32

104 11 5
                                    

ASTRIA

"Astria, let's go!" excited na sabi sa akin ni Aegan habang patuloy pa rin akong tumitipa sa cellphone ko. Gusto ko lang magpaalam kay Stygian kaso mukhang hindi pa yata siya gising ng ganitong oras. Alas kuwatro pa lang kasi ng umaga.

Maaga ang nakatakdang alis namin para hindi kami ma-traffic sa pupuntahan namin. Wala akong kaide-ideya kung saan ito, kaya ganoon na lang ang kaba at excitement ko sa kung ano mang maaaring kahantungan namin.

Kahit na hindi ko alam kung may sasagot, minessage ko pa rin si Stygian. Talaga namang napaka-excited kong sabihin sa kanya na paalis na kami. Gusto kong malaman niya kung gaano ako kasaya sa araw na ito.

-+-

Stygian
09XXXXXXXXX

Astria:
Stygian!

Astria:
Hindi ko alam kung makikita mo ito agad, pero gusto ko lang sabihin na paalis na kami.

Astria:
Kinakabahan ako, pero na-eexcite din! Aaaaaaaa!

Astria:
Wait, may tagalog ba ang excite? / delete

Astria:
Hays, basta 'yun / delete

Astria:
Sige na, baka huling mensahe ko na sa'yo ito. Wala na kasing signal doon eh.

Astria:
Bye!!

Astria:
Ibig kong sabihin, paalam!!

-+-

Isinara ko na ang cellphone ko saka excited na bumaling kay Aegan. Todo ang ngiti ko pagharap sa kanya.

Pero ganoon na lang kabilis na napawi ang pagngiti ko nang makita kong seryoso ang ekspresiyon ng mukha niya ngayon. Hindi ko makita sa mukha niya ang excited na tonong narinig ko sa boses niya kanina.

Anong meron?

"Uhhh, A-aegan?" I stuttered.

Itinaas niya lang ang isang kilay niya at pinagkrus ang dalawang braso niya.

"Let's go," seryosong aniya.

Anong nangyari?

Did I do something wrong?

Tumayo na ako at binitbit ang sangkatutak kong nga gamit. Dalawang maliit na maleta, isang malaking backpack at isang shoulder bag. Masiyado ba akong excited? Parang ganoon na nga, haha.

Hirap man, pinilit kong dalhin ito lahat ng ako lang papunta sa bus na nag-aabang sa amin sa labas. Gusto ko sanang humingi ng tulong kay Aegan kaso mukhang galit yata siya. Hindi ko man alam ang dahilan, pero pakiramdam ko may nagawa yata ako...

Todo higpit ng kapit ko at binibilisan ko rin ang paglakad ko dahil nangunguna na si Aegan sa bilis niya maglakad. Wala tuloy akong choice kung hindi bilisan din ang lakad ko.

"Agh!" mahinang daing ko dahil unti-unti nang dumudulas sa pagkakakapit ko ang isang maleta.

Lumingon naman sa akin si Aegan, lumapit at walang habas na kinuha ang dalawang maletang dala ko.

Galit nga talaga siya...

Anong gagawin ko?

STYGIAN | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon