Chapter 14

56 3 0
                                    

Confuse.

"If I can just do anything to keep you happy and away from this.. ginawa ko na. Sorry, wala akong magawa.." sabi ni Nate habang hinahagod ang likod ko.

Pero wala talaga e, kasi tuwing sila ang kasama ko hindi ko kayang pigilan o itago ang nararamdaman ko.

Kaya hindi lang sila kaibigan para sa akin, they are more likely my family. Sila na akala ko ay kaibigan ko lang sa highschool, pero heto at dinadaluhan ako.

"Ang sama mo talaga.. Marri.. parang kanina lang ang saya natin tapos ngayon.." alam kong umiiyak na rin ito dahil sa boses niya.

Hindi ko rin alam, pero noong second year college pa ako ay nagkaganito rin ako. It was the time na pinilit ako nina Mama na mag-shift ng kurso kaya grabe yung iyak ko. Dinaluhan rin nila ako pero nakakapagtaka lang at umiyak rin sila. And it happen, again.. today.

"Alam kong hindi ka aatras rito.. pero mangako ka na... hindi ka susuko.."

"P-prom-ise..."

"Hindi pa kita.. kailanman nakitang sumira ng pangako.. kaya inaasahan ko ang pagtupad  mo rito.."

Why are they like this? Para bang kaunti lang ay mawawala ako na parang bula.

Promises... are meant to be broken.

Matapos akong umiyak sa dibdib ni Nate kanina ay heto at nabawasan kahit papaano ang nararamdaman ko. May hinatid na puting long dress si Jez kanina sa akin, simple ito at may mga crystal na nakapalibot rito. Dali-dali akong inayusan ng mga make-up artist na kakilala ni Mama.

In one blink, heto ngayon at naglalakad na ako papuntang altar. Wearing a veil and holding a flower in my other hand while the other is holding Nate's arm.

"Ayokong isipin nina tito na sinusulsulan kita pero.. Marri, yung Dad mo dapat ang naghahatid sayo sa altar.." nag-aalalang sambit ni Nate.

Nagkasagutan pa kami kanina sa tawag at sinabi kong si Nate ang maghahatid sa akin, ayaw pa pumayag nina Dad dahil hindi naman daw yun magandang tingnan lalo na't buhay pa sila, pero sinabi kong si Nate ang natirang lalaki na kaya akong intindihin. At sa tingin ko ay natamaan sila Dad at Kuya Leo roon.

"Hindi naman to totoong kasal kaya bakit pa kailangan sundin ang tradisyon?"

"Marri--"

"Saka, chill ka lang." Tumawa pa ako kaya napailing nalang si Nate.

Naglakad ako papuntang altar kasama si Nate. Para talaga maging mukhang totoo ang kasal ang nag-research ako ng vow para naman may masabi ako. Pamilya at mga kasamahan sa trabaho lang ang naroon ngunit hindi talaga mapigilan na may kumuha ng video o litrato.

Peke akong nakangiti at halos pilit lang ang lahat. We exchange rings and our vows. Nang 'kiss the bride' na ay dikit sa labi lang ang ginawa niya.

That was my first kiss. And he is my first kiss. Sa taong hindi ko pa mahal, talaga.

We took some pictures at walang reception na nangyari. Diritso sa bahay ang ginawa ko hindi ko lang alam kina Mama.

Kay Nate sana ako sasakay para siya ang maghatid sakin sa bahay pero dahil nandito si 'groom' siya na ang nag-drive. Tahimik lang ang buong biyahe namin. Halos isumpa ko ang gumawa ng gown ko dahil sa dami ng ka-artehan nito.

Sakto ng makarating kami sa bahay ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Nate.

Form: Nathaniel

Don't do any stupid thing

To: Nathaniel

I won't, boss haha

The Mistaken Ace (Vergara Series 1)Where stories live. Discover now