Chapter 13

65 4 0
                                    

Rushed.



Three days have passed pero hindi ko pa rin malimutan ang sakit sa panibagong parusa nila. Bakit nga ba may parusa? Ano bang kasalanan ko?

"Come in," sambit ko ng may kumatok nsa pintuan. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa sa laptop.

"Beautiful baby, could you please smile.." pakantang sambit ng pamilyar na boses.

Hindi na  ako nagdalawang isip na puntahan siya at yakapin ng mahigpit.

"A-aray naman. Parang ilang taon tayong hindi nagkita e, nadaanan mo lang ako kanina jan sa baba." Natatawang sambit ni Nathaniel.

"Anong trip mo at naparito ka? Wag mong sabihin na may nag-summon sakin?"

"Meron, yung puso ko.." he hold his chest dramatically.

"Syuta! Hindi tayo talo! Hoy!"

"Date tayo? Wala akong trabaho ngayon e,"

"Wait!" Dali-dali kong pinatay ang laptop at kinuha ang bag.

"Tara!" Nakangiti kaming lumabas ng opisina. Nakahawak pa ako sa kanyang braso kaya palagi kaming na-i-issue rito e.

Pinagtitinginan pa kami ng mga nakakasalubong namin kaya mas natatawa kaming dalawa. Nakakarating pa kina Dad ang tungkol daw sa amin pero hindi ko naman iyon pinapakialaman. Giving other people a false information-- I mean, sila lang naman ang nag-iisipin nun kaya bahala sila. Nakakatuwa nga tuwing may issue sa amin e.

"Yung secretary ng Dad mo nandito.." bulong ni Nate sakin kaya natawa ako. Nang magkatinginan kami ay pareho naman kaming natawa.

Kumuha ako sa cake ko at isinubo sa kanya, ganun rin ang ginawa niya kaya tawa kami ng tawa sa isipan ma-i-issue na naman kami.

"Kailan ka ba titino? Pati ako dinadamay mo sa  gulong ito no?"

"Duh? Hindi naman ako wasted tulad ng iniisip mo noh!" Tugon ko naman sa kanya.

"Di daw.. palagi kang may goal sa buhay noon pero ngayon, anong ginawa mo?" Nagtataka nitong tanong.

"Wrong. Anong ginawa nila, dapat."

"Bakit kasi hindi mo sila kausapin. Marri, kahit na ganito ka na parang walang bago, alam ko na hindi ka okay--"

"Shhh! Ano namang mapapala ko kung kakausapin ko sila? Para namang may mangyayari, tingnan mo ngayon at nadagdagan pa ng bagong problema--"

"Wait! So totoo? I thought you were just kidding about that marriage? Totoo talaga?" Gulat na gulat niyang tanong. Nagkita kasi kami kanina sa baba dahil may hinatid daw siya at dahil nababaliw na ako sa kalagayan ko ay sinabi kong invited siya sa kasala ko, and he just laugh.

Inirapan ko lang siya at sumipsip sa iced coffee ko. "O to the M to the G! The great Marrian Elle Vienna Angeline Vergara who take an oath last thirteen years ago that she won't get married if hindi pa nagiging abogado is now.. wow!" Kulang nalang siguro ay palabasin nila itong si Nate dahil sa ingay.

"Thirteen years na ba?"

"Grade 7 pa tayo noong magsumpaan diba? Ako lang ata ang tutupad sa mga iyon." Umirap pa ito sa akin kaya tinawanan ko lang.

"Masunurin ang mahal ko. Saka wait ka nga! Sabihin nating hindi ito tunay na kasal kasi for business lang naman," paglalaban ko.

"So may balak kang iwan yung lalaki tapos maglayas sa inyo para maging abogado at magpakasal sa taong mahal mo?!"

"Anong pinagsasabi mo?"

"Wala, naisip ko lang." Tugon naman niya.

Nagkwentuhan pa kami at halos lahat ay tungkol sa mga kaklase namin noon. Sina Kryst, Matt, Vince, Albert at iba pa. Nilalait namin sila at tinatawanan ng walang dahilan.

The Mistaken Ace (Vergara Series 1)Where stories live. Discover now