SVT DOKYEOM IMAGINE 02 (8)

162 7 1
                                    

#4

Dokyeom's POV

"Y/N!" Sigaw ko ng nasa loob na ako ng gubat. Nagdala ako ng flashlight at walis. Hindi naman pwedeng wala akong dalang sandata mamaya may tigre pala dito o kaya naman Oso "Y/N nasan ka!" Sigaw ko... Pero isang kaluskos ang nakaagaw ng pansin ko. "S-Sinong nand--- AHHHH!" Nahampas ko bigla ng dala kong walis yung kumalabit sakin

"Aray!" Napahinto ako ng makilala ang boses

"Y/N! ligtas ka!" Bigla ko syang nayakap dahil sa tuwa. "Akala ko talaga may nangyari ng masama sayo nag alala ako ng sobra" Bigla syang natulala. Teka may mali ba akong nasabi?

"N-Nagaalala ka sakin?"

"Oo naman syempre kaibigan kita" Ngumiti pa ako kasabay ng paggulo ko sa buhok nya

"Pinagtabuyan na kita pero bakit ganyan ka.." Nakikita ko ang unti unting pagpatak ng luha nya kaya agad ko syang niyakap.

"Y/N kahit ilang beses mo pa akong ipagtabuyan kaibigan pa din kita. Kung walang naniniwala sayo tandaan mo na lagi lang akong nandito maniniwala ako sa lahat ng sasabihin mo pangako.." Hindi ko sya narinig na sumagot pero naramdaman ko ang pagyakap nya pabalik sakin.

Ilang minuto din nagtagal bago ako humiwalay sa yakap at tumingin sa kanya. Pinunasan ko ang mga mata nya saka ngumiti sa kanya

"Wag ka na umiyak nababawasan ang ka cutan mo" Bigla naman syang napangiti. Pero biglang naging weird ang tibok ng puso ko ng ngumiti sya. Biglang bumilis ang tibok nito pero hindi naman ako kinakabahan hindi naman ako pagod o natatakot.. Kakaibang tibok sya pero ang sarap sa pakiramdam..

"Salamat.. Medyo gumaan na ang loob ko" Napa kurap ako ng ilang beses ng magsalita sya.

"Ah.. Wala yun. Kamusta ka pala? May nangyari ba sayo? Narinig ko ang pagsigaw mo kaya napasugod ako dito"

"Ahh.. Kasi nung pabalik na ako may nakita akong gagamba ang laki kasing laki ng kamay ko" Pinakita nya pa ang palad nya. Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya. Ang cute nya habang nagke kwento.

"Hay.. Akala ko naman inatake ka na ng oso. Tara na balik na tayo." Hinawakan ko ang kamay nya at sabay na kaming naglakad papunta sa camp site. Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad.

"Ang ganda ng langit noh?" Napatingin naman ako sa langit. Tama sya madaming stars at ang ganda din ng buwan. "Dokyeom?" Napabalik ako ng tingin sa kanya.

"Hmm? Bakit?"

"Yung kamay ko" Napabitaw naman ako agad at biglang namula.

"Sorry. Sige na pasok ka na" sabay turo ko sa tent nya.

"May gusto muna akong ipakita sayo" Binuksan nya ang tent nya saka pumasok sa loob pero bigla din syang lumabas.

"Bakit Y/N?" Tanong ko ng mapansin ko ang mukha nyang natataranta

"Y-Yung bag ko kasi nawawala.."

"Eto ba hinahanap mo bampira?" Napalingon naman kami ni Y/N sa biglang nagsalita.

"Joan bakit m--" Napahinto naman ako ng ibaliktad ni Joan ang bag ni Y/N kaya nahulog ang mga gamit nito. Napansin ko na ang daming strawberry milk sa bag nya.

"Gusto mo Dokyeom?" Biglang dinampot ni Joan ang isang box ng strawberry milk at binuksan. pero bigla nya rin tong tinapon at lumabas ang malapot na kulay pula na likido.. Itsurang Dugo..

"Dugo?" Tanong ko sabay tumingin kay Joan.

"Naniniwala ka na bang bampira ang babaeng yan? Sa likod ng maamo nyang mukha mamamatay tao pala sya" Lumingon ako kay Y/N na tahimik lang na nakayuko. Huminga ako ng malalim at muling tumingin kay Joan

"Kaibigan ko si Y/N at kahit na bampira man sya o hindi kaibigan ko pa din sya hindi na yun magbabago" Lumingon ako kay Y/N at ngumiti.

