Chapter 7

65 4 0
                                    

Promise.



Gaya ng usapan ay pumunta kami ng Paseo pagkatapos naming mananghalian.

Pero ako ang nagbayad ng entrance naming lahat, kutungan ka ba naman. Panay ang picture, kainan, asaran at tawanan sa aming grupo.

Nagsend kami ng pictures sa group chat at himala dahil nabalik doon si Vince.


Krystala Alejandro: no big way!!!!!

Krystala Alejandro: ang sama niyo!!!

Krystala Alejandro: di ako makakapayag niyan!!!!!


Nagsunod-sunod pa ang mga reply ni Kryst. Pinagtatawanan lang namin siya.

Nagpicture pa kami ni Matt at s-in-end namin sa group chat.


Marri Vergara: substitute HAHAHAHA


Halos mamatay kami kakatawa nang makipag-video call si Kryst at umiiyak na ito. Binaba na rin niya ang tawag dahil low bat na daw siya.

Sumakay pa kami sa mga bike doon. Si Albert ang taga-kuha ng litrato sa amin. Hindi kami magkahiwalay ni Matt dahil inaasar pa rin namin sina Kryst at Vince.

Pasado alas kwatro na kaya napagpasiyahan naming umuwi. Sinundo ako ni kuya Paulo sa Paseo, sina Clare at ang iba pa naming kasama ay bumalik sa mall dahil doon daw sila susunduin.

Wala si kuya nang makarating ako. Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis. Nang buksan ko ang cellphone ko ay nakita ko ang message ni Matt.


From: Matt Ocampo

Tawagan mo si Kryst, umiiyak daw sabi ni tita. Nagtatampo sayo HAHAHA


Imbes na tawagan ko ay nag-online nalang ako. S-in-ave ang lahat ng pictures na s-in-end nila sa group chat. At p-in-ost sa social media.


Marri Vergara: worth it.


Yan ang caption ko sa mga litarto kaming lahat. Worth it na mas pinili ko sila kaysa sa ihatid siya.


Marri Vergara: batang gala.


Caption ko naman sa mga pictures at stolen pictures ni Vince. Kakapost ko lang ay naka pag comment na ito.


Vince Tan: #stalker hahaha sikat na ako!!!!

Matt Ocampo: nawawala po yan, paki hanap.

Albert Einstein: wanted yan dito sa amin. Pabuya, isang piso.


Pinagkaguluhan na naman si Vince doon. Yun ang maganda kay Vince e, asarin mo na yan ng paulit-ulit, hindi napipikon.

Ang huli kong p-in-ost ay yung kami ni Matt. Yung nakaupo kami sa bench at nag-selfie kaming dalawa. Kasama ang mga picture na ito sa mga s-in-end ko kay Kryst. Tapos yung nakasakay kami sa bike at iba pa.


Marri Vergara: psst! Ang pogi ni kuya oh <3 #substitutesaumalis

Leo Vergara: @Matt Ocampo umaaligid ka ba? HAHAHA


Nabigla ako sa comment ni kuya kaya agad ko itong t-in-ext.


To: Kuya Leo

Epal.


From: Kuya Leo

Love you, too, baby girl <3 <3 <3


Nakita kong nag-reply si Matt sa comment ni kuya.


Matt Ocampo: @Leo Vergara siya lang sapat na.

Marri Vergara: anong siya lang sapat na????

The Mistaken Ace (Vergara Series 1)Where stories live. Discover now