Chapter 2

119 8 0
                                    

Chapter two

Mother.





"How's Mama, Dad?" Tanong ko kay Dad ng makarating ito galing hospital.

Dinala nila ito sa hospital nang mawalan ng malay. Di na ako pinasama ni Dad dahil siya na daw ang bahala kay Mama. Pero, pinatingnan niya kay Manang Fely yung kamay ko na nadaganan ni Mama, so far hindi ako nasugatan o nabalian. Kaunting galos lang.

"Nagising na pero hindi pa pwedeng lumabas. Sabi nang doctor, stress daw ang dahilan, at pahinga lang daw muna." Sagot ni Dad habang may kinukuhang nga papel table niya.

"By the way, Dad, I ask ate Honey while ago to buy me a necklace." Ate Honey is Mama's secretary.

"Necklace? Para saan?" Nagtatakang tanong ni Dad habang sinusuri ang laman ng folder.

"My gift. Magpapasama sana ako kay Mama kahapon pero, something happen. Kaya si ate Honey ang tinawagan ko, parating na raw siya."

"Oh? Ngayon nga pala yung birthday ng kaibigan mo. Basta ingat kayo ah, saka umuwi kayo ng maaga." Bilin niya saka lumabas na ng study room at sumunod naman ako.

May kinuha lang talaga siyang papeles na kailangan sa trabaho. Pero ibibigay lang daw niya yun sa secretary niya dahil babantayan niya si Mama. Kakaalis lang ni Dad at kakarating lang ni ate Honey.

"Baby, I miss you! Ito oh!" Niyakap niya ako bago binigay ang maliit na kahon.

"Miss you rin, ate. Salamat po."

"Welcome, baby girl. Basta ba pag may oras ka sumama ka kay Mama mo ha, miss ka na namin sa opisina." Umalis na agad ito at hindi na jnagtagal dahil may trabaho pa daw ito.

Pumasok na rin ako sa loob saka nagbihis. Alas otso pa naman at ang usapan namin ni Kryst ay alas diyes dahil sa tanghalian daw ang handaan.

Higit isang oras ang biyahe mula Rosario hanggang Gayawan, kaya nga nakakapagtaka lang na kinakayang lakarin ni Danica ito. Kahit pa na shortcut daw iyon dahil sa Kapatagan siya dumadaan, malayo pa rin.

Nakapagbihis na ako at naabutan ko si Kryst sa sala na nakikipag-kwetuhan kay Manang Fely. Hinatid lang siya ng driver nila para iisang sasakyan lang ang masakyan namin papunta doon.

"Do you know where there house is located?" Tanong ko kay Kryst nang makarating na kami sa Sentro ng Gayawan.

"Oo naman, taga rito din kaya ako." Sagot ni Kryst.

"Saan nga ulit yung inyo?"

"Sa Polasa, madadaanan natin yun papunta kina Danica."

"May bahay kayo doon?"

"Bahay ng lola ko. Sa Polasa kasi karamihan sa mga nakatira ay kamag-anak lang namin, kaya pag napadpad ka rito sa Gayawan o di kaya ay nawala ka, sabihin mo lang na sa mga Decastro ka pupunta, dadalhin ka nila sa Polasa." Tugon naman ni Kryst.

"Paanong, Decastro? Krystala Decastro Alejandro yung name mo?"

Tumango ito, "Krystala Ocampo Decastro Luzica Alejandro."

"Matthew Lawrence Ocampo.. ibig sabihin magkamag-anak kayo ni Matt?"

"Fourth cousin. Ikaw ba? Ano yung full-full na full na full name mo?" Natawa ako dahil sa dami ng 'full' na binanggit niya.

"Marrian Elle Vienna Angeline Fernandez Vergara."

"Yung ibang apelido mo? Yung sa mga lolo't lola ng Mama at Papa mo."

"Mahaba masyado."

"Kahit na.." pamimilit pa ni Kryst.

"Marrian Elle Vienna Angeline, Caldino Ditori Fernandez, Arce Alcuizar Limino Vergara," putol putol kong sagot.

The Mistaken Ace (Vergara Series 1)Where stories live. Discover now