75

41 5 0
                                    

STYGIAN (1941)

Hindi ko namalayan na nakatitig lang pala ako sa mukha ng babaeng ito. Kagulat-gulat din na hindi siya umiiwas ng titig, kaya sinamantala ko ang pagkakataon na iyon para kabisaduhin ang mukha niya.

May katabaang mga pisngi. Bilugan ang malalamlam niyang mga mata. Mahahabang pilikmata. Kayumangging kulay. Patusok at perpektong ilong. Mapupulang mga labi. Nakapuyod ang mahaba niyang itim na buhok. Ganun ko siya kung ilarawan. Tila natutuliro ako sa gandang taglay niya. Niyugyog ko ang ulo ko. Alam kong mali ito. Alam kong may nararamdaman na ako kay Astria kahit hindi pa man kami nagkikita, ngunit bakit tila kakaiba ang pintig ng puso ko kapag kaharap itong si Astrid?

Dahil ba nakikita ko si Astria sa kaniya? Dahil ba sa mga pagkakatulad nila? Dahil ba si Astrid ang kasama ko at hindi si Astria? Kung ano ang sagot, hindi ko na alam. Ang tanging alam ko lang ngayon ay mali ito, kailangan ko nang itigil ang lahat ng ito.

"Uhhh..." naiilang niya nang sambit kaya kumalas na ako sa pagtititigan namin. Tumikhim siya. Hindi man ako nakatingin sa kanya nang diretso, kita ko pa rin sa gilid ng mga mata ko ang ginagawa niya.

"Astri—...trid," nauutal kong sambit sa pangalan niya.

"B-bakit?"

Nilunok ko ang kung anumang bara sa lalamunan ko. "B-bakit ako... nandito?"

Tumahimik ang paligid.

"Ang ibig kong sabihin, bakit mo ako niligtas? Sino ka? Mapagkakatiwalaan ba kita?" dire-diretso kong tanong sa kanya.

Naibuka niya ang mga labi niya sa deretsahang tanong ko. Alam kong medyo hindi maganda ang tono ko sa pagtatanong ng mga iyon ngunit may pangamba pa rin talaga sa loob ko na hindi maalis. Hindi ko na alam kung sino ang dapat kong pagkatiwalaan dahil kahit ang sarili kong mga magulang nagawa akong paglihiman.

Yumukom ang kamao ko sa mga naisip ko ngunit pinigilan ko ang bugso ng damdamin ko sa alab na mayroon ang dibdib ko dahil gusto ko marinig ang sasabihin ni Astrid.

Ngumiti lang siya nang makabawi siya sa pagkabigla. Akala ko hindi niya na sasagutin ang tanong ko ngunit ako naman yata ang nabigla ngayon nang ilapag niya ang mga ginagawa niya sa isang tabi at umupo sa kama kung saan ako nalalagi.

Bumuntong-hininga siya. "Alam kong nagdududa ka sa maaaring layunin ko sa pagtulong sa iyo ngayon, ngunit hayaan mo akong gawin ito." Tumigil siya saglit ngunit pinanatili ang titig sa akin. "Hindi ko naman hinihingi ang tiwala mo dahil alam kong maaari ko ring mabali iyan pero sana'y ayos lang sayo ang ginagawa ko ngayon."

Puminting ang puso ko sa sobrang lapit naming dalawa. Iilang sentimetro pa naman ang pagitan namin ngunit ganito na kung maghuramentado ang puso ko.

"Kaibigan ka..." muli siyang tumigil upang lumunok. "...ni Jose, hindi ba?"

Kilala niya rin si Jose? Gusto ko siyang pagkatiwalaan kahit na sabi niya ay hindi naman na dapat iyon, ngunit sa lahat ng nalalaman niya tungkol sa akin ay hindi ko magawang magtiwala. Sa papaanong paraan niya nalaman ang lahat ng iyon? Mukhang imposible naman na pakikisalamuha sa amin niya nakuha ang mga impormasyon na iyon dahil batid kong magkaiba kami ng mundong ginagalawan. Ang halos kasama lamang ng pamilya namin ay pulos kapwa mayayaman lang rin.

