Chapter 15

53 3 0
                                    

Broken.



"D-dad?!"

Marahas niya akong hinablot doon pero marami ang tao at ayaw kong mapahiya kung saka-sakali man kaya binawi ko ang kamay ko.

Nakalabas na kami ng elevator at mukhang kakaladkarin niya ako ulit kaya binawi ko ulit ang kamay ko at nang susubukan niya sa pangatlong beses ay nahawi ko agad iyon dahilan ng pagbagsak ng laptop ko.

"Work!" Narinig kong sigaw ng isang babae. Mukhang iyon ang department head rito. Kaya imbes na daluhan kami ng maraming tao ay nagdibalik sila sa trabaho na parang walang nakita o narinig.

Lumuhod ako ng pabagsak at hindi ko man lang inisip na masasaktan ako o nakapalda ako. Ang inaasahan ko lang ay masasaktan ako dahil sa pagbagsak ng tuhod ko sa sahig, pero napakagat ako sa labi ko ng maramdamang tila ay nasugatan ako.

"Marrian!" Saway ni Dad.

Pinulot ko ang laptop ko kasama ang ilang maliliit na bahagi na nahiwalay. Basag na ito ngunit hindi pa naman ganoon naghiwa-hiwalay. The laptop that I precious the most is broken. Magaling!

Tumayo ako na parang walang nangyari at dala-dala ko pa ang basag na laptop. I press the elevator button para sana sumakay pero hinawi ako ni Dad at humarang doon.

"Mag-uusap tayo."

Hindi na ako nagsalita dahil nagtitimpi ako. Kahit na walang may kasalanan sa pagbagsak ng laptop ko ay siya pa rin ang dahilan. Kung hindi lang niya lang ako kinalabit pa ay sana hindi ko ito maihuhulog.

"You can use the stairs kung mapilit ka talaga--" bastos na kung bastos pero tinalikuran ko si Dad habang nagsasalita.

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan. Baka sakali lang na maipa-ayos ko pa ito. Pero sa bawat hakbang ko ay tila ba tinutusok ang mga paa ko. Tumingin ako sa baba, and I saw a blood flowing slowly on my right knee down.

Nagmadali pa rin akong bumaba kahit na paika-ika na ako. Nahagip ng mata ko ang ilan sa mga naroroon na pinagtitinginan ako.

"Pst!" Tawag ko kay Vince na nakasandal sa kotse ni Nate sa harapan ng building.

"Oy! Ang tagal mo-- napano ka?!" Agad niya akong nilapitan nang makitang paika-ika.

"Anong nangyari sa laptop mo saka bakit ka ganito maglakad-- dugo!"

"Dalian mo nga!" Inis kong tugon at sumakay sa likod ng kotse ni Nate.

"Hey! What's up?-- bakit yan nabasag?!" Gulat na gulat na tanong ni  ng makitang basag ang laptop ko.

"Mahabang kwento. Kaya mo ba ting ayusin?" Pinipilit kong huwag mapangiwi sa sakit ng tuhod ko.

"O-oo, oo, kaya ko naman--"

"Sa bahay niyo tayo, dali!" Agad naman itong umalis doon.

Nakatingin lang ako sa bintana habang nakakagat sa labi dahil sa hapdi ng tuhod ko.

Maya-maya pa ay mas lalo itong humapdi at tila ba may likido na umaagos rito. At nang tingnan ko...

"Vince! Tangina mo! Gago!" Napisil ko ang binti ko ng wala sa oras habang patuloy na minumura si Vince.

Paano kasi e, yung buong botelya na siguro ng alcohol ang nilagay niya sa sugat ko. Nangingig ang paa ko dahil sa sibrang hapdi na naramdaman ko kanina.

Hanggang ngayon na nasa bahay na kami ni Nate ay minumura-mura ko parin ito. Si Nate ang gumamot rito kanina dahil hindi ko pinayagan si Vince, baka nga masipa ko pa yun dahil sa inis

"May pag-asa pa ba yan?" Tanong ni Vince kay Nate habang sinusuri ang basag na laptop ko.

"Parang ikaw sa crush mo... wala," simpleng  tugon ni Nate.

The Mistaken Ace (Vergara Series 1)Where stories live. Discover now