Chapter 5

83 5 0
                                    

Safe.



Hindi naman gaanong nakakapagod ang ginawa namin pero pagod pa rin ako. Ewan ko lang sa kanya na nag-drive pa.

Buong biyahe namin pauwi ay dumadaldal siya. Kung ano-ano ang sinasabi. Sinasaway ko pa minsan dahil parang baliw na nakikipag-usap sa hangin, pero tuwing sinasaway aba!, mas ginaganahang dumaldal.

Hindi ako nakasabay sa kanila sa hapunan dahil nakatulog ako agad. Buti nalang at dinalhan ako ni Nanay Fely ng pagkain sa kwarto ko.

"Magaling ba iyong nagtuturo sayo, anak?" Tanong ni Nanay Fely sakin habang hinihintay akong matapos kumain.

"Po?"

"Yung si Darren, magaling ba siyang magturo?" Ulit niya sa tanong niya.

"Hindi ko po alam. Siguro baka kapag tapos na kami saka ko lang masasabi kung magaling ba siya o hindi,"

"Magaling nga siya," biglaang utas ni Nanay Fely.

"Ho?"

"Nakikita kong magaling siya, at marami kang matututunan sa kanya," nakangiting saad ni Nanay Fely.

Anong magaling? Di ko nga alam kung tama ba yung mga tinuturo niya sakin e.

"Paano pong magaling?" E, mukhang mas magaling pa sa kanya si kuya Jake.

"Basta, alam kong magaling siyang magturo," giit ni Nanay Fely.

"Wala nga po akong natutunan sa kanya ngayon e,"

"Sa ngayon wala, pero bukas o sa makalawa, hindi natin alam," makahulugang tugon ni Nanay Fely.

Natapos na rin akong kumain kaya lumabas na rin si Nanay Fely. Naligo muna ako at nagbihis ng pantulog. Mula kaninang dumating kami ay agad akong nakatulog, di man lang ako nakapagpalit.

Tutuyuin ko sana ang buhok kaso wala yung blower ko rito. Kaya lumabas ako at pumunta sa kwarto ni kuya Leo. Paniguradong nasa kanya na naman iyon.

"Kuya.." tawag ko habang pinipihit ang door knob.

"Sino yan?" Nang sumagot si Kuya ay saka ko lang naisipang tingnan ang wall clock na nasa pagitang ng mga kwarto namin. 8:43 na pala.

"Naniningil ng utang!" Agad na binuksan ni kuya ang pinto.

"Who you?" Bungad nito sa akin.

"Who you me! Blower me!" Saka ako pumasok sa kwarto niya. Malinis ang kwarto niya at organised lahat.

"Wala sakin yung blower mo,"

Napalingon naman agad ako sa kanya, "oh, e, nasaan? Ikaw lang naman yung nanghihiram e, why don't you buy your own blower naman kasi?"

"Arte nito. E, sa project ko lang naman yun ginagamit,"

"So, nasaan nga, kuya? Matutulog na ako tapos basa pa yung  buhok ko oh,"

"Sino ba naman kasing nagsabi na maligo ka sa gabi?"

"Duh? Kuya, parati naman ah. Problema lang hindi ko matuyo yung buhok ko," inirapan ko ito.

"Tusukin ko yang mata mo e," tinuro pa niya ang mga mata ko gamit ang dalawang daliri niya.

Nakita kong bukas ang laptop niya at kasalukuyang nanonood ng anime. Agad akong pumunta sa study table niya saka c-in-ancel yung pinapanood niya.

"Hoy! Ba't mo in-eks? Di pa ako tapos manood ah!" Saway niya ng makitang wala na sa screen ang pinapanood niya.

"Ay, naku po, sorry," pang-aasar ko. Kumuha ako ng ballpen saka sticky notes na nandoon sa lamesa niya.

The Mistaken Ace (Vergara Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon