"Yeah, binabantayan ko lang siya"-ngiting sabi niya kaya napangiti naman ako.

"Gusto mo talaga siya noh? Accuis"-ngiting tanong ko na ikina-iwas niya ng tingin.

"Yeah. Ahahahha kahit naman kasi maarte siya mabait naman siya talaga"-ngiting sabi niya saka tinignan ang natutulog na si Tenleigh.

Napakagat labi ako at saka binaba sa isang ang dala kong pagkain sa isang maliit na table sa tabi ni Tenleigh.

"Kung magising siya, ipakain mo na lang toh. Sige una na ako"-dali-dali akong lumabas pagkapaalam ko.

Napasandal ako sa pinto pagkasara ko at saka napakagat sa labi.

Ang sakit pala talaga.

Napatakip ako sa aking bibig para walang makarinig sa aking impit na iyak.

Mga ilang minuto na ang nakalipas nang mapagpasyahan kong pumasok na sa kwarto ko pero nakita ko sa 'di kalayuan na nakatingin sa akin si Aiken.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagtatakbo na papunta sa kwarto ko.

"A-ang sakit!"-umiiyak na saad ko habang nakadapa sa aking kama.

Accuis, ba-bakit hindi ako? Bakit 'di ako yung mahal mo? Bakit hindi ako?

Adrianna Rose Campbell POV

"Sabi na nga ba nandito ka"-yan agad ang bungad ko pagkapasok ko sa Dark Mansion. Well yes.

"Eh sabi mo punta lang ako rito eh"-kibit balikat na saad niya kaya napa-iling na lang ako.

"Vien is looking for you, ayiiiehh"-nakangising saad ko habang taas baba ang aking kilay.

"Shut up."-roll eyes na saad niya at saka sumandal sa sofa.

"Bakit 'di ka pumasok?"-tanong ko sa kanya at kinuha ang binibigay sa akin ng isang maid ko na isang inumin.

"Nandon sila eh. Masakit pa rin"-Iwas tingin na saad niya kaya umupo ako sa harapan niya.

"So dahil lang doon kaya ayaw mong pumasok? Sapat bang dahilan iyon para 'di ka pumasok? Sapat bang na dahilan para magmukmok ka at gawing miserable ang buhay mo? May mga bagay pa naman na nagpapasaya sa atin 'di ba? May mga bagay pa naman na meron tayo. Kaya wag kang umasta na parang ikaw ang kawawa sa lahat"-mahabang saad ko at saka ko sinapok ang ulo niya.

"Aray ko naman!"-singhal niya at saka hinimas ang sinapok ko.

"Ahahah come on Persephone, cheer up! Hanap ka nalang ulit"- saad ko na ikinasama ng tingin niya sa akin.

"Ano sa tingin mo, ganon kadali 'yon? Hindi ganon kadali kung mahal mo talaga ang isang tao"-saad niya at saka nagcross arm at tumingin sa malayo.

"Edi magpanggap ka"-saad ko saka tinitigan siya sa magiging reaksyon niya.

Gulat na gulat siyang tumingin sa akin at pinanlakihan niya ako ng mata.

Sabi na nga ba wahahhaha.

"Anong akala mo? Ganon kadaling magpanggap?! Ha?"-sigaw niya sa akin at saka umirap.

Napa-iling naman ako at saka pinaalis ang mga maid na nakatayo sa paligid namin.

"Eh bakit ang mga traydor ang galing magpanggap?"-nagising saad ko at pina-ikot-ikot ang laman ng basong hawak ko.

"Traydor?"-biglang tanong ni Persephone na ikinangisi ko.

Inalis ko ang tingin sa inumin ko at tumingin sa kanya na ngayon ay puno ng pagkalito ang kanyang mukha.

Ngumisi naman ako.

"Yes, traydor, mapaglinlang at iba pa"-ngising saad ko sa kanya at uminom habang 'di ko inaalis ang tingin sa kanya.

"How come?"-hindi makapaniwalang tanong niya habang ang utak niya ay lumulutang na.

"Well, lahat ng tao pwedeng maging traydor Persephone, kahit sa taong hindi mo inaasahang tra-traydor sa lahat"


✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴✴

Question!!!!

Sino ang traydor??

Omg!! School days is waving!
Online class is waving!
Stress is coming!

Huhuhu bakit ganito?
Birthday ko pa naman sa Sept. 13 eh huhuhuhu.

Iniisip ko pa lang ang online class na stress na agad ako.

The Soul KeeperМесто, где живут истории. Откройте их для себя