14

109 13 6
                                    

ASTRIA

"Shit," tanging nasabi ko na lamang nang makumpirma kong si Stygian nga ang nakakausap ko. Ibig sabihin nanggaling talaga siya sa dating panahon?

Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari ngayon pero kailangan ko itong paniwalaan. Alam kong may dahilan kung bakit sa akin pinaranas ang lahat ng ito. There's surely a reason on why is this happening right now. And that, is what I think, that I need to find out.

Kailangan kong matuklasan ang pagkamatay ni Stygian? Or should I stop his death?

No, no. I've read from somewhere that if I change something from the past, even just a little bit, it will create a huge impact in the future. Magdudulot ito ng imbalanse at maiiba ko ang kapalaran. Ito ang maaaring pagdulutan ng gulo, kaya hindi ito dapat binabago.

Oo nga pala 'no? Hindi ko rin pala alam kung kailan, paano at saan namatay si Stygian, at kung sino ang pumatay sa kanya. Iyon ang mga bagay na kailangan kong tuklasin. Kaya ko ba siya nakakausap ngayon ay para mabigyan niya ako ng mga clue para masolve ko ang pagkamatay niya?

Umilaw at tumunog muli ang cellphone ko kaya napabuntong-hininga na lang ako at binasa ang nakasulat rito.

Stygian
09XXXXXXXXX

Stygian:
Binibini?

Stygian:
Ano nga pala ang iyong ngalan?

Astria:
Astria.

Astria:
Ang pangalan ko ay Astria.

Stygian:
Kay ganda naman ng iyong pangalan. Parang isa sa mga bituin na nagkikisalapan sa kalangitan.

--

Nakaramdam ako ng kaunting kilig sa sinabi ni Stygian. Ngayon lang kase may pumuri ng ganoon sa pangalan ko. At tama nga ang sinabi niya, ang pangalan ko ay hango sa salitang Astra, na ang ibig sabihin ay bituin.

Kinumpara niya pa ito sa mga tala. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.

--

Astria:
Salamat...

Stygian:
Walang anuman.

Astria:
Nga pala...

Astria:
Nasabi mo kanina na may humahabol sa'yo. Ayos ka na ba?

Stygian:
Ah, iyon.

Stygian:
Sa tingin ko nakalayo naman na ako, binibini.

Stygian:
Nasa loob na ako ng bahay namin, hindi niya na kami mapapasok dito. Huwag ka nang mag-alala.

Astria:
Hays, buti naman.

Astria:
Matanong ko lang ah?

Stygian:
Ano iyon?

Astria:
Anong taon at buwan na riyan sa inyo?

Stygian:
Nobyembre ng taong 1941 binibini. Bakit?

Astria:
Shit! / delete

--

November 1941?!

Base sa natatandaan ko, ito ang panahon kung saan naghahanda na ang mga Hapones na sakupin ang Pilipinas sa mga Amerikano.

Disyembre 1941 ito nagsimula. So, ibig sabihin, panahon ng hapones siya namatay?

--

Astria:
Panahon ng Hapones?!

Stygian:
Ha?

Stygian:
Anong panahon ng hapones ang sinasabi mo, binibini?

Astria:
Wala, wala.

Stygian:
Sa bagay, dumami nga ang hapones sa paligid ng mag-umpisa ang taong ito.

Stygian:
Pero mababait naman sila.

Stygian:
Naging kaibigan ko ba nga si Jose, may lahi siyang hapones.

Astria:
Ahh...

Astria:
First suspect? / delete

--

Simula ngayong araw, dapat ko na iconsider na lahat ng taong nakakasalamuha ni Stygian as suspects. Sila ang maaaring may motibo para paslangin siya. Kahit gaano pa sila kalapit sa isa't isa.

Hindi ko alam kung dapat ko ba itong sabihin kay Stygian. Should I? Or should I not?

--

Astria:
Stygian..

Stygian:
Bakit?

Astria:
Mamamatay ka...
message sending failed!

Astria:
Ha? Ba't ayaw magsend? / delete

Astria:
May papatay sa'yo!
message sending failed!

Astria:
May nagbabalak ng masama sa'yo!
message sending failed!

Stygian:
Astria?

Astria:
Mag-iingat ka...
sent

STYGIAN | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon