Chapter 18

68 3 0
                                    

Mine.


"Hoy!" Napakurap ako ng pumitik si Karl sa harapan ko.

"Kanina ka pa lutang ah," sambit naman ni Clare.

To take care of my wife. "May iniisip lang."

"Sino?" Sabay-sabay nilang tanong. Mga chismoso talaga.

"Si Ocampo ba hindi makakadalaw?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Hindi. May inaasikaso kasi raw siya na trabaho," tugon ni Albert.

"Ang sabihin mo kamo, may nilalandi siya doon." Sabat naman ni Vince.

Ayoko sanang pumunta dito ngayon dahil una sa lahat ay hindi ko pa alam ang lagay ng nilipatan namin at pangalawa ay hindi ko pa naaayos ang nga gamit ko. Pero anong magagawa ko e, nakapag-reserve na sila ng kakainan namin.

"Inggit ka na naman niyan, Vince?" Tanong ni Chrisha.

"Ba't ako maiinggit doon? Sus, sa gwapo kong ito, habulin kaya ito no!" Asik naman ni Vince na poging-pogi sa sarili.

"Anong habulin? Binasted ka nga e!" Umalingawngaw ang sigaw ni Kryst.

Kagaya lang ng dati ay pinagkaisahan na naman si Vince. Dumating na rin ang mga in-order nila na akala mo ay isang angkan ang kakain sa dami.

"Ortiz, ang tahimik mo yata?" Napalingon kaming lahat kay Nate dahil sa sinabi ni Karl.

"Wag mong sabihing binasted ka rin?" Pang-aasar naman ni Vince.

"Paano yan mababasted e walang nililigawan? Tanga mo, Binsitan." Tugon ko.

"Loyal si parekoy!" Sigaw ni Karl.

"Mga ulol!" Tanging sabi ni Nate at nagpatuloy sa pagkain.

Nagtawanan pa ulit kami kaya nakita kong nakikitawa na rin ito.

Matapos naming maghapunan ay may pahabol silang inuman. I don't drink, but occasionally yes, though wine lang. Ang lalakas nilang uminon, kahit si Kryst ay nakailang tagay na rin.

"Don't drink too much, love." Sabi ni Nate at kumindat pa ito sa akin saka nakipagsabayan sa pag-inom sa kanila.

Nasanay na ako sa endearment at sa ka-sweet-an ni Nate kaya hindi iyon nakakabigla. Alam ko rin naman na hindi ito lasing. Knowing him, mataas ang alcohol tolerance nito. Actually lahat sila, maliban kay Kryst na nakakapanibago dahil hindi ko alam na malakas pala itong uminom.

Maging ako na nakatingin lang sa kanila ay naglaway sa isang baso na nasa harapan ko. Hindi ko pa ito nakakalahatian.

Gusto kong uminom ang kaso ay nangangapit sa akin ang sinabi ni Nate. Ewan ko ba, pero parang babala iyon.

"Excuse me, sagutin ko lang 'to." Paalam ni Nate habang nakaturo sa phone niya.

Nang makatlikod na ito sa gawi namin ay nilagok ko agad ang isang basong alak. Gusto kong masuka sa lasa. Nakakahilo masyado.

Nang makabalik si Nate ay tumingin agad ito sa akin at nginitian ko lang. Ang cute niya. Sarap pisilin ng pisngi.

"Did you drink?" Tanong nito pero umiling lang ako. Bumaba ang tingin niya sa baso ko na wala ng laman kaya mas nginitian ko lang ito at nag-peace sign.

"Are you drunk?" Umiling lang ulit ako.

"Sinabi ng wag uminom, ang tigas ng ulo." Pa-iling-iling nitong sabi.

Nakita ko ang pagtaas ng kamay niya para hingin ang bill sa waiter.

"This is my party, I should be the one paying." Asik ko pero huli na dahil naibigay na niya ang kanyang card sa lalaki.

The Mistaken Ace (Vergara Series 1)Where stories live. Discover now