82

54 3 0
                                    

ASTRIA (2020)

Is it possible to be in love with two people at the same time?

Iyan ang kanina pang bumabagabag sa isipan ko. Maga ang mata akong nahiga sa kama habang iniisip lahat ng gagawin kong desisyon. Kailangan ko ba talagang mamili sa kanilang dalawa? Why can't I choose the both of them?

"Argh!" I grunted out of frustration. Hindi ko na alam ang gagawin ko at pipiliin ko. Should I choose the man whom I never met but already invested feelings within that short period of time? Paano ko naman mapipili si Stygian gayong nasa magkaibang panahon kami? Is there a possible way for us to meet? Kase kung nakagawa nga naman si Sir Agandro ng isang makina na nakakabuhay ng patay, is there also a machine to link us together?

Or should I just stick with my childhood best friend who was always there when I needed someone to cry on, a shoulder to lean on and ears that would hear my rants? Should I just choose Aegan who was always there for me through up and downs, and thick and thins? Magkasama na kami noon pa and it is not impossible for me to fall for him. Ni hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang mga salita na sinabi ko sa kaniya kanina. Am I already in love with him?

But I'm in love with Stygian, am I not? O mali ba lahat ng pagkakainterpret ko sa nararamdaman ko. Na lahat ng ito ay misunderstanding lamang? Agh! Hindi ko na alam.

I was in the middle of those thoughts when my phone beeped because of a notification. Isang mensahe ang aking natanggap.

Galing kay Jose.

Jose
09XXXXXXXXX

Jose:
Astria...

Astria:
Bakit?

Ngayon, kinakabahan ako sa maaaring sabihin niya sa akin. Ang huling pag-uusap namin ay patungkol sa pagkawala ni Stygian at hindi ko na alam ang nangyari kasunod noon.

Natatakot ako na baka may nabago nga ba ako sa nakaraan dahil sa ginawa kong pagkausap kay Astrid. Hindi ko naman alam na siya ang makikita ko doon. Aaminin kong naging desperada ako na mailigtas sila kaya hindi ko na naisip ang maaaring maging kahihinatnan ng ginagawa kong aksiyon.

Jose:
Si Stygian...

Dug dug!

Jose:
Nagbalik sila.

Astria:
Nagbalik?

Astria:
Papaanong nagbalik?

Ngunit, wala na akong natanggap na mensahe pagkatapos.

Astria:
Jose?

Astria:
Jose, ayos ka lang ba?

Astria:
Anong nangyayari?!

Astria:
Jose?!

Astria:
JOSE?!

Ano nang nangyari?

STYGIAN | completedWhere stories live. Discover now