Chapter 8

63 4 0
                                    

Surprise.



Si Darren ang kausap niya!

Hindi ako pwedeng magkamali dahil yun talaga ang itsura niya. Medyo mataas nga lang ang buhok niya ngayon. And he have the necklace with a sun pendant.

Matapos ang limang taon ay ngayon ko lang siya makikita? At may girlfriend pa!

Baka naman noon pa niya ito girlfriend. Ba't nga ba  ako nakikialam?

Nang aakmang titingin ulit si Darren sa screen ay nagmadali akong tumayo para makaalis doon. Pero bago pa ako makalabas ay may sumigaw na para bang may tinatawag.

"Hey!" Napalingon agad ako sa sumigaw. The girl-- his girl pala.

Naka-corporate attire ito. Maganda, matangkad at maputi. I admire her beauty pero sayang girlfriend pala 'to ni Darren. Ay ewan ko!

Lumingon pa ako sa gilid ko para makasigurado na ako talaga ang tinatawag niya.

"Me?" Tanong ko habang nakaturo sa sarili.

"Yes, you left your wallet," abot nito sa wallet ko. Kailan pa ako nakapag-iwan ng gamit?

"S-salamat,"

"Small thing," kumindat pa ito sakin bago bumalik sa upuan niya. Lumabas na rin agad ako at pumunta na nang Paseo.

Naka-pants at shirt lang ako kaya komportable akong maglakad. I dont know how long I'm waiting there basta ang alam ko lang ay dumating si Kryst at sabay kaming pumasok.

Naabutan namin sa loob ang buong council, mukhang bagong dating rin ang iba.

"Suggestions?" Tanong ni Matt samin. Siya kasi ang president, I'm the vice. Secretary si Kryst at treasurer si Vince.

Matagal kaming nag-brainstorming doon hanggang sa ma-finalize na ang plano namin. We will give food and gifts to street children. Magpapalaro at magpapakain sa mga matatanda.

October pa pero handa na kami sa gagawin namin sa christmas. Pero may iba ding plano ang council. Yung kami-kami lang daw.

"Sa boracay nga," pagpupumilit ni Vince.

"Ano bang meron doon?" Pag-kontra naman ni Kryst.

"Sige na oh, mag-pa-itim tayo kahit ngayon lang. Pag college baka hindi na tayo magkita-kita."

Sang-ayon naman ang lahat kaya sobra ang saya na nakita namin sa mukha ni Vince.

"Five days yung gagawin nating activity na pamimigay ng mga regalo sa mga bata at mga lolo't lola. One day rest. Another six days vacation sa boracay, tapos uuwi ulit tayo before Christmas," paliwanag ni Kryst na siyang nag-ayos ng schedule.

"Para sa fund ng activity natin with the children and oldies, ako na ang bahala doon. Wala akong tiwala sa treasurer," sabi ni Ken na siyang auditor namin.

"Wala rin akong tiwala sa treasurer," sambit rin ni Kryst.

"May pera na sana e.." bulong rin ni Vince.

"Sa pagkain, kami ang bahala," sabi ni Thasya.

"Narrative and descriptive reports," sambit ni Irene.

"Pictures and videos," si Rianne. Journalism's President.

"Gift wrapping," sabi ni Mark.

Hanggang sa lahat ng ta-trabahuin namin ay nakaplano na. Inabot kami ng tanghalian kaya kumain muna kami sa labas bago maghiwa-hiwalay.

Sa bahay na ako dumiritso dahil may gagawin pa akong project. Kinagabihan ay dumating na rin sina Mama at Dad. Si kuya Leo, may klase pa.

"Everything is ready, darling," na-e-excite na balita ni Mama habang nag-uusap kami sa sala.

The Mistaken Ace (Vergara Series 1)Where stories live. Discover now