Chapter27

153 3 0
                                    

Beg....

Mhixiea POV

Pagkatapos akong iwanan ni Ash, ay hindi ko na alam ang gagawin ko, gulong gulo na ako sa mga nangyayare. Patawid na ako ng may malakas na bumusina na isang sasakyan kaya napalingon ako at huminto ang oras ko na  hindi pa nagproproseso saakin ang mangyayare, ng may biglang gumuyod saakin gamit ang  braso ko.

"What are you doing Ella!?" sigaw niya saakin "Are you out of your mind? Balak mo bang magpakamatay?!"

"C-Cole?..."

"Halika muna" Nagpatahak ako sakaniya papasok sa kotse niya. Binuksan niya ang front seat at duon niya ako pinasakay umikot siya para sumakay sa driver seat."I heard what happened Ella" panimula niya.
"Hindi sa nangingialam ako Ella, pero kung ako ang nasa kalagayan ng pinsan ko ay masasaktan talaga ako" Namuo muli ang luha ko at unti unting tumango.

"I'm really sorry" I said.

"Paano mo nasabing ako ang katalik mo ng gabing iyon Ella?"

"Hindi ko alam, hindi ko maalala na si Ash yong kasama ko ng gabing iyon"

"Kung hindi mo maalala bakit ako ang sinabi mong ako ang kasama mo kay Jo at kay soul? Are hallucinating Ella, In that time?"

"Ang tanging naalala ko lang ay ang pagkikita naten sa bar, ayon lamang, kaya ang alam ko ikaw din ang lalaki ng gabing iyon"

Inihinto niya ang kotse at humarap saakin

"Hindi mo ba naalala na sinundo ka ni soul ng gabing yon?"

Umiling-iling ako "Hindi ko talaga maalala"

"All right, I won't force you to remember"

Hindi na ako sumagot at iniyuko nalang ang ulo ko. Hindi ko kayang harapin ang kahihiyan ko ngayon. Naramdaman kong huminto ang sasakyan niya.

"Cole,anong ginagawa naten dito?" tanong ko ng makita kong asa harapan kami ng mansion nila tito lorentz.

"Hanggat maaga pa Ella, harapin mo na si soul wag mong takbuhan ang problema niyo."Sabi niya at  bumaba ng sasakyan. Habang naiwan akong nakatingin sa kawalan. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang bumaba ng kotse.

Kinakabahan man akong pumasok sa loob ay, nilakasan ko ang loob ko para mabuksan ang pinto pero na tigil ang kamay ko sa ere ng marinig ko ang usapan nila.

"Isasama ko si blix sa America dad, I t-think ill be staying there for good, doon kona papalakihin si blix, Yong malayo kay xiea Yong malayo saamin ng anak—what the hell are you doing here?! Sinong nag papasok sayo dito?!" sigaw niya saakin ng makuha niya ang presensiya ko.

"A-Ash San mo dadalhin ang anak ko?" tanong ko sakniya

Bumaba siya sa bar counter at lumapit saakin, nakikita ko sa mata niya ang matinding galit. "Tinatawag mong anak si blix? Eh diba hindi ka nagpapakilalang ina niya?"

Naguguluhan ko Siyang tinignan "Ash, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Babalik nanaman ba tayo sa bagay na yan? Matagal ng tapos yan Ash bat mo pa inuungkit?"

"Ilalayo ko ang anak ko sayo, hanggang sa gustuhin ko,inilayo mo siya ng limang taon saakin xiea, dapat lang na makasama ko siya ng matagal gaya ng naranasan mo"

"Ash, Ella sandali nga lang Naguguluhan ako, kaninong anak ba talaga si blix huh! at bat hindi ko kayo maintindihang dalawa?!"  awat saamin ni tito lorentz.

"Dad, ako ang totoong ama ni blix" sagot ni ash kay tito lorentz at nabakas naman sa mukha ni tito ang gulat ukol sa nalaman niya.

"What the hell is this" bulong na sagot ni tito.

He's part of my soul (R-18) Where stories live. Discover now