"Tsk. Nababaliw ka na! Mapapahamak ka lang sa ginagawa mo!"

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Ms.Chou na halatang kakagising lang

"Ms.Chou.."

"Ms.Joan bumalik ka na sa tent mo" Hindi na lang umimik si Joan at bumalik na sa tent nya. Naglakad si Y/N papunta sa bag nya at inayos ang mga gamit na nahulog mula sa bag nya.

"Dokyeom wag kang maniwala sa mga kumakalat na balita tungkol sa kanya.. Mabait na bata si Y/N ok?" Ngumiti ako saka tumango sa sinabi ni Ms.Chou

"Naniniwala po ako sa kanya. Naniniwala akong biktima lang din sya"

"Tulungan mo na sya at magpahinga na kayong dalawa.." Tumango ako saka lumapit kay Y/N para tulungang ayusin ang gamit nya.

"Hindi ka pa rin ba natatakot?"

"Hindi.. Dahil naniniwala ako sayo" Iniangat nya ang tingin nya sakin at ngumiti

"Salamat.."

"Tara magpahinga na tayo" Yaya ko sa kanya. Tumango sya saka pumasok sa tent saka ako sumunod sa kanya at pumasok din.

"Teka dito ka matutulog?"

"Hmm.. Tulog na kasi si Julian eh baka magising ko sya pag dun ako natulog tsaka tatlo din kami sa loob eh kaya masikip" She blink her eyes.

"Sigurado ka ba?"

"Kung hindi ka komportable ok lang n--"

"Hindi ok lang naman kaso baka kasi mailang ka"

"Hmm? Bakit?" Bigla nyang kinuha ang bag nya saka may kinuha na strawberry milk.

"Iinom ako nito baka.. Mandiri ka.. Alam mo na naman laman nito di ba?"

"Ayos lang.." Ngumiti ako sa kanya. Pero ang totoo nyan may takot ako sa dugo. Ayokong nakakakita ng dugo. Pakiramdam ko kasi galing sakin yung dugong nakikita ko.

"Sure ka ah?" Tinusok nya ang straw na hawak nya sa box ng strawberry milk. Kitang kita ko ang dugong iniinom nya lalo na at clear ang straw.

"May itatanong ako" Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa nakikita kong pag inom nya.

"Hmm? Ano yun?"

"Bakit ka umiinom ng dugo?"

"Maniniwala ka ba sakin pag sinabi ko?" Tumingin ako sa kanya saka tumango at muling iniwas ang tingin. "Nagsimula ang pag inom ko ng dugo nung 10 years old ako" Muli akong napalingon sa kanya

"Hmm? Bakit?

"Familiar ka ba sa Reinfield's Sydrome?"

"Hmm hindi eh.. Bago lang sya sa pandinig ko"

"Psychological Syndrome yun. Naniniwala ang katawan ko na ang dugo ang nagpapalakas ng katawan ko" Pagpapaliwang nya. Napatango naman ako sa sinabi nya.

"I see.. So hindi ka bampira?"

"Nakita mo ba akong nagkapangil o kaya naman naging paniki?"

"Umiinom ka ba ng diretso sa katawan ng tao?" Umiling sya

"No! Kadiri kaya." Bigla naman akong napangiti.

"Tama ako at hindi kita agad jinudge"

"Salamat ah.." Nakita ko naman syang humikab at nagkusot ng mata.. Inaantok na sya

"Matulog ka na" Nakangiti kong sabi sa kanya

"Hindi ka pa matutulog?"

"Pagkatulog mo matutulog na din ako" Tumango sya saka nahiga. Nang ipikit nya ang mga mata nya ay saka ko sya tinitigan ng maigi.

Hindi dapat nya maranasan na I-hate sya ng lahat. Dapat makagawa ako ng paraan para mag iba ang tingin sa kanya ng lahat. Na mabuting tao talaga si Y/N at mali ang iniisip nila tungkol sa kanya. Kaya mo to Dokyeom! Fighting!!

----------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE COMMENT 📜 😘

SEVENTEEN IMAGINES IIWhere stories live. Discover now