CHAPTER 16 - Meet the new Prof

Start from the beginning
                                    


Hindi ako sigurado pero parang si Anne yung nakasakay sa passenger seat kaya naman huminto ako at pinihit yung sasakyan ko para sundan sila. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa pero may kung anong nag uudyok sa akin na sundan sila at siguraduhin ang hinala ko dahil tiyak na pag sisisihan ko pag hindi ko man lang inalam.

Nakasunod ako sa kanila ngayon pero medyo malayo ang distansya. Nang makarating kami sa high way ay palayo ng palayo ang distansya noong kotse nila sa kotse ko, hanggang sa 'di ko na sila nasundan kaya minabuti ko nalang na dumiretso sa pinaka malapit na pwedeng tigilan at inihinto roon ang kotse ko at tinawagan si Anne pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.

Maya maya pa ay may nag text sa akin.

From: Anne

Joseph, sorry, can't answer your call right now. Nasa library ako. Do you need anything?

Pag kabasa ko ng text niya ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Baka nga hindi si Anne iyong nakita ko, so I just replied to her.

To: Anne

Nothing in particular, just checking on you.

Have a good day. Ingat.

After that I drove back to the office.

+++

MIGS

Andito ako ngayon sa Dean's office kasama sila Rico, nag pa transfer kasi kami ng class. Ang boring kasi nung Art App (art appreciation) prof namin eh kaya pinilit ko sila na magpalipat sa class nila Anne since same lang yung schedule. Kaya eto, ginagamitan namin ng charm ni Rico ang aming Dean para payagan kaming makalipat at buti nalang effective kaya pinayagan kami.

Paalis na sana kami ng pigilan kami ni Dean.

"Wait Mr. Marasigan and company, since Art App narin naman iyong next class niyo, hintayin niyo na iyong bagong prof na mag tuturo sa class niyo." Sabi sa amin ni Dean.

"Bagong prof ma'am?" tanong ni Nikkoz.

"You heard me right Mr. Advincula, I believe na meet niyo na siya." sagot ulit ni Dean.

Maya maya pa ay bumukas iyong pinto ng office at nakita naming pumasok si Andrew.

"Oh, ayan na pala ang bago niyong prof eh." Nakangiting usal ni Dean.

Well, nabanggit na daw kila Rico ni Dean na prof siya sa school noong incident last time pero di namin alam na siya iyong Art App prof. If I know gusto niya lang bantayan si Anne.

Si Nikkoz at Paolo parang tanga lang, gulat na gulat eh samantalang nagkita na naman kami sa ospital noong dinala niya si Anne sa kwarto ko.

"Good morning dean, I believe my class start in 10 minutes? I just drop by to get the student's list." Bati niya kay Dean at napatango naman siya ng mapatingin sa direksyon namin.

"Indeed, it is Prof Chua, and oh, before I forgot, kindly add the names of these students in your class list." Tapos ay tumingin sa amin, "Students, accompany your teacher to your designated room." Utos sa amin ni Dean.

"Okay dean" sagot ko.

Paglabas namin ng office, nauna nang naglakad sila Nikkoz habang ako naman ay sinabayan si Andrew, I mean sir Andrew, sa paglalakad.

"Migs, am I right?" tanong nya sakin.

"Yes?" alangang sagot ko.

"Thanks for taking care of my princess. I know that you know about our relationship. Please keep it a secret." Nakangiting pahayag niya pero tila di ko mabasa ang tinatakbo ng utak niya. Ganyan ata talaga pag lumaki ka sa isang prestihiyosong pamilya, they will teach you to smile perfectly without letting anyone see what's inside your mind. Rico also has the same smile as him and I swear, it creeps me out every time he uses that smile.

The KeeperWhere stories live. Discover now