Chapter 4

79 9 0
                                    

Abandoned.



Kinaumagahan ay masama pa rin ang pakiramdam ko. Masama pa rin ang pakiramdam ko sa Darren na yun!

Tinawag akong malandi e nagtanong lang ako. Ang kapal!

"Marri, si Darren na ang mag-d-drive papuntang Bayang," sabi ni Mama.

Sa Bayang daw kami mag-t-training dahil mas makaka-focus kami doon. Malapit lang sa Poblacion ang Bayang, pareho kasi itong parte ng Sta. Elena Municipal.

"Si kuya Paulo, Mama?" Ayoko kasing kausap ang Darren na 'to. Masyadong masakit magsalita.

"Uuwi daw muna sa kanila dahil may sakit yung asawa niya, saka kayong dalawa lang naman ni Darren ang mag-eensayo," sagot naman ni Dad.

Tuwing linggo lang namin nakakasama si Dad. Pero ngayong linggo ay wala ako sa bahay. Kaya di kami makapag-bonding.

Naka-leggings lang ako at sweatshirt na kulay pula. Nag-jacket din ako saka white shoes. Wala ako sa mood kaya kahit ano nalang ang nasuot ko.

Nagdala rin ako ng extra shirt. Whole day training daw kami roon. Hindi naman yun malayo sa amin, pero gaya ng sabi nila, mas komportable daw doon. Nagbaon rin kami ng pananghalian.

"Ingat!" Sigaw ni kuya Leo nang paalis na kami.

Buong biyahe namin ay walang nagsasalita. Tanging ang radio ng sasakyan ang nagbibigay ng ingay sa amin. Mas malayo ang Botig kaysa sa Bayang. Pero tila ba kay bagal ng oras, parang kanina pa kami nagbi-biyahe pero hindi pa kami nakakarating sa Bayang.

Panay lang ang tingin ko sa mga nadadaanan namin. Hanggang sa kaunti nalang ang sasakyan na nakakasalubong namin. Doon ko napagtanto na wala na kami sa syudad ng Rosario. Nasa Sta. Elena na kami, at kung hindi ako nagkakamali ay ito ang Poblacion.

Munisipalidad din ang Sta. Elena kagaya ng Gayawan. Pero masasabi kong improving municipal ang Sta. Elena. Kaunting pagbabago lang ay pwede na itong maging syudad. Yun nga lang, maraming lupain at sakahan ang naririto.

Natigil ako sa pag-iisip ng tumigil kami sa harap ng isang abandonadong gusali. Isang palapag lang ito at walang bubong. Walang malapit na bahay o tindahan rito. Tanging ang mga palay sa paligid lamang ang nakapalibot. Medyo malayo rin ito sa Municipal Road kaya walang sasakyang dumadaan.

Bumaba si Darren kaya bumaba na rin ako. Kinuha ko ang bag ko sa second seat saka sinundan siya sa  loob.

Malinis ito. Hindi kagaya ng ibang inabandong gusali na maraming damo at marumi.

"Dito mo--"

"Putangina!" Napasigaw ako ng biglang sumulpot si Darren sa harap ko.

"You cuss," hindi ko alam kung tanong ba iyon o hindi.

"How did you get there? Nandito ka lang kanina ah," pumasok kasi siya kanina sa silid na nasa bandang kanan tapos ngayon sa harapan na siya.

"May daan riyan papunta rito,"

"Ah, okay,"

"Sabi ko nga kanina, dito mo ilagay ang mga gamit mo," turo niya sa isang maliit na piraso ng plywood sa gilid.

Tumango lang ako saka nilagay ang bag ko, maya-maya pa ay nilagay rin niya ang kanyang bag saka yung pananghalian namin.

"Start na?" Tanong niya. Tumango lang ako.

"Warm up muna para hindi ma surprise yung muscles mo," he is trying to be funny. Surprise daw.

"Di ako marunong mag warm up?" Sambit ko.

The Mistaken Ace (Vergara Series 1)Where stories live. Discover now