79

43 4 0
                                    

ASTRID (1941)

"HAHHH!" Hingal na hingal akong bumangon mula sa isang panaginip. Totoo ba iyon? Na nakausap ko ang isang babaeng kamukha ko sa panaginip ko? Pero paano nangyari iyon?

At ang sabi pa niya galing siya sa taong 2020 na higit ilang dekada ang layo mula sa taong ito. Totoo nga kayang nangyari ang lahat ng iyon?

Agh! Hindi ako makapaniwala sa nangyari pero bakit ko naman kinagat ang sinasabi niya? Pinangako ko pang gagawin ko ang gusto niya. Na iligtas si... Stygian sa kapahamakan. Teka, Stygian? Siya 'yung matalik na kaibigan ni Jose, hindi ba? Ang batang nagligtas sa akin noong bata pa lamang ako? Anong mangyayari sa kanila? Ginawa ko ang lahat upang gumaling sa pakikipaglaban para maisukli sa kanila ang kabutihan na ginawa nila sa akin. Balak ko pa sanang mamasukan sa kanila para maging kawal ngunit ano na itong nangyayari ngayon?

May mga kabi-kabilang mga pagsabog. Ilang mga barilan. Hindi naman ganito ang mapayapang lugar ng Manila ngunit bakit nagkakagulo na?

Pwede ko rin namang hindi gawin ang ipinangako ko sa kanya, hindi ba? Kase hindi niya naman makikita kung gagawin ko ito gayong nasa taong 2020 siya habang ako ay nasa taong 1941. Pero nangako ako eh. Hindi ako 'yung tipo ng tao na hindi tutupad sa pangako. Hindi ako ganoon pinalaki ni Master Yen. At ngayong wala na siya, susundin ko lahat ng itinuro niya sa akin.

Alam ko na ang gagawin ko ngayon. Ililigtas ko sila. Kahit na ang buhay ko pa ang kapalit.

At ngayon nakita ko na lang ang sarili ko sa tapat ng lalaking ito na walang saplot pang-itaas. Kitang-kita ang hulmado niyang pangangatawan. Kaagad niya itong tinakpan kaya kaagad din akong napaiwas nang tingin doon. Naramdaman ko ang bahagyang pagpula ng mga pisngi ko dahil sa kahihiyan.

"A-ah! Pasensiya na!" paumanhin niya saka ako nakarinig ng mahihinang kaluskos dahil siguro sa pagsusuot niya ng damit.

"Ahh!" inda niya kaya kaagad akong napatalikod sa kanya kahit na hindi pa niya tuluyang naipapasok ang damit niya.

"T-tulungan na kita..." sabi ko nang makita ko na nahihirapan siya sa pagbaba ng damit niya dahil sariwa pa ang iilang nga sugat niya.

Naglakad ako papalapit sa kanya na ikinaatras niya naman. "H-hindi... Kaya ko na."

Ngumiti na lamang ako doon sa kawalan ng masasabi.

Tumalikod na ako sa kanya at pumunta sa mumunti kong kusina para maghanda ng makakain nang makarinig ako ng ilang kalabog sa labas kasabay ng pagsabog.

Hala... ano iyon?!

STYGIAN | completedWhere stories live. Discover now