Chapter 9

60 4 0
                                    

Years.



"Guerero,"

May lalaki na naka black suit amg pumunta sa harapan. May dala itong rose. He looks so hot. Akala ko talaga ay kung sinong ang makakasayaw ko, si kuya Jake pala.

He kiss me on my cheeks before we start dancing, "Ang pogi mo na ngayon ah."

"Ang ganda mo na nga ngayon e," tugon rin niya sa akin.

"After seven years, finally. I miss you," nakaka-miss siyang kasama e. He is like a kuya to me, mas caring at sweet pa ito kaysa kay kuya Leo.

"After seven years nga. Sa bahay niyo kami tutuloy kaya.. tutuparin ko na yung promise ko," masaya niyang sambit.

"Too late, kuya Jake, marunong na akong mag-bike. Pero, para naman matupad mo ang pangako mo, why not mag bike-race tayo?" Panghahamon ko.

"Game! Ako pa. Nga pala, sinong nagturo sayong mag-bike? Si Darren ba?" Tanong niya na ikinawala ng ngiti ko.

Si Darren na naman.

Kanina pati si kuya Leo, Darren ang bunganga tapos ngayon si kuya Jake na naman? Ano bang meron kay Darren? Aside sa hindi siya tumutupad ng pangako?

"No,"

"Yung mukha mo, para kang nalugi sa pagkarinig ng pangalan ni Darren, ah? Mag-ex ba kayo?" Napalo ko ang braso ni kuya Jake dahil sa gulat.

"Ex? No way! Never. Ever."

"Ba't ang bitter ng mukha mo nung marinig mo ang pangalan niya?"

"He broke a promise," ngumiti ako ng mapait sa kanya.

"Ako hindi ba? Seven years bago ko matupad ang pangako ko ah,"

"Yung sayo kasi, sabi mo, tuturuan mo ako kapag nagkita ulit tayo. Saka alam ko naman na busy ka daw sa school mo sabi ni kuya Leo,"

"E si Darren ba?"

"Sabi niya babalik daw siya, nag-promise pa nga e, kaso hindi. Alam mo tuwing summer napaka-excited ko kasi akala ko nga babalik siya. Hindi ako nag-enrol nng kahit anong summer, hindi ako nag-vacation kasi hinihintay ko siya e. Palagi kong sinasabi na baka pupunta siya ng surprise kasi tuwing tinatanong ko sina Mama, they always say na hindi siya makakapunta,"

"Ang taas ng sinabi mo ah," ngumiti lang ako nang mapagtantong mataas nga ang nasabi ko.

"Bakit kasi hindi nalang ikaw yung nagturo sakin nun? Baka hindi na ako nangungulila pa sa kanya e,"

"Nangungulila? Sounds like, umaasa ka sa kanya," may pang-aasar sa boses ni kuya Jake.

"Umasa. Umasa kasi akong babalik siya gaya ng pangako niya. Pero wala e. Limang taon yun, saka tapos na ako sa kanya 'no."

"Akin nga pitong taon e,"

"Ewan ko ba," natawa naman siya sa sagot ko. Ewan ko nga rin e.

"Sino bang last dance mo?"

Napatigil ako sa tanong niya, "pang-ilan ka ba?"

"Second to the last?" Patanong din niyang sagot.

"Sure ka? Baka naman ikaw yung last dance ko?"

Tumawa siya bago sumagot, "Oo nga, di ka ba nagbilang kung ilan na ang nakasayaw mo?"

"Hindi. Hindi ko nga rin alam kung sinong last dance ko,"

Nakita kong ngumisi siya at pinipigilan ang pagtawa, "alam yung pinsan ko na si Pauline, noong debut niya yung papa niya ang kanyang last dance."

"First dance ko si Dad. What are you trying to imply?" Naguguluhan kong tanong.

The Mistaken Ace (Vergara Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon