkwan at magkalayo sa isa't isa

"Y/N..Ano.." Naramdaman ko ang kamay nya na humawak sa kamay ko... Napatingin naman ako sa kanya..

"Mahal kita...Sobra.." Bigla na lang nya akong niyakap pero sa pagkakataong toh sobrang warm ng yakap nya... Nararamdaman ko ang tibok ng puso nya kaya hindi ko maiwasang mapangiti...

"Seungkwan..."

"Hindi kita mamadaliin basta..Please.. Give me a chance Please..." Lumayo sya saka hinawakan ang pisngi ko

"Mahal kita Seungkwan..." Napatigil naman sya sa sinabi ko...

"T-Totoo?" Umiwas ako ng tingin sa kanya.. Sobrang namumula yata ako

"Ibig sabihin tayo na?" Ang kaninang malungkot nyang mata ay nagningning na lang bigla.. Tumikhim muna ako bago tumango

"Pero... Anong pinagusapan nyo ni Seokmin?" Ngumiti naman ako sa kanya

~FLASHBACK~

"Y/N.. I'm sorry!" Huminga ako ng malalim at tumitig sa kanya

"Kamusta ka na?" Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko

"Y/N.. Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko..." Yumuko ako at tumitig sa kamay nya na nakahawak sa kamay ko

"Ikakasal na ako.." Napatigil ako sa sinabi nya.. Dapat na makaramdam ako ng sakit at kirot pero hindi.. Wala akong nararamdaman na kahit ano.. Dahil ba ang puso ko ay pag mamayari na ng iba?

"Masaya ako para sayo" Sambit ko at ngumiti sa kanya

"Y/N... Galit ka ba?" Ngumiti ako sa kanya bago umiling

"Dapat makakaramdam ako ng galit... Pero.."

"Pero?"

"Naalala mo pa ba si Seungkwan?" Ngumiti naman sya

"Oo naman.. yung bakla mong bestfriend.. Yung sumabunot sakin nung pinaiyak kita nung nag away tayo dati" Natawa naman ako bigla sa sinabi nya

"Nililigawan nya ako" Bigla na lang namilog ang mga mata nya sa gulat.. Alam kong magiging ganito ang reaksyon nya

"Eh? S-Seryoso?"

"Alam kong hindi kapani paniwala pero.. Oo.. nililigawan ako ng baklang yun"

"Mahal mo na ba sya?" Napaisip ako.. Ano nga bang nararamdaman ko para sa kanya? "Masaya ako para sayo.. Ah.. Nagpunta ako dito para ibigay toh" Bigla naman nyang inabot sakin ang isang Invitation card

"Oh? Invited ako?" Tumango sya

"Kahit papaano naging magkaibigan tayo di ba?" Ngumiti naman ako sa kanya at tumango... Nag kwentuhan lang kami ng gabing yun..

Matapos naming mag usap ay pumasok na ako sa bahay.. Bigla kong naalala ang tanong ni Seokmin kanina.. Mahal ko na nga ba sya?

~END OF FLASHBACK~

"Ayaw mo kong patapusin kanina eh"

"Ikakasal na pala sya.. tayo din pakasal na tayo" Binatukan ko naman sya bigla..

"Kakasagot ko lang sayo kasal ka dyan"

"Pero.. Magpapakasal tayo ah!" At niyakap nya ako

"Eh paano kapag may magandang babae ka pang makita bukod sakin"

"Excuse me.. Lalaki hindi babae"

"E di lalaki"

"Haharutin ko" Hinampas ko naman ang balikat nya

"Joke lang.. Ikaw lang po ang mahal ko okay?" Kinilig naman ako sa sinabi nya... Ano bang ginagawa ng baklang toh sa puso ko

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 😘

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now