63

66 4 0
                                    

ASTRIA

It's December 01, 2020!

At iisa lang ang ibig sabihin noon. Birthday na ng bestfriend kong si Aegan!

Balak ko sana siyang surpresahin ngayon ngunit hindi ko alam kung natutuwa ba siya. He doesn't like surprises. Noong nakaraang taon nga, piniringan ko siya at dinala sa itaas ng bundok na may magandang view. Natuwa siya of course, but he said it's unnecessary to blindfold him like that, makikita niya rin naman daw umano bakit pa itatago?

Excited na ako para sa kaarawan niya. Isang simpleng pamamasiyal lang naman ang gagawin namin dahil kami lang naman ang magkaibigan. Palagi naming ginagawa ito tuwing kaarawan ng kahit na sino sa amin.

But there's something that tells me na may dapat pa akong malaman na hindi ko alam. Parang may isang bagay na dapat alam ko rin. Ano bang nakalimutan ko? Bakit parang wala naman?

Tumunog bigla ang cellphone ko sa gitna ng pag-iisip ko. Kung dati ay sigurado na agad ako kung sinong nagtetext sa akin, na walang iba kung hindi si Stygian. Ngayon, kinakabahan ako na baka si Jose naman ito. Pakiramdam ko alam niya na may gusto ako kay Stygian kaya naman ganito na lang akong kinakabahan tuwing magtetext siya.

Pero hindi. Nakahinga ako nang maluwag when I've read that Stygian's name is flashed on my screen, meaning siya ang nagtext sa akin. Sa kanyang text lang ang hinihintay ko dahil Aegan is not a text person. Mas gugustuhin niya pa raw na ichat na lang ako, sayang daw kasi sa load.

Ang yaman yaman niya, pero napakakuripot!

Kinuha ko na ang cellphone ko at binuksan ang message niya.

-+-

Stygian
09XXXXXXXXX

Stygian:
Magandang umaga, Astria!

Stygian:
Nakatulog ka ba ng mahimbing?

Astria:
Stygian!

Astria:
Ayos ka lang ba?

Astria:
Ang sabi sa akin ni Jose, may nangyaring mga pagsabog?

Stygian:
Ayos na ako Astria, hehe. Salamat sa pag-aalala.

Stygian:
Wala namang masiyado akong natamong mga sugat, mas marami pa nga ang kay Jose dahil pinrotektahan niya ako.

Astria:
Hays, buti naman.

Astria:
Maayos na si Jose, hindi ba?

Stygian:
Oo. Nakabenda pa rin ang kamay niya pero sabi ng doktor, para lang daw hindi ito mapuwersa. Ayos na raw siya.

Astria:
Mabuti naman kung ganon. Kumusta ka na?

Stygian:
Masaya ako ngayon, Astria! Hindi na ako makapaghintay para bukas. Parang gusto ko nang hilaan ang mga oras para bumilis ang agos nito.

Astria:
Napaka-makata naman nito. | delete

Astria:
Bakit? Anong mayroon?

Astria:
Bakit tila nasasabik ka?

Stygian:
Kaarawan ko na bukas, Astria! Kaya ang saya saya ko!

Astria:
Oh? Talaga!?

Astria:
Woah! Pahanda ka naman diyan, haha.

Stygian:
May handaan dito sa bahay bukas. Dadalo ang maraming taong hindi ko naman kakilala. Ang mga magulang ko lang ang nag-imbita sa kanila.

Stygian:
Kung maaari lang kitang imbitahin ay ginawa ko na. Pero alam mong... hindi puwede.

Astria:
Ayos lang, Stygian.

Astria:
Maligayang kaarawan, para bukas haha.

Astria:
Sana maligayahan ka sa kaarawan mo bukas!

-+-

Sinara ko na ang cellphone ko saka muling nahiga sa kama. Tumingin ako sa kisame ng kuwarto ko, iniisip kung sinasadya ba ng tadhana ang lahat o hindi. Magkaparehas sila ng birthday. Pinaglalaruan ba kami ng tadhana? Hindi ko na alam.

STYGIAN | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon