"Uy Accuis, anong nangyayari sayo?"-tanong ko sa kanya pero nagulat ako sa sunod niyang sinabi.

"I love her Elisana, I love her so much. I can't do anything without her. I miss her presence"

Napa move backward ako dahil sa sinabi niya, kahit anong gawin kong pag-aalala ay hindi niya nakikita dahil ang nakikita lang niya ay si Tenleigh.

Napangiti ako nang mapait, at saka tinapik siya sa balikat.

"Babalik din sila, una na ako"-mahinang saad ko at naglakad na papalabas sa cafeteria.

Masakit pa rin pala, ikaw na nga ang nandon para sa kanya, iba pa rin ang hinahanap niya.

Third Person Point Of View

Takang taka ang lahat habang nakatingin sa isang babaeng kanina pa pabalik-balik sa escalator habang tuwang tuwa ito.

"Mommy ngayon lang po ba siya nakasakay sa escalator?"

"Saan galing yang babaeng yan?"

"Takas mental ata yan"

"Uy bes, tignan mo oh, parang baliw lang?"

"Tatawagan na ba natin ang Mental Hospital para kunin yang babaeng yan?"

"Uy, wag! Tayo pa magbabayad eh"

"Sayang, ang ganda pa naman niya"

"Omg! Sayang ang ganda atech! May sira ata ulo"

"Ano gawa babae?" (Bombay mode)

"Mommy, ano pong nangyayari sa kanya?"

"Wag na wag mong tutularan anak"

"Siguro nabaliw dahil iniwan ng jowa"

"Kawawa naman siya"

"O baka 'di na siya mahal ng family niya"

"Edi kawawa ulit siya"

Napuno ng bulungan ang paligid ngunit patuloy pa rin ang babae sa ginagawa niyang paglalaro sa escalator.

Sa isang banda naman ay nahihiyang naglalakad papalayo ang mga kasama niya dahil sa kahihiyang ginagawa niya.

"You patahimik her"

"No way! Nakakahiya"

"Go fetch her"

"No way"

"Why kasi you don't kita kita her Elliott!"

"She removed my hand"

"Arrghh you guys are so nakakahiya!"

"Whatever Tenleigh. Ikaw na lang kaya kumuha sa kanya"

"Why ako?! I'm not her mamang!"

"Why don't you just hack their system Tenleigh then turn off all the lights."

"That's a good idea Elliott. Mahahatak natin siya nang walang nakakapansin"

"Persephone will be the one who will fetch her"

"Yeah..... Whatever..."

"Wait, if we gagawin 'yan. Are they not taka taka that the baliw on the escalator is nawala in just a one kurap?"

"Yeah, magtataka sila kung bakit bigla siyang nawala"

"We don't have a choice, let's do the jack n poy"

"No way, what if ako ang ma lose? No way!"

"No exception"

"All of us will participate"

"Naman!"

"That babae really ginagalit me! I'm handa handa na to sabu-sabunot her hair!"

"Bato bato pic!"

Adrianna Rose Campbell POV

Omg! Ang galing talaga nito, pano kaya to ginagawa? Ano nagpapagalaw? Omo! Ang ganda! Bakit walang ganito sa Magic World? Unfair naman!

May mga nakikita rin akong mga rectangle na mga shape na iba iba ang kulay tas may kumikislap-kislap pa at yung mga tao para silang nagtatawanan na hindi ko alam kung sino ang nagpapasaya sa kanila. Ganito ba rito sa mortal world?

"Hey! You babae! You are dapat nasa inside of mental hospital! You kakahiya you!"

Nagmamadaling naglakad si Tenleigh at dali-dali akong hinatak papalayo sa lugar na yun.

"Awww. Gusto ko pa don eh!"

✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳

Ohhh yeah. Sa wakas makapag-update rin. Salamat sa pag-aantay. Mag antay ulit kayo ah! Ahahha

Thank you guys kasi nanjan pa rin kayo para sa akin.

Love you guys. Na miss ko kayo. Kiss niyo nga ako!

Keep safe muah!

The Soul KeeperWhere stories live. Discover now