"O-oo," nauutal kong sagot. "Kaibigan ko nga siya, paano mo siya nakilala?"

Natigilan siya saglit at tumitig sa mga mata ko bago mag-iwas saka tumungo. Kinutkot niya ang mga kuko niya sa daliri dahil siguro sa kaba? Bakit siya kinakabahan?

"Ayos ka lang ba?" biglaan kong tanong nang makita ko ang pagkabalisa niya.

"A-ah, oo! May naalala lang ako, pasensiya na." Kinagat niya ang labi niya saka muling tumitig sa akin.

"Sigurado ka?" muli kong usisa.

Bumuntong-hininga na naman siya. Hindi ko na alam kung ilang buntong-hininga ang kailangan kong marinig ngayong araw.

Tumingin siya ng diretso muli sa akin. May kakaiba na sa tingin niya ngayon na nagpapakaba sa akin. "Gusto mo malaman kung paano ko kayo nakilala, hindi ba?"

Tumango ako.

Ngumiti siya sa akin at kinuwento ang pinakamasalimuot na pangyayari ng buhay niya.

"P-pakiramdam ko, ginawa akong hayop nang mga panahon na iyon..." aniya pagkatapos niyang magkuwento. Ang mga mata ay may bahid na ng mga luha. "Pero dumating siya. Si Jose. N-niligtas niya ako..."

Tuluyan nang tumulo ang luha niya mula sa kaliwang mata na agad niya namang napunasan bago pa ako makalapit sa kanya.

Pinikit niya ang mata niya at idinilat pagkatapos kumalma. "Kaya ipinangako ko sa sarili ko noong araw na iyon, na babalikan ko siya kung kailangan niya ng saklolo. Na handa akong isukli sa kanya ang kabutihang ipinakita niya sa akin noon. At ngayon ang tamang panahon para doon, kailangan niyo ng tulong ko."

"Pasensiya na, hindi ko alam na may ganyan ka palang kuwento," pakikisimpatya ko. "Ngunit, paano mo naman kami matutulungan?"

Ngumiti siya ng malawak sa kabila ng mga luhang lumalandas sa pisngi niya. "Nang makatakas ako mula sa mansiyong iyon, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pinatay na ang mga magulang ko at hindi ko alam ang daan patungo sa ibang kamag-anak namin dahil isa lamang akong musmos noon. Umupo ako sa daan. Naghihintay ng makakakita sa akin. Hanggang sa may dumating na isang singkit na matipunong lalaki. Natakot ako sa kaniya noong unang pagkikita namin dahil.. dahil isa rin siyang hapones, pero kinupkop niya ako. Pinakain. Binihisan."

Tuluyan niya nang pinawi ang mga natitirang luha sa pisngi niya. "Siya si Master Yen. Siya ang nagturo sa akin kung papaano protektahan ang aking sarili. Itinuro niya sa akin ang iba't ibang galaw ng paa at kamay," aniya saka muling tumitig sa akin. "P-pasensiya na.. 'yun lang ang kaya kong ibigay na tulong sa inyo."

Mukhang nalumbay siya sa sinabi niya. Naisip ko, wala nga pala sa amin ni Jose ang sanay na makipaglaban, kaya naman ganoon kataas nag tingin ko kay Astrid ngayon dahil handa siya protektahan kami kahit na babae siya. Lumapit ako sa kanya at iniharap sa akin ang mukha niya. "Salamat, Astrid."

Bahagya siyang namula, tila nagulat yata sa biglaan kong pagpapasalamat. "Malaking tulong na ang ibinibigay mo sa amin. Salamat doon."

Tuluyan na siyang nahiya kaya napababa ang tingin niya ngunit bigla na lang siyang tumayo nang mapatitig siya sa ibaba ng aking mukha.

Sinundan ko kung ano ang nakita niya na nakapagpagulat sa kanya at doon ko lang napagtanto ang lahat.

Wala nga pala akong saplot pang-itaas at nakita niya ang hulmado kong katawan! Agh, nakakahiya!

STYGIAN | completedWhere stories live. Discover now