40

70 7 1
                                    

ASTRIA

"I heard there's a bonfire outside, wanna go out?"

Aegan asked me that habang nakalahad ang kamay niya sa harapan ko. Tinanggap ko naman ito at kinuha ang scarf ko.

Pagkalabas na pagkalabas pa lamang namin, dumampi na sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Napakabanayad nito kaya masarap sa pakiramdam. Rinig na rinig din ang hampas ng bawat alon na nagmumula sa dagat. Halos wala nang tao sa dalampasigan at iilan na lang ang naririto.

Natatanglawan kami ng napakaliwanag na buwan habang naglalakad kami papunta sa sinasabi ni Aegan na bonfire, pero pagpunta namin doon ay tapos na sila.

"Wait!" I shouted at our classmates, pero iilan na lang ang naroroon. "Tapos na kayo?"

"Yup, sayang 'di kayo nakasama," sabi niya habang pilit na itinatago ang namumulang mata. Umiyak yata siya.

Sa tingin ko, naging madrama ang pagsasama nila sa bonfire, the usual drama when doing an open forum. I don't like that kind of dramas since hindi ko naman sila ganoon kakilala kaya I think it's better na rin na hindi namin naabutan iyon.

Pinakiusapan namin sila na huwag munang patayin ang bonfire at sinabihan naman nila kaming patayin namin pagkatapos. Tumango naman kami bilang sagot.

Umupo kami nang magkatabi, nakaharap sa dagat at sa apoy. Malamig pero nalalabanan ito ng init na nanggagaling sa apoy. Nakatitig lamang ako sa buwan at pinagmamasdan ito.

Siya na naman ang naiisip ko habang nakatitig dito.

Bakit nga ba kahit iba ang katabi ko, pumapasok ka pa rin sa isipan ko?

"Astria," Aegan called me with seriousness in his voice kaya hindi ko maiwasang kabahan.

Ano kaya ang sasabihin niya?

"Y-yes?" I stuttered.

"Ah," iniiwas niya uli ang paningin sa akin saka humarap sa buwan kaya ibinalik kong muli ang tingin ko rito. "Nothing."

"Ang ganda ng buwan 'di ba?" tanong ko sa kanya

"Hmmm?"

"Ang sabi ko, ang gandang pagmasdan ng buwan, hindi ba?"

Naramdaman kong tumitig siya sa akin saka nagsalita. "Yes, it's beautiful."

I looked at him pero hindi naman siya nakatingin sa buwan, bagkus nasa akin ang mga mata niya. Ano bang pinagsasasabi nito...

"Ano ba, A-aegan..." nahihiya kong tugon.

"What?"

"'Yung buwan ang tingnan mo, 'wag ako."

"Pero mas maganda ka."

Dug, dug! Napatitig lang ako sa kanya dahil sa sinabi niya, he has never been vocal to his feelings. Palagi niya itong ikinukubli. A-anong nangyari ngayon..

"A-ahhh..." Wala akong masabi pero pinanananatili ko pa rin ang titig ko sa kanya, hoping it was just a joke or something.

"Hmmm?" he hummed again. I never find his hum that sexy until now. Anong nangyayari sa akin? I thought...

"A-ano kase... Binobola mo naman ako eh!"

"No, Astria. I'm serious," he said still giving that serious expression. Lalo akong walang masabi dahil doon. Anong gagawin ko?

"Astria," he called me once again. Inihawi niya ang buhok ko na nililipad mg hangin at tumataklob sa mukha ko. "I like you..."

Dug, dug!

He already said it... Alam ko nang may feelings na siya matagal and he might say it, pero ngayong nandito na ako sa sitwasyong ito, hindi ko na alam pa ang sasabihin at gagawin. Hindi ako handa para rito...

"Uhhhh... Aegan. Are you sure?"

He chuckled.

May nakakatawa ba doon?

"Yes, Astria. I like you. I really do." He smiled at me and fixed his spectacles. The light from the moon reflected to its lenses.

"But, Aegan..." I paused. "Hindi pa ako... ready."

He bitterly smiled. "It's okay."

Pinanindigan niya ang ngiti niya kahit alam kong hindi na iyon totoo. Nakatitig pa rin siya sa akin, at tila may gusto pang sabihin.

"Is it..." tumigil siya at tumingin muli sa buwan. "...because of him?"

Dug, dug!

He got me there. Tila natutop ako bigla at hindi na nakapagsalita pa. Narinig ko lang ang malalim niyang buntong hininga.

"Astria," he called me, again. "I like you but it doesn't mean that you need to like me too, okay? Okay lang naman ako. I'll be happy for you, kung masaya ka sa kanya."

He touched my hair at ginulo iyon ng bahagya, like how he does it back then. Can't we just go back to the past, Aegan?

Tumahimik na ang paligid namin at wala nang nangahas pang magsalita. Unti-unti na ring namamatay ang apoy sa bonfire kaya namamayani na ang kadiliman.

Sumandal ako sa balikat ni Aegan at tumitig muli sa buwan.

"Stygian, ikaw ang gusto ko..."

STYGIAN | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon